30: Girls' Meeting

121 36 0
                                    

Chapter 30: Girls' Meeting

Spiraea's POV,

Bumalik na ako sa dorm nang mabigat ang loob. Nakita ko ang apat kong kasama at mukhang pare-parehas kaming inis maliban kay Crys na mukhang sinasapian dahil pinipigil ang kilig niya.

"Ano bang nangyari?!Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang aura niyo mga pwends?LQ ba?"tanong ni Crys kaya nakatikim siya ng matalim na tingin sa aming apat.

"I feel guilty..."umiiyak na sabi ni Dea. Sandali, don't tell me nahila din sila? Di ako nainform kasi mabilis ang pangyayari.

"Ako din,shit!"inis na sabi ni Euca na kanina pa pinagtitripan ang unan kakabalibag niya sa kama niya.

"Kailangan ko na ba talagang sagutin na ngayon si Zandrews?"tanong ni Jas habang tulala sa pader.

"Ako kaya? Super concern kasi si Ashton sakin,may gusto na kaya siya sakin?"sabi naman ni Crys saka nagpaikot-ikot sa kama niya.

I just sighed then sitted on the mini sofa. Kainis,napakaselfish ng demonyong yun. Mageexplain pa siya,pagmumukain niya pa na worried siya sa akin when in fact sarili lang talaga niya ang iniisip niya.

Tangina niya. My middle finger salutes to his selfishness. Tss.

"Sino unang magkukwento?"biglang sabi ni Crys kaya nagkatinginan kaming lima.

"Why pa?"umiiyak na tanong ni Dea saka kumuha nanaman ng tissue.

"Yan lang ang way para umayos ang feeling natin. Malay niyo diba?Matulungan natin ang isat isa,"sabi ni Crys.

Narinig namin ang pagbuntong hininga ni Dea.

"Ako na ang mauuna,"sabi niya saka pinunasan ang luha niya.

Ikinuwento ni Dea ang nangyari nung hinila siya ni Zyquinne at wala akong makitang dahilan para umiyak siya.

"Anong iniiyak mo diyan?Nagseselos ka sa ex?"tanong ni Jas.

Dea sighed. "I am the ex,"

"Ha?!"we shouted in unison.

"Hakdog guys. Narinig niyo naman diba?"

"Bakit...di ka niya kilala?"tanong ni Euca.

"Tingin mo Spiraea?"tanong ni Dea saka tumingin sakin.

"Either a total makeover or a plastic surgery,"sagot ko naman.

"Hindi ko muna ipapaliwanag but I did the second one. And oo girls,niloko ko si Zy-Zy noon at pinagsisisihan ko yun ng sobra,"sabi ni Dea saka napayuko.

"Let's not force her girls. Sasabihin din niya sa atin yan soon,"sabi ko kaya tumango silang tatlo.

"Sasagutin ko ba si Zandrews?"tanong ni Jas.

"Ikaw ba?Ano na bang feeling mo?"tanong ni Crys.

"Shit ang cheesy. Naging kami nun but hindi siya seryoso. Kaibigan pa din kasi ang turing niya sa akin nun kaya balewala sa kanya lahat ng effort ko. Hanggang sa naghiwalay kami. And yun nga,nagkita kami ulit,nag-sorry siya tapos nanligaw,"kwento ni Jas.

"Follow your heart Jas but don't forget to still use your mind. Mahal mo pa din siya pero sigurado ka na ba talaga na kaya ka na niyang mahalin pabalik?O kailangan mo pa siyang suriing mabuti?Be careful Jas dahil kung hindi ay masasaktan ka lang,"payo ko kaya napatingin sila sa akin.

"Since nag-ala Papa Jack naman na si beshie,tulungan mo na din ako kay Ashton kay???"sabi ni Crys kaya I rolled my eyes and nodded.

"Eto na ah..."

"Papa Jack--este Spiraea,help me naman oh!Feeling ko may gusto si Ashton sakin pero ayoko naman mag-assume. Kasi naman ang bait niya sakin tapos ang overprotective. Plus makalaglag panty talaga ang kagwapuhan niya ih!!Spiraea anong gagawin ko?!"tanong niya saka lumuhod sa harap ko. Baliw talaga.

"Tumayo ka nga dyan. Mas makakabuti siguro na tanungin mo siya o kaya dahil nagiging pipi ka pag nandyan na siya,antayin mo nalang siya magsabi. Gaya nga ng sabi mo mahirap mag-assume kaya iwasan mo muna hanggat sa kaya mo ang any romantic feelings sa kanya. Huwag mo rin siyang bibiglain sa pagtatanong,baka kasi mabigla at lumayo sayo,"payo ko kaya tumango-tango siya.

"Ikaw Euca?Anyare sa inyo ni Xiruis?Nafall out of love na ba dahil sa sungit mo?"tanong ni Crys kaya Euca sighed in frustration.

"Malapit na siguro. Hays,nainis kasi ako kanina e!Bigla bigla na lang nanghihila,ang dami na nga nating iniisip tapos gutom pa ako--"hindi na natapos magsalita si Euca nang sumingit kami.

"Yun naman pala e,"sabi namin kaya napairap si Euca.

"Euca,may chance ba si Xiruis sayo?Kasi kung wala,mas mabuti na wag mo na siyang paasahin,"sabi ko sa kanya.

"No!I mean,simula nang magkita kami parang hindi buo yung araw ko nang hindi kami nag-aasaran. Kasi naman e!Naguguluhan na ako!"sabi niya saka ginulo ang buhok niya.

"Kalma sis. Mukhang may chance nga si Xiruis. Eh bakit mo pa tinataboy?"tanong naman ni Crys.

"Kasi,ewan!Gusto ko kasing makita ang limitation niya--"

"At nakita mo na nga,"pagsingit naman ni Jas.

"Oo na!Kasalanan ko na!May nasabi akong mga salita pero sapat na ba yun para sumuko siya?Diba ang totoong nagmamahal hindi napapagod?"tanong ni Euca.

"Hindi yun napagod Euca,nasaktan lang. Pahilumin mo muna ang sugat na ginawa mo sa kanya,"sabi naman ni Dea kaya sabay-sabay kaming tumango.

"Agree,"the three of us said in unison.

"Eh kayo ba ni Akuma?Ano bang problema niyo?"baling naman sa akin ni Dea.

"Let's not talk about it,"sabi ko saka pumunta sa kama ko.

"Oh cmon!Nagshare kami tapos ikaw hindi? That's unfair!"sabi ni Crys saka nag-pout.

"Okay. Its about his selfishness. Yun lang,"sabi ko saka humiga na.

"Spiraea...wala ba kaming matutulong?"tanong ni Euca kaya umiling ako.

"Kung kay Daimon,wala na siguro. Hindi na mababago pa ang demonyong yun. But if its about Lola said earlier, kailangan talaga natin magtulungan."sabi ko kaya nagseryoso na sila bigla.

"Wait,sabi kanina ng lola mo,Tita Daffodil and Daddy had an affair,so that means,half sisters kami ni Euca?!"gulat na tanong ni Crys.

"What?No way!"tanggi naman ni Euca.

"Bakit naman hindi?"nagtatakang tanong ko kay Euca.

"B-basta. Kahit magpa-DNA pa tayo,"sabi ni Euca kaya napatango nalang si Crys.

"So,hindi ako tunay na anak ni daddy?O hindi ka tunay na anak ni tita Daffodil?At ako talaga yung batang yun?"

"Hindi nga ako tunay na anak ni mommy. But I assure you,hindi ikaw ang anak ni mommy dahil namatay yung baby na yun. Ipinalit ako para hindi mahalata."sabi ni Euca habang nakayuko.

"How did you know those?"tanong ko.

"I sneak out in moms room at nakita ko ang mga dokumento tungkol sa baby na kapangalan ko at adoption papers na kapangalan ko rin,"

"But...Tita Daffodil..."napatingin naman kami bigla kay Jas.

"Why?"

"I saw Tita Daffodil sneaking in my mom's office one time. Pero bakit?"tanong ni Jas.

"Girls,i might complete the puzzle in your minds,"sabi naman ni Dea kaya tumingin naman kami sa kanya.

"What do you mean?"I asked.

"I saw tita Daffodil,on the same room they did the plastic surgery on me. Nauna lang siya. Nang matapos siya, lumakad siya sa harap ko. She noticed me but what's odd is hindi niya ako pinansin the fact that hindi pa ako nakakapalit ng mukha noon. Its as if,ibang tao na siya. Shes not tita Daffodil we once knew,"

---

Kiras' Academy[UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon