Chapter 9

390 18 1
                                    

"TRISH, you're glowing anak."

Muntik na masamid sa kinakain ang dalaga.

"Po?" bulalas niya.

Ngumiti naman ang katabing si Gray.

Nasa loob sila ng restaurant habang kumakain ng dinner.

"You look different than  yesterday. Diba hon?"

"Yes." sang ayon ng asawa nito.

"Hindi naman po Nang. Baka pagod ako kahapon." sagot niya.

"Buti at nakapagpahinga ka kanina."anang ginang.

"Tulog siya maghapon." sabad ni Gray."Napagod yata."

Kinurot niya ito sa tagiliran.

Tumawa lang ito. Mabuti at hindi ganun kalakas.

"Bukas, pasyal tayo sa Sentosa."

Tumango siya.

Inirapan niya si Gray na di mawala wala ang mga ngiti.

Pagkatapos nila kumain, nagyaya na umuwi ang Ninang niya.

"Tita, ipapasyal ko muna si Trish. Magta taxi nalang kami pauwi."

Nagulat siya sa sinabi ni Gray.

"Sure ka? Trish okay lang sayo?"

Well, wala naman segurong masama.

"Okay lang po Nang. Mapagkatiwalaan naman po yata si Gray."

Alam niyang hindi niya ito mapagkatiwalaan.

Titig palang nito, para na siyang hinuhubaran.

"Gray, you need to take care of Trish. And behave." anang ama nito.

"Yes Dad." sagot ni Gray na sinamahan pa ng kindat.

Napailing na lamang ang ama.

Sanay na marahil sa kapilyuhan ng anak.

Nag kiss goodnight ang dalaga sa mag- asawa bago sila nito iniwan.

"Shall we?" tanong ni Gray nang maiwan na silang dalawa.

Tumango ang dalaga.

Naglakad lakad sila sa labas ng restaurant which is dagat na ang makikita.

"That's Marina Bay Sands." turo ni Gray sa tatlong magkatabing building na may Skypark sa itaas.

"The famous Marina Bay Sands." anang dalaga.

"Yan naman ang Merlion."

"Ang lion na bumubuga ng tubig."

Naglakad lakad sila.

"So matagal na kayo magkakilala ni Sky?" tanong niya rito.

"Yes. At si Nikki, matagal mo nang kakilala?"

"Hindi ganun katagal. Ilang buwan palang. Nakilala ko siya nong sila pa ni Alex."

Naupo sila sa isang bench kaharap ng dagat na papalibutan ng mga naglalakihang mga building.

"And Nikki and your bestfriend, i admire them both. Magkaibigan sila kahit na ex ni Alex si Nikki."

"Ako rin. Hindi naman kasi talaga inlove sina Alex at Nikki sa isa't isa. Pareho silang may mahal na iba. "

"How about you Trish? Nasasaktan ka parin?"

Hindi agad sumagot ang dalaga.

Pinakiramdaman niya ang sarili.

Mahigit isang linggo na ang nakalipas.

"May pain parin." sagot niya. "Kasi ako yung niloko eh. But i think, kaya kong mag move on."

"Would you like me to help you with that?"

Napatingin rito ang dalaga.

"Hmmm?"

"Moving on. Can i help you?"

"You mean gagamitin kita para makamove on ako?"

"If you want."

Umiling ang dalaga.

"I don't need to use anyone para lang makamove on. I want to do it myself."

Ngumiti si Gray.

"Nag offer lang ako, baka sakaling bigyan mo ako ng chance para mapalapit sayo." seryoso niyang saad.

"Pinakain ka na nga, ayaw mo non?"

Ang lakas ng tawa ni Gray.

Napalingon pa sa kanila ang mga dumaan.

"Oo nga pala. Gusto ko ngang kumain uli, baka puede?"

Si Trish naman ang natawa.

"Katatapos mo lang mag dinner ah." aniya.

"Dessert puede?"

Napapailing siya rito lalo na sa puppy eyes na pinakita nito.

"Hindi ka rin mahilig noh?" tanong niya rito.

"Masarap ka kasi. Hinahanap hanap ko na lagi."

"Ganyan ka ba sa mga babae mo?"

"Mga babae? Ikaw lang babae ko ngayon. Can you be my girl?"

"Nope."

Hindi naman affected si Gray sa sagot niya.

"Okay lang, basta ako lang magpapaungol sayo araw araw."

Napakagat labi si Trisha.

Na sinundan naman ni Gray ng tingin.

"I'm attracted to you Trish, i won't deny that. Do you feel the same?"

Hindi siya sumagot.

But she felt the same.

Hindi lang siya handa na tanggapin sa sarili na attracted siya sa kagaya nito.

Tumayo si Gray at ini offer sa kaniya ang kamay.

Napatingin rito ang dalaga.

"You don't need to answer that. Just hold my hand."

Matagal na sandali siyang nakatitig sa palad nito.

"Holding my hand won't change anything Trish. I just want to let you know i'm willing to wait until you are ready."

Ngumiti ang dalaga.

Hindi lang ito pilyo.

Romantiko din pala ito.

Mayamaya, ipinatong niya ang kamay sa naghihintay nitong palad.

Tumayo siya at magkahawak kamay silang ipinagpatuloy ang paglakad lakad.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon