Chapter 4

449 21 3
                                    

YUMAKAP si Trisha sa kaibigan.

"Tawag ka agad pag andon ka na ha?" ani Toni.

"Oo. Tatawag ako agad."

Kumalas ito .

"Mamimiss kita Trish." anito.

"Asus, mamimiss ka diyan. Di ka nga makaalis sa tabi ni Alex eh."

Natawa siya ng hampasin siya nito.

"Basta ingat ka don." anito.

Tumango siya.

Pumasok na siya sa immigration at muling kumaway rito.

Few days ago, inimbita siya ng ninang niya para magbakasyon sa lugar nito.

Hindi naman siya tumanggi dahil kailangan rin niya ng bakasyon.

Nagpaalam rin siya sa radio station na pinagtatrabahuan.

One month.

Sapat na seguro yun para makamove on siya.

Hindi na siya umiiyak.

Pero andon parin ang sakit.

.

.

.

.

Nang nasa loob na siya ng eroplano, naririnig niyang panay hagikhik ng katabi niyang babae habang nanonood ng video sa phone nito.

"Ang pogi niya talaga. Haist." anitong kilig na kilig.

"Si Gray na naman yang pinapanood mo." anang katabi nito.

"Diba ang guapo niya? Ganda pa ng boses. Ang sarap sarap niya panoorin."

Napailing si Trisha.

Nakita na niya ang video ng Gray na tinutukoy ng mga ito.

She is a lesbian just like Alex and Sky.

Magaling nga itong kumanta but she really don't get it bakit ang daming babaeng kinikilig rito.

Hindi na lamang niya binigyan ng pansin ang katabing walang tigil sa kilig nito sa panonood.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

SINGAPORE CHANGI AIRPORT

Manghang mangha si Trisha sa ganda nang airport ng Singapore. This is her first time sa bansang ito, at airport palang super world class na sa ganda. Ano pa kaya kung nalibot na niya ang buong Singapore.

Ngayon palang , excited na siya.

Kaya nang palabas na siya sa arrival area, nagtatalon na siya sa tuwa nang agad masilayan ang babaeng kumakaway sa kaniya.

"Ninang Irene!"

"Trish!"

Tuwang tuwa silang nagyakapan saka nagmano rito si Trisha.

"God you're so pretty Trish. I can't believe dalagang dalaga na ang inaanak ko."

Natawa siya.

"Nang, i'm 26 na po ako. I'm turning 27 in two months." aniya.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon