28: Safe Haven

117 38 0
                                    

Chapter 28: Safe Haven

Spiraea's POV,

"Apo ko..."sambit ni lola saka unti-unting lumapit sa akin.

"Salamat at pinayagan mo akong makita sila anak,"sabi ni lola saka tumingin kay Mr. James. Sandali nga,anak?!Ibig sabihin,tito ko siya?!

"I told you mom,gagawin ko ang lahat ng gustuhin mo. Lalo na at wala na si Dad,"sagot ni Mr. James--err,tito?

Eww... Di ko sila matanggap as kamag-anak ko.

"Maraming salamat,anak,"sabi ni lola saka muling tumingin sa akin.

"Mga apo,sino ba sa inyo ang magmamana ng pangalan ko?"tanong ni lola kaya napakunot ang noo ko. Mga?Akala ko ba ako lang ang apo niya?

"Mukhang hindi mo pa alam Spiraea,pero hahayaan ko nalang na siya na ang magsabi."sabi ni lola saka muling bumalik sa upuan niya.

"May katotohanan kayong dapat malaman,"seryosong sabi ni lola kaya napatingin ako sa kanya.

"Na ano?Magiging serial killer din kami balang-araw dahil sa pagpasok namin dito?Lola,hindi niyo kami katulad!Hayaan niyo nalang kaming umalis dito!Gusto naming mamuhay ng normal!"sigaw ko at hindi ko na napigilan ang luha ko. Napatingin ako kay Euca na bigla akong hinawakan sa balikat.

"Tama po siya. Paalisin mo na po kami dito dahil hindi po ito ang lugar para sa amin,"sabi ni Euca. Napatingin siya sakin saka ngumiti kaya nginitian ko siya pabalik tapos sabay kaming tumingin kay Lola.

"Naiintindihan ko mga apo,kaso,hindi maaari,mas mapapahamak kayo sa labas ng paaralang ito,"sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"tanong ko.

"Apo,matagal niyo nang kasama ang isang taong maaring pumatay sa inyo. Isang taong kinain ng paghihiganti. Hinahanap niya kayo dahil gusto niya kayong patayin. At itong paaralan na ito,ito ang magiging taguan niyo,"Lola answered.

"Hindi ko alam kung nasaan ang tunay na kalaban pero sigurado ako na kayo ang pakay niya."

"Kami po?Buong tropa?"tanong ni Crys.

Tumango si Lola. "Oo iha,kayong lahat. Hayaan niyong kwentuhan ko kayo ng isang storya.

Dalawamput dalawang taon ang nakakalipas nang magkakilala ang mga magulang niyo sa eskwelahan. Si Zayne, Daffodil, Darwin, Brian,Quetzal at Kirsten. Kagaya niyo hindi din sila mapaghiwalay. Lagi silang---"hindi na natapos si Lola nang sumingit si Dea.

"Who's Kirsten?I mean po,magulang po namin sila pero wala po kaming..."she trailed off.

Napatawa nang mahina si Lola. "Patapusin mo muna ako iha. Magkasintahan noon si Kirsten at Darwin nang dumating si Brenda. Mahirap si Brenda. Hindi siya katulad sa kanila pero nahulog ang loob ni Darwin sa kanya. Kaya nagsimulang masira ang samahan nila,"

"Si inay...siya ang dahilan?"malungkot na tanong ni Dea.

"Hindi lang siya iha. Humingi ng tulong si Kirsten sa pinakamalapit sa kanya,si Quetzal. Pero likas ang pagiging mainitin ng ulo,nauwi sa suntukan ang nangyari na mas lalong kinainis ni Kirsten,"

"Like mother like daughter nga naman,"sabi ni Euca kaya inirapan lang siya ni Jas.

"Nung time na malungkot si Kirsten,sinamantala iyon ni Brian dahil matagal na pala itong may gusto kay Kirsten. Naglasing sila pareho at may nangyari sa kanila. At nagbunga iyon,"

Napasinghap si Crys. "A-Ako po ba iyon?"

Lola Sabrina chuckled pero hindi niya sinagot ang tanong ni Crys. "Sinabi niya iyon kay Zayne pero imbes na tulungan,nagalit si Zayne dahil sa ginawa nila, masisira ang barkada. At eto pa,hindi si Brian ang sinisi niya,kundi si Kirsten dahil nagpabuntis daw ito."

"Mas lalong nainis si Kirsten. Halos araw-araw siyang umiiyak at hindi na din siya nagpapakita pa sa mga kaibigan niya. Isang araw,dinalaw siya ni Daffodil. Tuwang-tuwa noon si Kirsten dahil naalala siya nang kaibigan pero iba pala ang pakay nito. Gusto niyang ipalaglag ang sanggol ni Kirsten,dahil buntis din si Daffodil at si Brian din ang ama,"

Nagulat kaming lahat sa narinig. Nakakaguilty. Kasi kahit na hindi kami ang gumawa,magulang padin namin sila.

"Hindi pumayag si Kirsten kaya ipinakidnap siya ni Daffodil at sapilitang tinanggal ang bata sa sinapupunan niya. Galit na galit nun si Kirsten kaya matapos siyang iwan na parang basura,nawala nalang siya na parang bula."

"Paano niyo po nalaman iyan lola?"tanong ko.

"Naabutan ko si Kirsten na naglalakad sa eskinita,duguan ang ibabang parte ng katawan niya. Kaya tinulungan ko siya at dinala sa isang rest house. Doon ko siya ginamot. Hindi siya makapagsalita at puro hikbi lang ang ginagawa niya kaya hinayaan ko muna siya."

"Matapos nang ilang linggo,nakapagkwento na siya. At nanlumo ako sa sinapit niya kaya tinulungan ko siya. Hanggang sa ituring ko siyang parang tunay na anak. Pero isang araw,nakita niya ang ginawa ko. Ang ginawa kong pagpatay. Kakausapin ko sana siya noon kaso balot ng galit ang puso niya at ang tanging gusto niya ay makapaghiganti."

"Umalis siya nang bahay ko at ilang linggo lang ang lumipas,nalaman ko na halos mag agaw buhay si Daffodil nang mamatay ang mga magulang niya. Pagkatapos,wala na akong balita sa kanya simula noon,"malungkot na sabi ni Lola.

"Iniisip niyo po ba na siya ang may gawa nun?"tanong ko ulit.

Tumango si Lola. "Hindi lahat ng mamamatay tao fascination lang ang dahilan kaya pumapatay. Ang iba ay nabulag ng galit at paghihiganti. Dahil hindi sila makaalis sa nakaraan at ang makakapagpaahon sa kanila ay ang paghihiganti."

"Iha,alam kong malaki ang kasalanan ko sa yo at maging kay Kirsten kaya ito nalang ang magagawa ko. Ang iligtas ko kayo sa kanya."

"Sina mommy?Kung malaki ang kasalanan ng magulang namin kay Kirsten,bakit buhay pa din sila?"tanong ko.

"Sa tingin ko,gusto muna niyang magdusa ang mga magulang niyo sa pagkawala niyo. Gusto niyang maranasan ng magulang ninyo ang mawalan ng anak kagaya sa kanya kaya uunahin niya kayo. Kaya nakikiusap ako,manatili kayo dito. Huwag kayong mag-alala,sinabi ko naman sa magulang niyo na nasa ligtas kayong lugar. Hindi ko sinabing ako,o kung nasaan kayo. Basta sinigurado ko sa kanilang ligtas kayo."sabi ni Lola kaya napatango kami.

"Basta tatandaan niyo,hanggat ligtas kayo,ligtas din ang magulang niyo,"

"You are the Killer's Killer pero heto kayo at dean ng isang serial killer's school. Hindi ba ang ironic lang?"tanong ko.

"Got your point, Spiraea,"pag-agree sa akin ni Jas.

"Ang totoo niyan,asawa ko ang totoong may-ari ng eskwelahan. Balak ko sana itong ipatigil na kaso nung nalaman ko na ipapapatay kayo ni Kirsten,naisip ko na itago kayo dito sa hindi niya iisiping nandito kayo. Naaalala niyo ba yung nagkabarilan sa Xiuhan dati?Sa tingin ko siya ang may pakana nun. Mabuti at nakaligtas kayo kaya nautusan ko pa ang anak ko na papuntahin kayo dito,"

Naalala ko yun. Nagtago kami sa secret base naming tropa sa likod ng school kaya hindi kami nadamay. Marami ang namatay nun at may casualties sa lahat ng section kaya hindi ko naisip na kami ang target noon.

"Mga iha,this school is your safe haven. No matter how fucked up this place can be,this is the only place i can assure your safety."

----

Kiras' Academy[UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon