Chapter 1

1K 25 3
                                    

NAPAHINTO si Gray nang marinig ang boses na nagsalita sa likuran.

Hindi niya alam kung bakit siya napahinto.

Boses lang naman yun diba?

"Xander we need to go back to your Mom now."

Lumingon siya.

Dahan dahan.

Ilang hakbang ang layo mula sa kinatatayuan, hawak kamay ang isang batang lalaki, she's standing there, waiting for the elevator to open.

Nakasuot lamang ito ng simpleng maong na jeans at white polo shirt at white rubber shoes.Nakalugay ang mahaba nitong buhok na umabot hanggang beywang nito.

If only she could just turn around so she could see her face.

Kaya nag antay rin siya na bumukas ang elevator. Gusto niyang makita ang mukha nito.

Nang bumukas ang elevator, lumabas ang ilang sakay non at pumasok ang dalawa sa loob.

Parang slow motion ang nangyari nang humarap ito.

Napatitig siya rito. Matagal.

Na hindi na niya namalayan na nagsara na ang elevator.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari.

Basta na lamang biglang lumakas ang pintig ng kaniyang puso.

Umiba pati ang kaniyang paghinga.

"Kuya Gray?"

"Kuya Gray!?"

Saka lamang siya natauhan.

Hindi niya man lang narinig ang paulit ulit na pagtawag sa kaniya ng pinsan.

"Kyden. Sorry."

"Okay lang kayo Kuya?"

"Yes. Yes, i'm okay." aniya.

"Ihahatid na kita sa airport Kuya."

Tumango siya.

Ngunit lumingon siyang muli sa saradong elevator bago sumunod sa pinsan palabas ng hotel.

Hindi parin mawala sa isipan ang babaeng biglang pumukaw sa kaniyang atensyon.

.

.

.

.


.


.

.


.


.


.



...



.


SHE DON'T CARE kung may makakilala man sa kaniya.

Gusto niyang maglasing.

Gusto niyang kalimutan ang lahat.

Kaya uminom siya. Walanh tigil.

Gusto niyang makalimot kahit ngayon lang.

Nagtungo siya sa dance floor. Sumunod siya sa bawat indak ng  music na pinapatugtog ng club dj.

Wala siyang pakialam sa mga nakapaligid sa kaniya. Kung sinuman ang hahawak sa kaniya. This night, gusto niyang maging wild and free.

To free herself from too much pain.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now