Chapter 6

420 18 1
                                    

KUNG puede lang maglaho , ginawa na agad ni Trisha nang paglabas niya ng kwarto, mukha agad ni Gray ang nasilayan niya.

Umiwas siya ng tingin.

"Good morning." bati niya na hindi makatingin rito.

"Good morning. Ang ganda ng gising ko. How about you?"

"Fine." matipid niyang sagot at agad umiwas rito.

Hinarang siya nito.

"I remember you from somewhere."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito ngunit agad rin niyang kinontrol ang sarili.

Nagtaas siya ng kilay.

"Last night was the first time we met." sagot niya ngunit hindi makatingin ng diretso rito.

"Really? Hmmm. Baka nga."

Nakahinga siya ng maluwang nang padaanin na siya nito.

Hindi niya nakita ang pilyong ngiti nang nakasunod sa kaniya.

Pag lingon niya, huling huli niya itong nakatingin sa kanyang balakang.

Napahinto siya at muntik na ito bumangga sa kaniya.

"What are you doing?" taas kilay niyang tanong rito.

"I love how you sway your butts." anito sabay kindat.

"What?! Pervert!"

Tinalikuran niya agad ito.

Narinig niya ang tawa nito paglabas niya sa pintuan palabas ng swimming pool.

Napansin agad ng ninang niya ang mukha niyang inis na inis.

Nakaupo ito sa dining table sa tabi ng pool.

"Morning anak. Hindi good ang gising mo? Bakit nakasimangot ka."

Humalik siya sa pisngi nito.

"Morning too Nang. "

Naupo siya sa tabi nito.

"Hindi mo ba nagustuhan ang kwarto mo?"

"No Ninang, nagustuhan ko po ang room. " sagot niya.

Ipinagtimpla siya nito ng kape.

"Thank you Nang." aniya nang tanggapin ang tasa ng kape.

"Nang, naglalakad bang tulog si Gray?" tanong niya rito.

Napatingin ito sa kaniya.

"Naglalakad ng tulog? I don't know anak. But i think no. Mag four years na kami ni Richard na nagsasama at malapit sa akin ang mga anak niya. At never ko pa narinig na nag sleep walk si Gray or nakita man lang. Why? Bakit mo naitanong?"

Hindi siya nakasagot nang biglang naupo sa harap nila si Gray.

"Gray, do you sleepwalk?" tanong agad nang ninang niya rito.

Too late para pigilan pa niya ito.

"Me? I don't know. Why? Did i kissed someone last night?"

Muntik na niya maibuhos ang laman ng hawak na tasa.

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya rito.

Kumindat pa ito saka sumubo ng stawberry saka dinilaan ang lower lips nito.

Oh God, buti nalang hindi napansin ng ninang niya.

Sinubukan niyang i-ignore ito.

Nagsisimula nang kumulo ang dugo niya rito.

"Trish was asking kasi." sagot ng ninang niya rito.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon