CHAPTER 2

4.4K 238 41
                                    

Sobrang nahirapan ako dugtungan so sana magustuhan nyo.

Comments will make me inspired to write more.

Abangan nyo yung new story ko. I guess this is my longest story kasi bet na bet ko talaga to kaya mapapatagal.

Enjoy!

Caramel

Agad akong pumasok sa pinakamalapit na cubicle. Leche ano ba naman tong nangyayari?

Akala ko tumigil na sya?

Yes. Mababaw na dahilan ang pagpasok nya sa kuwarto ko. Pero para sakin napakabigat non. Dahil bawat tao ay may privacy. Lahat ng tao may sikreto.

Napaupo nalang ako sa sahig ng banyo. Bakit ba kasi mahal na mahal kita at hindi kita kayang hindi sundin.

Lalabas na sana ako ng marinig ang boses ni Alvin na ikinalaki ng mata ko.

"Alam mo Caramel. Hindi ako aalis dito hanggat hindi tayo nagkakabalikan." pinilit kong hindi magsalita. Break na nga kami ano bang mahirap intindihin don?!

"Caramel alam kong nandyan ka. Please gagawin ko ang lahat makipagbalikan kalang sakin" nakikiusap na sabi nito. Pero ayoko na. Mas masasaktan ka kapag nagtagal pa tayo.

"Caramel handa akong ipakilala ka sa parents ko. Hinding hindi kita ikakahiya. Ipagmamalaki kong ikaw ang boyfriend ko. Kahit talikuran ako ng lahat ayos lang. J-just come back to me..." narinig ko ang pag iyak nito na nagpakaba sakin. Please... walang iiyak.

Ayoko syang maalala sa ngayon.

Agad kong binuksan ang cubicle at niyakap sya ng sobrang higpit.

"Im sorry Alvin but hindi na ako makikipagbalikan..." sabi ko dito kaya agad itong kumalas sa pagkakayakap ko at humarap sakin.

"Bakit Caramel? May mali ba sak-"

"NO! I-i mean walang mali sayo. Kaso mas masasaktan ka kung magtatagal pa to kasi....may mahal na akong iba"

****

Nang tingnan ko ang oras ay halos manlumo ako. Tapos na ang klase. Tangina naman!

Naiinis ako na hindi ako tumanggi kanina. Dahil kung hindi ako pumayag hindi naman ako titigilan ni Alvin.

Sinamahan ko lang naman sya maupo sa bench. Ilang oras din kami nag usap tungkol sa mga bagay bagay at naintindihan nya naman.

Nagrequest pa ang loko ng goodbye kiss. Pinakyu ko nga. Gago ba sya?

Hanggat maaari hindi ko dapat ilapit ang sarili ko sa mga nakakasama ko. Dahil masasaktan ko lang sila.

Kung di lang kita mahal hinding hindi ko gagawin to.

Nang makarating sa dorm ay laking pagtataka ko nang makitang nakapatay ang ilaw. Ano nanamang pakulo to ni Dex.

Pagkapasok ko ay biglang bumukas ang ilaw. Bumungad sakin ang lahat ng paborito kong pagkain na nakahain sa lamesa.

"WOW DEX! Anong okasyon?" tanong ko dito. Agad kong hinubad ang suot kong salamin at inilapit ang mukha sa masasarap na putaheng nakahain sa lamesa. Halatang bagong luto lang ito dahil umuusok usok pa.

"Maupo ka Caramel" sabi nito at pinaupo ako kaharap ng upuan nya. Nagtataka man pero may ideya na ako kung saan pupunta to.

"Tell me para san tong dinner natin?" seryoso kong tanong dito. Seryoso din itong tumingin sakin.

"Will you be my boyfriend?" tanong nito sakin na hindi ko na kinagulat. Sa totoo lang hindi ito ang unang beses na nangyari ito.

'Im hoping na wala kang sasaktang lalaki. Kung dadating man ang araw na pansamantala akong mawawala, ok lang sakin kahit hindi mo na ako hintayin'

Nang maalala ang mga salitang yon ay agad tumulo ang luha ko.

"Y-yes Dex." nasabi ko nalang. Nagulat ako nang bigla ako nitong buhatin at magsisigaw.

"YES! FUCK IM SO HAPPY CARAMEL" binaba ako nito at walang pasabi akong hinalikan. Habang ako ay nababahala na masasaktan ko si Dex.

'Ill wait for you. I love you....Matt'

****

Matapos namin kumain ay agad kong kinausap ng seryoso si Dex.

"Kahit magboyfriend na tayo sana wag mong kalimutan ang mga rules dito sa dorm natin..." kasalukuyan nyang inililigpit ang mga ginamit naming pinggan at kubyertos. Pati na ang mga tirang pagkain.

Nagtataka namang napatingin sakin si Dex.

"What do you mean?" tanong nito na ikinahinga ko ng malalim.

"Walang papasok sa kuwarto ng isat isa,walang makikialam ng gamit ng isat isa at lalong walang tanungan ng personal na bagay tungioo sa isat isa" sabi ko dito na ikinakunot ng noo nito.

"So walang magbabago? EDI SANA HINDI MO NALANG AKO SINAGOT!" Inis na sabi nito na ikinaikot ng mata ko.

'Kung hindi ko lang mahal si Matt wala akong papatulan ni isa sa inyo e!'

Mga salitang gusto kong sabihin pero ayokong magalit sakin si Matt. Mahal na mahal ko sya.

"Yun lang naman ang hinihingi ko Dex. Pasensya na pero ayoko panghimasukan ang buhay ko" sabi ko dito. Ang galit na mukha nito ay biglang naging malungkot.

"R-ramdam kong naaawa kalang sakin k-kaya mo ako sinagot. P-pero ano pang silbi non kung hindi kita makakatabi sa pagtulog ko? Ano pang silbi non kung hind-"

"T-teka Dex nagkakamali ka ng iniisip. Ayos lang yun lahat sakin. Kung gusto mo lahat mangyari yon ayos lang. Pwede mo akong makatabi PERO sa kuwarto mo. Lahat pwede basta hindi madadamay ang privacy ko" paliwanag ko dito. Lungkot at pagtataka ang mababasa sa gwapo nyang mukha.

"P-pero Caramel-"

"Halika na nga. Huwag kana madrama dyan." sabi ko dito at hihilahin sana ito papasok ng kuwarto nya. Pero agad itong nagpumiglas.

"Mauna kana Caramel. Ililigpit ko pa itong mga to" sabi nito. Napangiti naman ako dito at hinalikan ito sa labi.

"Tigilan mo ang pag iisip ng kung ano ano Dex. Hihintayin kita sa kuwarto mo ah" sabi ko dito. Napangiti naman ito at hinalikan din ako sa labi.

"I love you" sabi nito. Nginitian ko lang ito at pumasok na ng kuwarto nya.

Hindi ko alam ang isasagot ko e.

3rd Person

Samantalang si Dex naman ay nakangiti habang nagliligpit sa kusina.

"Kakaiba ka Caramel. Pero mahal kita" sabi nito at hinawakan ang labing hinalikan ni Caramel kanina lang. Nakaramdam sya ng kilig.

"I want to kiss you forever Caramel." sabi nito sa sarili at napangiti. Habang naghuhugas ng pinagkainan ay napatingin si Dex sa pinto ni Caramel.

Hindi pa nya ito napapasok kahit isang beses. Kaya curious din sya kung anong meron at bakit sukdulan ito kung protektahan ni Caramel.

Lalapit sana sya at bubuksan ang kuwarto ni Caramel pero agad bumalik sa isip nya ang mga salitang binitawan ni Caramel.

Bumalik nalang sa paghuhugas ng plato si Dex.

"Ano bang sikreto mo Caramel...."

_____*****_____

Clue para sa nalilitue.

MARTYR SI CARAMEEEEL HAHAHAHA

Para magkaroon kayo ng ideya diba?

Salamat sa pagbabasa.

PaoroX

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon