Chapter 22

352 17 4
                                    

UMAGA palang, nag check in na sa hotel si Trisha kasabay sina Toni,Nicole, Patricia at Eliza.

Dahil wala siyang partner, mag isa siya sa kwarto. Akala niya sasamahan siya ni Toni pero kay Nikki ito sumama.

Wala namang problema sa kaniya dahil gusto niya ring mapag isa.

Magkasabay silang lima nagpa whole body massage.

Natutuwa siya kay Eliza dahil sa sobrang daldal nito.

"Trish, why are you still single?" tanong nito bigla nang nakaupo sila sa pool side ng hotel.

"Kakabreak lang namin ng ex boyfriend ko." sagot niya. "Eh ikaw?"

"Ilang taon narin akong single." sagot nito.

"You're into girls?" tanong niya rito.

"Nope. Never."

Natawa siya.

Tumabi rito si Patricia.

"I'm the love of her life." biro nito kay Eliza.

"Patricia!"

Natawa si Trish.

"Ikaw Pat, single ka rin?" tanong niya rito.

"Yes. But there is someone i really wanted to be mine." sagot nito sabay akbay kay Eliza.

"At ayaw niya sabihin sa amin kung sino." tampo ni Eliza.

Napangiti si Trish.

Hindi niya alam kung bakit gets niya kung sino ang tinutukoy ni Patricia.

Sa titig palang nito sa katabi, alam na niya.

Matulad rin kaya si Eliza sa kaniya?

Straight din siya bago niya nakilala si Gray.

"Girls dito na tayo kumain. Nag order na ako ng lunch natin." ani Nicole nang maupo sa tabi niya.

"Oh I'm hungry." sagot ni Toni.

Mayamaya lang dumating na ang order nila.

Masaya silang nagkukwentuhan at panandaliang nakalimutan ni Trish ang tungkol kay Gray.

"Kumusta naman ang project niyo?" tanong ni Trish kay Nicole.

"We're getting there. Nakaset narin ang lahat. " sagot nito.

"Nakakatuwa Trish kasi may coffee shop akong ipapatayo kaharap ng night club nila ." ani Patricia.

"Talaga? Sarili mong shop?" tanong niya.

"Partner kami ni Eliza."

"We are very close. Kasi katabi ng club is yung resto ko." si Toni.

"Wow. Wala nang hiwalayan." natatawa niyang saad.

"And i love it." ani Eliza.

"So titigil na kayo sa mga work niyo?" tanong ni Nikki sa dalawa.

"Magkasama kami sa work." sagot ni Eliza sa nagtataka niyang reaksyon.

Napatango tango siya.

"Syempre hindi." sagot ni Patricia."Magha hire lang kami nang puedeng mag manage."

.

.

.

.

.

.

Pagkatapos nila mag swimming sa pool, kaniya kaniya na silang akyat sa kanilang mga hotel suites.

Pagkatapos magshower ,lumabas ng banyo si Trish.

Nakatuwalya pa siya nang tumunog ang doorbell ng kwarto.

Nagtatakang lumapit at binuksan ang pinto.

"Yes?"

Nagulat siya nang biglang pumasok si Gray.

"Gray?"

Ito na mismo ang nagsara ng pinto at siniil agad siya ng halik sa mga labi.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon