CHAPTER 4

3.1K 190 22
                                    

Salamat kay Jas_007 sa book cover. Suggest names nalang po para mapost ko na yung PASILIP.

Napakarupok ko talaga. Iuunpublish ko sana to e. Kaso nakita ko comments nyo kaya tinuloy ko nalang. J3j3

Enjoy!

Caramel

Dinala ako ni Stone sa magarang bahay. Mayaman talaga sila pero wala akong pakialam don. Iniisip ko kung paano ako aalis dito.

"Labas o bubuhatin kita papasok?" naiinis na sabi ni Stone na lalong nagpainis sakin.

"BAKIT MO BA GINAGAWA TO?!" naiinis kong sabi dito. Kumunot din ang noo nito. Gwapo.

Leche Ramel dugyot!

"IKAW BAKIT MO BA GINAGAWA TO?!"balik tanong nito sakin sabay hila ng mukha ko palapit sa kanya. Agad nya akong hinalikan pero agad din akong kumalas.

"Tangina naman! Wala na tayo! Itigil mo na to Stone please lang!" naiinis na sabi ko dito. Lumabas lang ito ng kotse at pumunta sa pintuan ng kotse kung nasaan ako. Agad ako nito hinila palabas.

"Anong wala?! Ikaw lang naman may gusto non! Ni hindi mo ako pinagpaliwanag!" gigil na sabi nito at hinila ako papasok ng magarbong bahay.

Halos magulat ang guard at nanginginig na binuksan ang gate.

"Saan mo ako dadalhin?!" inis kong sabi dito habang pinipilit pa din magpumiglas. Pero mas malakas sya sakin!

Tahimik lang ito at seryoso lang na nakatingin sa daan.

"Please itigil mo na to Stone....nakikiusap ako..." sabi ko dito pero hindi pa din ito tumigil. Hanggang sa nakapasok na kami ng magarbong bahay.

Sumalubong samin ang napakaraming kasambahay.

"M-master" sabay sabay na sabi ng maids.

"Wheres mom and dad?" bored na tanong dito ni Stone. Agad namang sumagot ang sa tingin ko ay pinuno nilang mga kasambahay.

"Nasa garden po sila master." magalang na sabi nito kay Stone. Leche na yan.

Ginagalang galang nila ito dito tapos sinisipa sipa ko lang to sa dorm dati.

Napatawa ako na ikinakunot ng noo ni Stone.

"Whats funny?!" naiinis nitong tanong. Nahihiya lang akong tumigil pero...

"HAHAHAHAHAHAHAH!" Di ko na kinaya. Tangina HAHAHAHA! Oo na ako na masama.

"PATI BA NAMAN SA PAMAMAHAY KO LALAKI MO INIISIP MO?!" galit na sabi nito at hinila na ako papunta sa kung saan. Nakangiti naman akong nagpaubaya nalang. Jusko HAHAHA!

Nang makarating sa garden nila ay nakita ko ang naggagandahang halaman at ang upuan at lamesa kung saan nakaupo ang dalawang tao.

Walang pasabing iniupo ako ni Stone sa kaharap na lamesa ng lalaki. Na sa tingin ko ay tatay nya.

"Woah! Ano yan anak nakakagulat ka naman!" pabirong sabi ng ama na mas lalong nagpakunot sa noo ni Stone.

"Hello baby boy." nakangiting bati sakin ng tatay ni Stone.

"H-hello po..." nahihiya kong sabi dito. Habang ang mama naman ni Stone ay busy sa pagcecellphone. Nakaearphone pa ito.

"Dad. What the fuck is wrong with mom?! Parang hindi nya ako kilala ah!" naiinis na sabi ni Stone. Ang masayang mukha ng tatay ni Stone ay napalitan ng pagkainis.

"Ayan. Busy sa kpop kpop na yan. Di na nga ako pinapansin edi sana doon nalang ako tumambay sa trabaho ko kahit day off ko ngayon." malungkot na sabi ng tatay ni Stone.

Ngayon lang ako nakakita ng mayaman na ganyan magsalita.

Kadalasan kasi English speaking sila or napaka pormal na pananalita. Pero ang tatay ni Stone akala mo tambay sa kanto.

Napatawa ako ng mahina.

"Itigil mo yang kakaisip mo sa ibang lalaki. Naiinis na ako" sabi nito na ikinangisi ko.

Ayaw mo pa akong pakawalan ah. Sorry Matt pero kailangan kong saktan itong taong to.

"Iniisip ko lang kung gaano kakulit si Dex-"

"WHO THE FUCK IS DEX?!" Naiinis na sabi nito kaya napatanggal ng earphone ang mama nya.

"Oh son. Im glad na pumunta ka dito." sabi nito at tumayo sa upuan at niyakap ang naiinis na anak.

"Look whos here hubby. Hello baby" sabi nito sakin. Nahihiya lang akong nag hello dito.

"Mom. Dad. This is Caramel. And I want to marry him" nanlaki ang mata ng mga magulang ni Stone. Ako naman ay napasigaw sa gulat.

"ANO NANAMAN TO STONE?!" Inis kong sabi dito. Pokerface lang itong tumingin sakin.

"This is nothing Sir and Madam. Pasensya na po aalis na po ako" paghingi ko ng paumanhin dito. Nanlalaki pa din ang mga mata nito.

Aalis na sana ako nang bigla akong hablutin ni Stone at walang pasabing hinalikan. Sa harap mismo ng magulang nya.

"KYAAAAAAH!!!" tumili ang mama ni Stone at walang sawang pinicturan kami habang nakahalik sakin.

"Congrats anak. Akala ko magiging single kana forever eh." natutuwang sabi ng ama ni Stone. Nakakuha ako ng tyempo at bumitaw na sa pagkakahalik sakin ni Stone.

"P-pero wala naman po-"

"Hay nako iho. Ayos lang samin. Wag kang mag alala." nakangiting sabi sakin ng ama ni Stone. Napayakap pa dito ang asawa nito.

"Malaki na ang anak natin Felix...im so proud na naging magulang nya ako. Ipapakita ko ito kila mare siguradong mamamatay ang mga iyon sa inggit." hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng mag asawa.

HINDI MANLANG BA SILA MANDIDIRI SA SINASABI NI STONE?!

"Please bawiin mo ang sinabi mo..." nakikiusap kong sabi dito.

"Wala akong babawiin."

****

Nanghihina akong lumabas sa kotse ni Stone. Mabuti na lang at takot sa kanya ang guard kaya nakapasok kami ng school.

Gabi na kami nakauwi. Halos tulala lang akong naglalakad. Hindi pa din ako makapaniwalang umabot sa ganito.

Matt...

Humiwalay na ako ng daan kay Stone. Magkalayo ang building ng dorm namin.

Nagulat ako nang hilahin ako nito pabalik at walang sinabing hinalikan.

"I love you. Asawa ko." nakangiting sabi nito. Makalaglag panty man ang ngiti nito pero wala akong pakialam. Tangina paano na kami ni Matt?!

Di ko ito pinansin at tulala pa ding naglakad papasok ng building ng dorm namin.

T a n g i n a....

****

Pagkarating ko ng dorm ay halos mapaupo ako sa lapag. Ano nga ulit ang nangyari?

Ahh pinakilala lang naman ako ni Stone sa parents nya bilang fiancee nya. Ahhh oo.

LECHEEEEEE!!

Hindi pwede to. Kailangan kong kausapin si Stone. Hindi to pwede.

Napansin kong nakaupo si Dex sa sofa. Nakatingin lang ito sakin ng seryoso.

"A-ano Dex..."

"Saan ka galing?" seryosong tanong nito. Kaya hindi na ako nakapagsinungaling.

"Sa bahay ni Stone...." pagkasabi ko palang non ay agad itong pumasok sa kuwarto nya. Narinig ko ang ilang pagbagsak ng gamit at ang mahina ngunit rinig nitong pag iyak.

Im sorry...Dex.

_____*****_____

Tangina mo Caramel. Sinaktan mo si Dex ko. Magbabayad ka HAHAHAHAHAH!

By the way Matt and Dex is taken. Sakin sila HAHAHAHAHA!

SALAMAT SA PAGBABASA

PaoroX

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon