Chapter 13

359 18 1
                                    

"SO, kumusta kayo ni Trish?" tanong ni Sky nang maiwan sila sa living room.

"I'm trying my best to win her heart." sagot niya.

"Tol Gray, alam mo naman seguro na broken hearted si Trish nang makilala mo siya diba?" ani Alex.

"Alam ko yan tol. At ginagawa ko ang lahat para makalimot siya.
I wanted her to be happy again." aniya.

"Nakikita ko naman na masaya siya tol. And thank you for that. Nakatulong ang pagdating mo sa buhay niya. She is my friend, and i want her to be happy."

"Pangako tol, hindi man agad agad, pero maghihintay ako kay Trish hanggang sa maging ready na siya. At hindi ko siya paiiyakin."

Tumango si Alex.

"Ang seryoso niyo." sabad ni Kyden. "Mas pinoproblema ko ngayon yung pagiging pogi ko pero walang jowa."

Tinapik ito ni Gray sa likod.

"Hahanap tayo mamaya." aniya rito.

"Huwag na, maghihiwalay rin naman." sagot rin agad nito.

"Kita mo to, wala talaga sa ayos kausap." ani Sky.

"So ano nang final name ng club?" tanong niya para mafocus sa project ang usapan.

"L WORLD CLUB." sagot ni Sky.

"Okay. Final na yan?"

Tumango ng sabay sina Alex at Sky.

.

.

.

.

.

.

KINAGABIHAN sabay silang lahat nagdinner sa labas.

"Masyado na kayong abuso." reklamo ni Kyden nang palabas na sila ng restaurant.

"Bakit na naman?" tanong ni Gray rito.

"Ginawa niyo lang akong chaperon, taga kuha ng pictures."

Natawa na naman silang lahat.

"Kai, kelan ka ba kasi magkakaroon ng gf?" tanong ni Trish rito.

"Kapag wala nang manloloko. Kelan ba ako makakita ng katulad niyo?"

Napailing na lamang si Gray sa kakulitan ng pinsan.

Sa likod ng bawat banat nito, bawat biro, bawat ngiti, alam niya kung ano talaga ang itinatago nito deep inside.

"So mauuna na kami?" tanong ni Alex nang nasa parking lot na sila.

"Kami rin." sagot ni Sky.

"Sige mga tol. Maglakad lakad muna kami ni Trish. Papauwiin ko narin si Kyden." aniya.

"Ano sasakyan niyo pauwi?" tanong ni Kyden.

"Magtataxi na. Para tulog ka na pagkauwi namin." sagot niya.

"Sus, akala mo naman iisturbuhin ko kayo. Magsusuot ako ng headphone mamaya."

Tawanan uli sila.

"Ingat guys. Trish, see you tomorrow. Dadalhin ko si Xander." ani Toni sa kaibigan.

"See you Ton."

"Good night guys." ani Nicole.

Nagpaalam na silang lahat sa isa"t isa.

Naiwan na naman silang dalawa.

Hinawakan agad ni Gray ang kamay ng dalaga.

Nagpapasalamat siya dahil hindi na ito tumatanggi.

"So,saan na naman tayo?" tanong nito.

"Wala lang, maglalakad lakad lang. I like it when i'm walking beside you while holding your hands."

Ngumiti ito.

Nadaanan nila ang mga restaurant sa kalyeng yun at nasa pang apat na restaurant na sila nang biglang may tumawag sa pangalan ng dalaga.

"Trish?"

Biglang natigilan si Trisha, kasabay ng biglang pagbitaw nito sa kamay niya.

Siya ang lumingon.

Isang lalaki ang nakatayo habang hinihintay na humarap si Trisha.

Matangkad at guapo ang lalaki. Mapagkakamalan pa itong artista dahil sa porma nito at sa kapogihan nito.

Bigla siyang nakaramdam ng pagseselos.

Lalo nang parang tinuklaw ng ahas si Trisha na hindi makagalaw.

Lumapit sa kanila ang lalaki, no, lumapit kay Trisha.

"Trish?" ulit nito.

Ngayon, dahan dahang humarap rito ang dalaga.

"Aaron." anito.

Biglang siyang nakaramdam ng sakit sa dibdib.

Bahagya siyang umatras habang nakatingin sa mga ito.

"I've been calling you pero hindi kita makontak. I tried to ask your kuya but he won't tell me kung nasaan ka. So i ask your cousin Ian, he don't know either kung saan ka nagtatago." mahabang saad ng lalaki.

"Bakit mo naman ako hahanapin. Wala na tayong dapat pag usapan pa." malamig na sagot ni Trisha.

"Hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag. It was just a mistake Trish. Natukso lang ako."

"Tukso? With your so called friend? Natukso ka lang? Huwag mo nga ako ginagawang tanga Aaron."

"I'm sorry Trish. Please pag usapan natin 'to."

Parang si Gray ang nasasaktan sa nakikita.

"Tapos na tayo Aaron. Wala na tayong dapat pag usapan pa. Kaya huwag mo na akong hanapin pa, or guluhin pa."

Napatingin sa kaniya ang lalaki.

"Dahil sa kaniya?" galit na tanong nito. "Kilala kita Trish, hindi ka katulad ng kaibigan mong si Toni. Hindi ka pumapatol sa tomboy."

Gusto nang umalis ni Gray. Baka hindi niya matatanggap ang isasagot ni Trisha rito.

"What if sasabihin ko sayong nagbago na ang type ko ngayon?" hamon ng dalaga rito.

"You are better than that Trish. I know that. Nasaktan kita i know that. Mali ko, but i know you. Hindi mo ako ipagpapalit sa isang tomboy lang."

Nagmartsa palapit sa kaniya si Trisha. Eyes looking at her with full determination and courage.

Nang nasa harap na niya ito, habang nakatingin siya sa mga mata nito, hinawakan siya nito sa batok and pull her for a kiss.

Nagulat si Gray.

Halo halong emosyon ang nararamdaman.

Is Trisha using her to get back at her ex?

Nang humiwalay sa kaniya ang dalaga, nasagot ang tanong niya nang tumitig siya sa mga mata nito.

Mga matang walang bahid ng pagkukunwari.

Kaya siya na ang humalik uli rito. Inangkin ang mga labi nito at ipinaramdam rito kung gaano ito kahalaga sa kaniya.

Kung gaano kalalim ang nararamdaman niya para rito.

Wala na silang pakialam sa mga nakatingin sa kanila.

Hindi na rin nila napansin ang pag alis ng ex boyfriend nitong galit na galit.

It was just the two of them, kissing on the  sidewalk.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Where stories live. Discover now