CHAPTER 30

2.2K 152 21
                                    

Ang sabi ko dec 13 ako maguud. Ewan ko kung bakit ako nandito HAHAHAAH!

Kapag may time maguud ako sa TCS. HEHE!

Nabanggit na dito kung ilang taon ang nakalipas. Sana di kayo malito hehe basahin nyo nalang

ENJOOOY!

Caramel

"Leche Jom wag mo ako guluhin ang daming costumer! Umalis alis ka nga dito! Sumbong kita kay boss wala kang ginagawa" pagbabanta kong sabi dito. Hinawakan pa nito ang kamay ko na agad ko namang tinanggal.

Naiinis itong tumingin sakin.

"Sige na kasi! Free ka naman sa Sunday diba?" Naiinip nitong tanong. Napaikot lang ang mga mata ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Limang taon. Limang taon na ang nakalipas simula nung mangyari iyon. Wala namang ibang nangyari sa buhay ko simula nang kunin ako ni sir Troy. Boss namin dito.

Troy is Luke's cousin. Well malaki ang pagpapasalamat ko at nang dahil sa kanya buhay ako ngayon. Sadly Luke died. Sobrang sikip ng dibdib ko that time lalo na't kita ko ang patagong pagiyak ni sir Troy.

Pero wala naman akong magagawa doon. Wala e. Mahina ako...

Wala na akong balita sa sa kanila bukod sa anak ko. Well kahit pa mamatay ako ay hindi ko kayang hindi makita ang anak ko kahit isang beses sa isang araw.

Sa ilang linggong nasa hospital ako sa kaisa isang litrato ng anak ko ako kumukuha ng lakas na lumaban. Kahit sukong suko na ako.

Malaki na si Scarl. Araw araw patago akong dadaan at magmamasid sa lugar nila. Napakalungkot dahil araw araw akong nangungulila sa kanya. Pero natatakot ako. Alam kong itataboy lang nila ako lalo na si Warren.

Ayokong umabot sa point na mismong si Scarl ay layuan ako. Hindi na ako kagaya ng dati. Nasunog ang mukha ko sa ginawang pagbuhos sakin ng asido.

Isa ako sa cook dito. Well hihi! Tikim tikim na din dahil isa sa mga sikat at popular na lutuin dito ay barbeque. Oh ano?

"Caramel.... Sige na kasi.." Di ko nalang ito pinansin at patuloy sa paghahanda ng orders.

"Please..." Malungkot ang mukha nito na nagpatigil sakin sa ginagawa.

"I told you already na wala akong time sa ganyan. At may anak na ako. At ito? Hindi ka manlang ba mandidiri sakin?" Sabi ko dito at pinakita ang mukha ko. Napatawa ito at seryosong tumingin sakin.

"Ganun ba kababa ang tingin mo sakin Caramel? Tingin mo ba magtitiis ako dito kung pwede naman akong nagtrabaho sa kumpanya ng daddy ko?" Seryoso nitong sabi na nagpakaba sakin.

Pero pinilit kong labanan ito at itinuon ang atensyon sa ginagawa.

He's one of our costumer noong isang taon. And that time then isa ako sa mga naging waiter since wala pa akong kaalaman sa pagluluto. Ewan laging ako ang pinapaserve nya that time. Tapos nung nagcook ako, nalaman ko nalang na nag apply sya dito bilang waiter.

"Hindi mo naiintindihan. Bata kapa Jom at isa pa hindi ako pwede sa ganyan." Sabi ko dito. Naiinis naman nitong hinila ako palapit sa kanya.

"Pero mahal kita!" Nanlaki ang mata ko nang bigla ako nitong halikan. Agad naman akong nagpumiglas pero malakas sya.

Ilang segundo ang lumipas nang kusa ako nitong binitiwan. Nagbabanta itong tumingin sakin.

"Kung bata ang tingin mo sakin. Babaguhin ko yun" gigil na sabi nito at lumabas na ng kusina. Napasandal nalang ako sa counter at pilit kinalimutan ang mga sinabi nito.

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon