Chapter 11

393 15 0
                                    

THEY SPENT THE ENTIRE DAY EXPLORING UNIVERSAL STUDIO SINGAPORE.

Pagod na pagod si Trish kaya after dinner, bagsak agad siya sa higaan.

Nagulat na lamang siya pagkagising kinaumagahan, ginising siya ni Gray.

"Wake up love. It's nine in the morning na."

"Are we going somewhere today?" tanong niya nang bumaba ng kama.

"Yes. I miss eating jollibee."

"May jollibee dito?"

Papunta na siya sa banyo.

"Meron. And there's a lot of our kababayan rin na mga OFW."

"Okay. Give me thirty minutes."

Thirty minutes later nga, nasa loob na sila ng taxi.

"Good morning.Lucky plaza?" tanong ng driver.

"Yes please." sagot ni Gray.

"Okay. Are you guys Singaporean?" tanong uli ng driver.

"No uncle." sagot rin ni Gray.

"Your friend so pretty lah. Are you married?"

Nasamid tuloy bigla si Trish kahit wala namang iniinom.

"No uncle but maybe one day." ngiti naman ni Gray.

Pinandilatan ito ni Trisha ng mga mata.

"Ayoohh,make it fast lah. Later someone will take her away from you, then how?"

Nagulat si Trish nang hawakan ng katabi ang kamay niya.

"Don't worry uncle, i won't let her go." anito sa seryosong tono.

Napatingin sa mukha nito ang dalaga.

Ngumiti ito sa kaniya.

Hindi pilyong ngiti.

Her eyes, they are full of sincerity.

Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba.

Takot?

It seems so.

Ngunit hindi niya alam kung saan siya natatakot at kung bakit.

Hindi nito binitawan ang kamay niya hanggang makarating sila sa sinasabi nitong Lucky Plaza.

Tulad nga ng sabi nito, ang dami ngang mga kababayan nila ang naroroon.

"Ang daming tao." aniya kay Gray nang paakyat na sila sa ikaanim na palapag ng gusali.

"Yes, lalo na ngayon dahil Sunday. Off day nila."

Pumila sila sa jollibee.

"Ui, ang pogi." narinig nilang sabi ng nasa katabi nila sa pila.

Napangiti si Trish.

"Parang may kamukha siya. " sagot ng isa.

"Oo nga. Si Gray?!"

Patay malisya naman si Gray.

May isang naglakas loob magtanong.

"Hi, ikaw ba si Gray? Kamukhang kamukha mo kasi yung les na nagviral online."

Ngumiti si Gray rito.

"Yes po, ako po yun." sagot nito.

Nagtilian na ang mga ito.

"Puede mag papicture? Ang pogi mo sa personal."

"Sige po ba. Pero mamaya na po sa loob, nasa pila pa po tayo eh." magalang na saad ni Gray.

Napatingin ang mga ito sa kaniya.

Ngumiti rin siya at nagwave sa mga ito.

"Girlfriend mo Gray?" tanong ng isa.

"Hindi po. Manager po niya ako." sagot agad ng dalaga.

"Iba naman yung nasa instagram ni Gray. Mas maganda yun."

Ouch!

Sakit naman non.

Inakbayan siya ni Gray nang makita ang reaksyon niya.

"Ex ko na po yung nasa instagram ko. Ito na po yung babaeng mamahalin ko."

Hindi na siya umalma pa.

"Ayyyy, kakilig naman." halos chorus ng mga ito.

Bumulong sa kaniya si Gray.

"Ikaw pinakamaganda at pinakamasarap. Tandaan mo yan love."

Napailing na lamang siya sa sinabi nito.

But deep inside, napasaya siya sa sinabi nito.

Isang beses palang siya naikumpara sa ex nito, bakit masakit na?

.

.

.

.

.

TUWANG tuwa si Trisha sa tuwing may lumalapit sa mesa nila para magpapicture kay Gray.

Hindi tuloy nito matapos tapos ang kinakain.

"Nagyaya ka pa dito ha." aniya nang makaalis ang huling pinay na nagpapicture dito.

"You should rescue me."

Tumawa siya.

"Hindi ko alam na famous ka masyado. Mamaya ,magpapa autograph ako sayo."

"Gusto ko yan basta nakahubad tayong dalawa."

Namula ang dalaga nang samahan pa nito nang haplos sa balikat niya ang sinabi nito.

"Ngayon lang kita nakitang nagblush." puna nito.

"Hindi ako nagbablush Gray." tanggi niya.

"Gusto ko araw araw ka magba blush dahil sa akin."

Hindi niya ito pinansin.

"Kailangan ko palang bumalik ng Pinas next week."

Bigla siyang napatingin rito.

"Really? Why?"

"Aha,gusto ko yang reaksyon na yan. Ibig sabihin ,mamimiss mo ako."

Inirapan niya ito saka itinuon ang pansin sa chicken wings niya.

"We need to plan para sa ipapatayong club. May mga dapat pirmahan, asikasuhin. "

"May pangalan na ang club niyo?"

"May nag suggest, L WORLD CLUB. What do you think?"

"Hmmm,sounds nice."

"Mamemeet ko na sila Alex at Toni. And i want you to be there with me."

Napatingin siya rito.

"Me?"

"Yes. You. Please come with me?"

Napaisip ang dalaga.

"We will come back here after three days. Gusto ko lang na kasama kita."

Wala naman segurong masama.

Magugulat lang si Toni pati si Alex pag umuwi siya.

"Okay. But i want to surprise them."

Ngumiti si Gray.

"Thanks love."

Nagulat si Trisha nang halikan siya nito sa labi.

Oily pa yata lips niya, pero masaya nang ipinagpatuloy ni Gray ang kinakain nito.

Not until may isa na namang kababayan na lumapit para magpapicture rito.

Natawa lang siya sa mukha nitong humihingi ng saklolo.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now