CHAPTER 12

2.4K 178 22
                                    

Sige Cloth para sayo to. Hihi hope u want

Enjoy!

Caramel

"H-huwag naman ganito Matt...please bawiin mo yung sinabi mo...."naiiyak kong sabi dito. Pero nakangiti lang ito at tumingin sa malayo.

"Pasensya na Caramel. Sorry kung naghintay kapa sakin. Kalimutan mo na lahat ng pangakong sinabi ko sayo. Look at me now, I'm a professor here at hindi na tayo pwede dahil may mahal na akong iba. Sorry kung naghintay ka." Mahabang sabi ni Matt na nagpatulo ng luha ko.

"Mahal na mahal kita Matt. Pero sige...susubukan kong kalimutan ka." Tuluyan nang bumuhos ang luha ko at tumakbo paalis sa lugar na iyon.

Ang sakit...

****

Nakita kong nanlaki ang mata ni Warren nang makita ang itsura ko. Pero wala akong pakialam! Gusto ko mapag isa...

"Hey anong nangyari?!" Nag aalala nitong sabi ngunit naiinis ko lang itong tiningnan.

"Wala kang pakialam!" Sigaw ko dito at pumasok na sa kuwarto ko. Pagkapasok ko palang ay napaupo na ako sa lapag at binuhos ang kanina ko pang pinipigilang luha.

Ang sakit...

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pagsisisi ba dahil hinintay ko pa sya o lungkot dahil matapos ang ilang taon naming pagkakaibigan at pagiging magkasintahan ay ganon nya na lamang akong tanggihan.

Narinig ko pa ang ilang sigaw ni Warren sa labas. Pero ayoko muna. Gusto ko mapag isa.

Naramdaman ko ang malagkit na likido sa pwetan ko. Napaiyak nalang ako lalo nang mahawakan kung ano ito.

Dugo....

Oo dugo. Kahit lalaki ako nireregla ako. I guess this is the reason why my mom and dad dont want me to be a gay. Dahil ayaw nila akong mabuntis.

This is an abnormality of my genital part. Kaya kahit mismong magulang ko tinakwil ako...

"Caramel please open this..." Ilan pang pakiusap ang narinig ko kay Warren pero di ko ito pinansin.

Hinila ko ang kabinet ko at kinuha ang nasa likod nito. Isang pack ng Modess.

Oo. Ito talaga ang pinakaiingatan ko dito dahil ayoko nga na malaman nila ang tungkol sa abnormality ko.

Matapos kong linisin ang dugo at malagyan ng napkin ang brip ko ay agad akong humiga sa kama.

Tutal nakipagbreak na sayo si Matt, wala ka nang dapat isipin. Napatunayan mo ngayon Ramel na hindi ka nya ganon kamahal.

****

Hanggat maaari ay ayokong lumabas dahil nagiiba ang ugali ko sa tuwing nireregla ako. Sumakto ang araw ng linggo dahil wala kaming pasok sa araw na ito.

Pero nagugutom na ako.

I text mo kaya si Luke?

Paano kung malaman nya ang tungkol sa sikreto mo?

Eh ano naman ngayon? Magkaibigan naman kayo hindi ba?

Agad akong nagtipa ng mensahe. Pero isang mensahe ang nakapagpababa ng balikat ko.

'Nasa eroplano ako Caramel papuntang Japan. Tuesday pa ang balik ko dyan. Pasensya na.'

Naiinis kong binato ang phone ko. Ano ba naman yan!

Eh kung magluto nalang kaya ako?

Dahan dahan akong lumabas at chineck kung wala si Warren. Nang makitang wala ito ay agad akong pumasok sa kusina.

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon