Chapter 12

374 17 1
                                    

ABOT TENGA AGAD ANG ngiti ni Gray pagkakita kay Kyden sa parking lot.

Ngunit ang mga mata nito ay nasa kahawak kamay niya.

"Beware, matinik sa chix ang pinsan ko." bulong niya kay Trisha.

Ngumiti lang ang dalaga.

"Kuya Gray." anito nang sa wakas ay sa kaniya na tumingin.

"Kai, this is Trisha. Love, meet my cousin, Kyden."

"Love? Kelan ka pa nagka jowa?"

Natawa si Trisha.

"Hi Kyden. Hindi kami mag jowa. We are friends ni Gray."

Ngumiti agad si Kyden at nag abot ng palad.

"Nice to meet you rin po. Igagalang ko na po kayo since love ang tawag sa inyo ng pinsan ko. Mahirap na."

"Nice to meet you too Kyden." anang dalaga nang tanggapin ang palad nito.

"Kai for short po."

Tumango siya.

"Lets go." ani Gray nang maipasok sa likod ng sasakyan ang maleta.
.

.

.

.

Nakaupo siya sa front seat at sa likod si Trish habang si Kyden ang nagmamaneho.

"Ihahatid pa ba natin si Trish sa kanila kuya?" tanong ni Kyden nang makaalis na sila ng airport.

"No. She will be staying with us while we are here. After three days,babalik rin kami ng Singapore." sagot ni Gray.

"Wow. So girlfriend mo nga siya kuya?"

Lumingon si Gray kay Trish.

"Soon." sagot niya na kay Trisha nakatingin ngunit irap lang isinagot ng dalaga.

Ngunit ngumiti parin siya.

"Nasa condo na naghihintay ang lahat." ani Kyden.

"You meet Alex and Toni?"

"Oo. Ang ganda ni Toni, kala ko nga American eh. Bakit kaya napapalibutan ako ng mga chix ngayon tapos ako yung single."

Natawa si Gray.

"Eh kumusta naman ang ka penpal mo. Sabi ni Sky, mukhang nahuhulog na raw loob mo." tanong niya rito.

"Hindi naman. Ilang buwan palang simula nong unang sulat niya."

"Uso pa ang penpal ngayon?" tanong ni Trish.

"Unexpected lang yun. Out of nowhere may natanggap nalang ako na sulat from someone na hindi naman nagpakilala. Parang gusto niya lang may mapagsabihan ng mga problema niya. Wala naman akong girlfriend, kaya sinasagot ko na mga sulat niya." mahabang paliwanag ni Kyden.

"Pero may pangalan?" tanong ni Trish.

"Lynn. That's all. May return address naman, pero nakiusap siya na huwag ko na alamin kung saan yun. Nirerespeto ko naman ang gusto niya."

"Thats interesting." saad ng dalaga.
.

.

.

.

.

.

.

.

PAGBUKAS ng pinto, gulat na gulat ang lahat nang makita si Trisha.

"Trish?!" gulat na sigaw ng kaibigang si Toni.

Ngumiti siya.

Lumapit agad sa kaniya ang kaibigan at nagyakapan sila.

"Why are you here?" tanong nito.

Nilingon niya si Gray at agad itong lumapit.

"I asked her to come with me. I'm Gray by the way."

Nag shake hands ang dalawa.

"Antoinette, Toni for short. Nice to finally meet you in person Gray."

"My pleasure is mine Ton."

Lumapit sa kanila si Alex.

Niyakap rin siya nito at nagpakilala kay Gray.

Kasunod na lumapit sa kanila sina Sky at Nikki.

Yumakap rin sa kaniya ang huli.

"I'm glad you found each other."

Napakunot noo siya sa sinabi nito.

"We are friends." sagot niya.

Ngunit ngumiti lang ito.

"Ang sakit niyo sa mata." biglang sabi ni Kyden na nakatingin sa kanila.

Nagtawanan silang lahat.

"Taga sana all lang ako nito?" patuloy nito. "Ako nalang walang jowa."

"Huwag ka muna mag jowa Kai. May project pa tayong dapat tapusin." biro ni Gray rito.

"Oo na. Huwag lang kayo maglambingan sa harap ko, papaalisin ko kayong lahat."

Tawanan uli silang lahat.

.

.

.

.

.

.

.

"So, kayo na ba ni Gray?" tanong agad ni Nikki kay Trish nang maiwan silang tatlo sa kitchen.

"Nope." sagot agad niya.

"Then bakit ka sumama sa kaniya pauwi?" tanong rin ni Toni.

"Gusto ko kayong makita, ano ba? Walang kami period."

"Then why are you looking at each other like you are already in love?"

Pinandilatan niya si Toni.

"Tama ka Ton. Halata masyado mga tinginan nila. Did you guys slept together?"

Namumulang umiwas ng tingin si Trisha.

"Yes they did." si Toni ang sumagot.

Nagtatalon sa tuwa si Nikki.

"Is it masarap?"

Natawa sabay ang dalawa at naghigh five pa.

Naiiling na umiwas si Trisha.

"You two are being mean." aniya.

"Mean? Saan banda? Nik, do you think we should ask Gray instead? Tatanungin natin kung nakailang palabas si Trish."

"Toni? Kelan ka pa natutong magsalita ng ganyan?" gulat niyang tanong rito.

"Ahhh, recently?" sagot nito sabay tawa.

"Seryosong tanong Trish." ani Nicole. "Masarap ba ang lesbian?"

Tiningnan niya ang dalawa.

Hinihintay ang sagot niya.

Akala mo nasa hot seat siya.

"Hay naku. Ang kukulit niyong dalawa." aniya.

"Sagutin mo kasi." giit ni Nicole.

Tumango siya.

"Yes. Masarap pala."

At sabay na silang tatlong nagtilian sa kusina.

𝐋𝐄𝐓 𝐌𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔-🏳️‍🌈 𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon