CHAPTER 23

2.1K 157 36
                                    

Please try to take a look to my new story. Alam kong madami akong on going pero hinahanda ko lang yon para meron na agad akong sisimulan after ng The Children Secret.

I BITE HIS APPLE (BXB)

Same genre mga bading.

Pasensya na kung di ako drawer ok? Wag nyo laitin ung book cover hihi

Btw wag nyo kong padalhan ng death threats after this chapter. Kasalanan to ng module HAHAHAH!

ENJOY!

Caramel

Mula nang araw na nagtalik kaming dalawa ni Stone at ang pagpunta ni Scott sa bahay ay unti unti ko nang nararamdaman ang pagbabago.

Hindi ako natutuwa sa pagbabagong ito. Kahit ang anak ko ay namimiss na ang papa Stone nya.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Pero nararamdaman namin na unti unti nang lumalayo ang loob ni Stone samin.

Bihira na din itong ngumiti at kadalasan pilit pa. Ano bang nangyayare?

Ramdam ko ang paglungkot ng aura ng bahay. Kaya kakausapin ko sya ngayon.

Pagpasok ni Stone ay mahahalata mo na agad ang pagod. Nangayayat din ito dahil sa madalas nitong pagtanggi sa mga hinahanda kong pagkain.

Dire diretso lang ito. Bago pa ito makapasok ng silid ay agad na akong nagsalita.

"Anong nangyayari babe?" Ani ko dito habang hawak hawak ang balikat nito.

"Wala namang nangyayari." Seryosong sabi nito.

"Hindi ako naniniwala Stone. Sabihin mo sakin. Kasi...ang hirap. Hindi ko alam bigla bigla kang nagkaganyan. Stone...ayaw mo na ba sakin?" Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Unti unti rin umalog ang balikat nito. Yumakap ang katawan nito sakin habang rinig ko ang mahina nitong pag iyak.

"B-babe...a-ayokong mag alala k-ka sakin" mas lalo akong naiyak nang unti unti itong mapaupo. Literal na umaalos ang balikat nito. Mahinang pag iyak ngunit ramdam kong may dinadala sya.

"Hindi! Babe...pwede mong sabihin sakin ang lahat. Noon ako ang may kailangan ng tulong ngayon naman ikaw ang nangangailangan. Bakit hindi mo sabihin sakin? Mas mabigat yan kung itatago mo lang." Paliwanag ko dito. Tumingin ito sakin at kita ko ang namamagang mata nito.

"W-wala akong sasabihin sayo. Ayokong sabihin sayo...ayokong mag alala ka." Umiiyak na sabi nito na mas lalong nagpaiyak sakin.

"Bakit-"

"Para maging malinaw sayo...pinapakawalan na kita." Tuluyan nalang akong napatulala dito. Tila nawalan na ako ng pag asa nang marinig ang sinabi nito.

"Pinapalaya na kita Caramel. A-ayokong nagtitiis ka sakin-"

"HINDI STONE! Bakit ba ganyan ang iniisip mo?!" Naiinis na sabi ko. Malungkot lang ako nitong tiningnan.

"J-just forget about us. Alam ko namang kahit kailan hindi ako naging laman nyan." Mas lalo lang akong nakaramdam ng guilty sa mga sinabi ni Stone. Tumayo na ito at pumasok sa kuwarto.

Habang naiwan akong tulala.

****

Stone

Pagkapasok ko palang ay ilang ulit kong pinukpok ang ulo ko. Tangina bakit ngayon pa?!

Bakit ako pa?!

Kung kailan naman masaya na ako e. Kung kailan abot kamay ko na ang mahal ko. Bakit ngayon pa?!

Parusa ba ito dahil sa pag angkin ko sa kanya?

Nasasaktan ko siya pero para sa kanya yun. Para unti unti nya akong makalimutan.

Dahil hindi ko alam. Bukas o sa susunod mawala na sya sa isip ko.

Fuck this ill! Fuck this life!

Kailan ko lang nalaman ang tungkol sa sakit ko. Sa nagdaang araw halos lamunin ako ng takot na baka isang araw makalimutan ko kung gaano ko kamahal si Caramel.

Kaya kahit masakit sakin kailangan ko syang pakawalan.

Gusto ni mama na sabihin ko kay Caramel ang tungkol dito. Pero hindi nya ako naiintindihan! Hindi nila ako maiintindihan...

Gusto ko sumaya si Caramel. Ayokong masaktan ko sya dahil sa pagkawala ng ala ala ko. Deserve ni Caramel ang sumaya. Kaya bakit hindi ko ibigay sa kanya yun?

Mahal na mahal kita....Caramel

****

3rd Person

Ilan pang araw ang nagdaan na walang pansinan si Caramel at Stone. Gustuhin man ni Caramel magpaalam pero inuunahan sya ng hiya.

"A-ah Stone..gusto ko sanang magpaalam.." Ngayon sya naglakas loob na sabihin kay Stone. Naawa sya nang makita ang paglungkot ng mukha nito. Nahahalata na din ang pagpayat nito dahil sa bihira itong kumain kahit pa ang niluluto ni Caramel ay ang paborito nito.

"No" nanlaki ang mata ni Caramel nang tumanggi si Stone.

"P-pero bakit? Ayoko nang ipagsisikan pa ang sarili ko sa bahay na to. Kung ayaw mo na sakin wala naman akong magagawa don Ston-"

"Just stay here. Ako nalang ang aalis" tuluyan nang bumuhos ang luha sa mga mata ni Caramel.

"Pero bakit?! BAKIT BA STONE?! ANO BANG NANGYAYARI?! Bakit kaba ganyan?! Please sabihin mo sakin...nasasaktan ako.." Gustong gusto na yakapin ni Stone si Caramel pero pinipigilan nya ang sarili nya. Mas lalalim lang ang nararamdaman nya. Mas lalo lamang nyang sisihin ang sarili nya.

"Wala kang dapat intindihin. Kalimutan mo ako. Kalimutan mo ang lahat ng nangyari satin. Madali lang naman para sayo yun dahil hindi mo naman ako minahal" isang suntok para kay Caramel ang sinabing iyon ni Stone para sa kanya.

"Pero sinusubukan ko. Stone. Bakit ngayon kapa nagkaganyan? Kung kailan unti unti na akong nahuhulog sayo?" Umiiyak na ani dito ni Caramel. Labis ang tuwa na nararamdman ni Stone ngunit agad nya itong itinigil. Ayaw nya itong mangyari. Ayaw nyang masaktan si Caramel.

"Huwag mo na ituloy. Kalimutan mo nalang ako tapos!" 'Para sa ikabubuti mo din yon' idudugtong sana ni Stone ngunit ayaw nyang magtanong pa ito.

"H-hindi kita maintindihan...." Umiiyak na sabi ni Caramel at yumakap kay Stone. Pagkayakap ni Caramel ay ang unti unting pag alog ng balikat ni Stone.

"Maiintindihan mo din ako....basta ipangako mo sakin. Hindi mo sisisihin ang sarili mo. Gusto ko rin magmahal ka ng iba. Gusto kong sumaya ka. Gusto kong mapabuti ka." 'Kung kaya ko lang yun lahat bakit hindi ko gagawin? Durog na durog na ako.' Sikip na sikip na ang dibdib ni Stone sa mga nangyayari.

"Please. Stone sabihin mo sakin. Ayoko ng ganito..." Humihikbing sabi ni Caramel habang nakayakap kay Stone.

"Just stay here. Lets forget about us. Lets forget what happen between us. Just forget me. Kalimutan mo ako Caramel. Mabuhay ka ng masaya kasama ni Scarl." 'At ng tunay nyang ama' tila tinusok ng milyong karayom ang puso ni Stone sa sobrang sakit na nararamdaman nya. Mas lalo lang lumakas ang iyak ni Caramel.

"Please....huwag mo naman gawin to." Nagmamakaawang sabi ni Caramel at hinigpitan pa ang yakap dito. Dahan dahan naman inalis ni Stone ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Sorry babe.....mahal na mahal kita....patawarin mo kung ganito ako kawalang kwentang tao"

_____*****_____

Please check my new book. Give it a try kung ok. Kung hindi ididelete ko nalang HAHAHA!

SALAMAT SA PAGBABASA!

PaoroX

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon