38: Who Has The Best Plan?

109 33 1
                                    

Chapter 38: Who Has The Best Plan?

Zyquinne's POV,

Monday.

Nandito na kami ngayon sa garage at nauna kami sa girls ngayon. Nabobored na nga ako kaya pinaglaruan ko muna yung rubiks cube ni Master Akuma kaso hindi ko maayos ayos e. Isang kulay lang ang naayos ko tapos yun na yun.

Napakamot ako sa ulo. Seems that this game isnt for me.

"May technique kasi yan,"napalingon ako sa likod at nakita ko si Xiruis kaya napanguso ako.

Technique pala ah?Mapagaralan nga.

"Spiraea!You woke up late again!Magagalit ang lola mo sayo!"woah,ang layo pa nila naririnig na namin ang boses ni Euca.

Papalapit na sila pero mukhang hindi pa kami napapansin dahil busy sila mag-away.

"Im sorry okay?Hindi na kayo nasanay sakin,"Spiraea said then rolled her eyes.

"Oo nga pala. You're the sloth queen,magtataka pa ba kami?"inis na sabi ni Crys.

"What if naiwan na tayo?"tanong ni Ey--ibig kong sabihin Dea.

Pagkasabi niya nun,napatingin sila sa direksyon namin.

"Guess we aren't,"sabi ni Jas saka humiwalay sa amin ng konti.

"Where's Mr. James?I thought siya ang maghahatid sa atin,"sabi ni Spiraea saka napatingin sa malayo at parang may hinahanap.

"Sloth King!Joke!"sabi naman ni Crys saka nagpeace sign.

Napatingin ako kay Eyah--Dea at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Nang magtama ang tingin namin,una siyang umiwas.

Ngayong magkakasama na kami,papayag na kaya siya na maging kami ulit?Hindi naman kasi nagbago ang tingin ko sa kanya. Kahit pa nagpalit yung mukha niya. Kaya pala naaalala ko siya sa kanya. Siya pala yun.

Di bale,makakabalik din kami sa dati. Matatapos din ang lahat ng ito. Sigurado ako.

"Im sorry, I'm late. I need to fix some files. Tungkol sa magiging pagkawala niyo,I already made some excuses. So, let's go?"paliwanag ng assistant dean habang busy sa paglagay ng gloves niya na itim.

"Let's go na Tito, boredom's already killing me,"sabi ni Spiraea saka nauna nang maglakad. Sandali,tito?Tito niya ang assistant dean?! Pero magkalayo naman ang Ortega sa Hernandez ah?Sa mother side? Ay ewan!Hindi dapat yan ang pinoproblema ko ngayon.

"Oh and by the way,the other party should get their own van. Right tito?"sabi pa niya kaya tumango ang assistant dean. Kami ata ang other party na tinutukoy?Di man lang dineretso. Parang wala kaming pinagsamahan magbabarkada,napakapormal magsalita.

"Kinda weird to hear you call me like that. Anyway, you're right. The guys' van is right there. Si Jade ang maghahatid sa inyo. He's one of faculty staff and the only staff who knows about this,"paliwanag ng assistant dean kaya tumango kami.

"Then let's go,"sabi ni Spiraea saka sumakay na sa itim na van. Sumunod naman ang apat. At wala sa kanila ang pumansin sa amin. Ano pa nga bang aasahan ko?Si Ashton at Xiruis lang naman ang masaya rito.

Gusto ko ngang maki-sana all.

"Let's get going too,"utos naman ni Master Akuma kaya tumango na kaming apat at nauna na siya papunta sa pulang van kung saan nandoon si Kuya Jade na siyang driver namin. Nakasunod naman kami sa kanya.

Nang makasakay na,pinaandar na ni Kuya Jade ang sasakyan at nakasunod lang kami sa van na sinasakyan ngayon nila Eyah.

Wow, everything went according to the plan. Galing talaga ni Master Akuma!

After an hour,nagulat kami nang lumihis ang sasakyan namin at hindi na sumunod sa van nila Eyah.

"B-Bakit mo naman iniliko Kuya Jade?"tanong ko habang nakatingin sa van nina Eyah na unti-unting naglalaho sa paningin namin.

"We will just take a shortcut,"sabi ni Kuya Jade pero alam namin na inilalayo niya lang kami.

Tama nga si Master Akuma. Naisip niya na maaari kaming ihiwalay ni Spiraea sa kanila since siya ang tagaplano sa side nila.

Maya-maya,may tumawag kay Kuya Jade.

"Ano po?Okay. Sige po. I'll tell them. Thank you."sabi niya saka pinatay ang tawag.

"Sir Ortega said that the girls will go home first so same as you,iuuwi ko muna kayo--"hindi na naituloy ni Kuya Jade ang sasabihin niya dahil inunahan na namin siya.

"No!"sigaw naming apat kasi nakatitig lang ng masama si Master Akuma.

Ayokong umuwi sa bahay!Imagine how bloody our house is. Ayaw kasi ni mommy sa maid na hindi agad sumusunod sa inuutos niya,o kaya nagkakamali kaya pinapatay niya yun saka naghahire ulit siya ng bago. Kapag naman hinahanap na ng mga mahal nila sa buhay yung pinatay ni mommy,binabayaran niya yun o kaya naman ay pinapatay niya ito at pinalalabas na aksidente lang o kaya naman nagsuicide.

And I don't want to see it again.

"Maghohotel nalang po kami,"sagot ni Xiruis kaya tumango si Kuya Jade.

*After an hour*

"Babalikan ko nalang kayo bukas,"sabi ni Kuya Jade nang makababa kaming lahat saka pinaandar na muli ang van at umalis na.

"Even if he'll never,"sabi ni Master Akuma. Eh?

"I can't believe Spiraea is a controller. She makes people move the way she wants. Unfortunately,that wouldn't work on us,"cold na sabi ni Master Akuma.

"Let's check in first. Inaantok na ako,"Zandrews said then yawned kaya pumasok na kami sa loob ng hotel.

"Their van stopped but they're moving,"balita ni Ashton habang naglalakad kami. Buti nalang at may tracking device kami as a undercover agents.

"They left the first van and goes to the second one. She might anticipated that we will put a GPS on their van,"Master Akuma said.

Nandoon muna kami sa gilid at si Xiruis ang nakipagusap sa front desk.

"Thank god Zyquinne is a ninja at naglagay din ng tracking device sa gamit nila. Good job bro,"Ashton said saka nakipagapir sa akin. Siyempre sinalo ko iyon.

Last night,I sneaked into their room and put tracking devices inside their bag. Of course,sa part na hindi nila mapapansin. O kung mapansin man,matatagalan pa.

Kapag kasi ganyang trabaho,sa akin nila ibinibigay since I can move stealthily than them kaya pinagkakamalan akong ninja. Tapos natuto pa ako ng katana kay Eyah diba?

"I already got the room. Let's go,"sabi ng kakarating lang na Xiruis saka ipinakita sa amin ang susi.

Nauna nang maglakad papuntang elevator si Master Akuma kaya sumunod na kami.

Si Xiruis na ang nagbayad ng kwarto since siya naman pinakamayaman sa amin. Isa pa,tinitipid ko ang pera ko. Itinuro kasi ni Eyah sa akin na matutong magtipid kaya kahit mayaman ako nagtitipid pa din ako sa pera.

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa room namin.

Napaupo ako sa couch. Bukas na pala no? Sigurado akong pagkatapos ng mangyayari bukas,magbabago na ang buhay naming lahat.

-----

Kiras' Academy[UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon