CHAPTER 6

2.8K 175 26
                                    



I guess this is my last UD. Matatagalan ang next dahil start na kami bukas sa online class.

Babalik ako. Medyo matatagalan lang.

If di nyo bet maghintay its ok.

Enjoy!

Caramel

"Hey! Gising!" Nang imulat ko ang mata ko ay kusa akong napayakap kay Luke.

"I guess you are having a nightmare" sabi ni Luke habang hinihimas himas ang buhok ko. Habang ang puso ko naman ay walang tigil sa pagtibok.

Matt..

Alam kong maling iniwan kita. Pero babalik ako. Pangako.

"A-ayos na ako Luke. Salamat" sabi ko dito makaraan ng ilang minuto kong pagyakap sa kanya.

"No problem Caramel. Basta kapag may problema ka sabihin mo lang sakin" nakangiting sabi ni Luke na nagpangiti na din sakin.

Napansin kong maggagabi na. Napatampal ako sa noo ko.

"Hindi na tayo nakaattend sa class natin. Bakit hindi mo ako ginising?" Naiinis kong sabi kay Luke.

"Ayokong istorbohin ka. Alam kong madami kang iniisip. Kaya you really need to take a nap. Para diba? Mas magandang magisip kapag may tulog." Paliwanag nito na ikinatungo ko nalang.

"Sige. Mauna na ako sa dorm. Maraming salamat talaga" pagkatayo ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko.

"Pwede ba kitang ihatid?" Tanong nito na nagpangiti sakin.

"Sure. Wala namang problema. Saan ba dorm mo?" Tanong ko dito. Agad naman itong tumawa.

"Seriously Caramel hindi mo ba ako napapansin? Magkaharap lang tayo ng dorm" sabi nito. Napatawa na din ako.

"Sorry Luke hahaha! Busy kasi ako sa studies" sabi ko dito.

"Ayos lang. Tara na?"

****

Walang tigil ang pagtawa ko sa korny nyang jokes. Grabe akala ko napakatahimik nitong si Luke.

"Tumigil ka na nga! Mukha kang tanga!" Natatawa ko pa ding sabi nito habang naglalakad.

"Tanga naman talaga ako sayo"

"Huh?"

"W-wala. Andito na tayo" sabi nito.

"Salamat sa paghatid." Pasasalamat ko dito. Ngumiti din ito sakin.

"No problem. Sige na baka hinihintay kana ng jowa mo" sabi nito na agad kong ikinakunot ng noo.

"P-paano mo nalaman?" Medyo utal kong sabi dito.

"A-ano kasi... Nakita kong naghahanda ng dinner si Dex. Oo yun" napahinga naman ako ng maluwag.

"Ahh. Sige pasok na ako. Salamat ulit."

****

Pagkapasok ko palang ay amoy ko na ang pabangong pambabae.

Nakita ko din ang bag na may lamang mga cosmetic.

"AHHH FASTER DEX!" nang marinig yon ay nawala na ang tanong sa isip ko.

Agad kong binuksan ang pinto ng kuwarto ni Dex. Hindi ako nagkamali.

"AAAAHHH FUCKK!" Sigaw ni Dex sa sarap. Siguro yun yung tinatawag nilang climax.

Hinihingal pa ito habang hinuhugot ang kanya sa babae.

"Tama lang talaga ang desisyon kong hiwalayan ka." Sabi ko dito. Kita kong nanlaki ang mata nito.

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon