CHAPTER 32

2.7K 156 31
                                    

Last chapter at ending na bading. Itutuloy ko pa ba ang meet up ng tatlong story? Comment "utong" kung oo at "not utong" kung wag na HAHAHAH!

WARNING SPG! READ AT YOUR OWN RISK!

MAY WARNING BAKLA. KUNG AYAW NG BEDSCENE I SKIP ANG DULONG BAHAGI NG KUWENTO!

Saglit lang naman na plokplok yon. Sa next story tayo bumawi ng bedscene hehe.

Enjoy!

Caramel

Ilang minuto na akong nakatitig sa pagkalaki laking gate. Iniisip ko kung tama ba itong gagawin ko.

Ano naman? Hindi naman ako mamamatay kung susubukan ko diba?

At isa pa, si Scarl lang naman ang gusto kong makausap. Gusto ko lang din humingi ng tawad. Wala akong dapat ikahiya kaysa patayin ako ng konsensya ko.

Magdodoorbell na sana ako nang kusang bumukas ang gate. Nakangiti akong sinalubong ng mga guwardiya at mga kasambahay.

Litong lito akong unti unting umaatras. Anong nangyayari? Anong meron?.

Agad may humawak sakin at pinigilan ang dapat na pag alis ko. Sa tingin ko sya ang pinuno ng mga kasambahay dito.

"Pasok po kayo sir. Matagal na po namin kayong hinihintay lalo na si Scarl." Magalang na sabi nito. Litong lito na ako sa nangyayari. Bakit ba nila ginagawa to?

"N-nagkakamali po kayo. Hindi p-po ako-"

"Alam mo sir. Caramel, gusto naming makita ang ngiti ni Scarl" sabi nito na nagpalungkot sakin. Unti unti kong nararamdaman ang luha sa pisngi ko.

"Mula nang dumating dito si Scarl palagi na lamang syang malungkot. Paminsan minsan tuwing hahatiran ko sya ng pagkain nakikita ko syang umiiyak" mas lalong bumuhos ang luha ko at napaluhod nalang sa malamig na sahig. Agad naman ako nitong sinalo.

"S-sorry anak....sorry baby boy ko...napakawalang kwenta ko. Sorry..." Di ko na alam kung anong nangyayari. Tuluyan na akong nilamon ng sakit at pagsisisi.

****

"Maiwan na po namin kayo rito. Nandyan lang si Scarl sa loob." Nakangiting pagpapaalam sakin ng kasambahay. Aalis na sana ito ngunit agad ko itong pinigilan.

"Ok lang po ba talaga itong itsura ko? Hindi po ba a-ako itataboy ni Scarl?" Kinakabahan kong tanong dito. Ngumiti lang ito sakin at agad na umalis kasama pa ng ibang kasambahay.

Ayokong makita ako ng anak ko ng ganito. Kaya agad kong inilabas ang maskara ko mula sa aking bag at isinuot.

Napatitig ako sa pintuan nito. Uunahin ko paba ang pride ko?

Dahan dahan kong kinatok ang pintuan. Unti unting bumibilis ang aking pagkatok kasabay ng pagbuhos ng luha ko.

Miss na miss ko na si Scarl.

"WHAT DO YOU-" agad kong niyakap ang anak ko. Labis ang pagsisisi ko at ngayon lang ako bumalik. Ngayon lang ako nagbalak na magpakita sa anak ko.

"Sorry baby boy ko. P-patawarin mo ako kung ngayong l-lang ako...ang tanga tanga ni mommy mo...wala syang kwenta....wala akong kwenta..." Sobrang sakit. Sobra akong kinakain ng galit sa sarili ko. Napakatanga ko...

****

3rd Person

Nagtatakang napatingin si Caramel nang makita nyang walang reaksyon ang anak. Mas lalong tumulo ang luha nya.

'Siguro ayaw nya talaga sakin...' Sabi ni Caramel sa isip nya kaya agad syang lumabas ng kuwarto at aalis na sana nang yakapin siya ni Scarl.

"A-aalis ka n-nanaman ba mom...iiwan mo n-nanaman a-ako?" Takot na takot ang boses ni Scarl. Mas lumakas ang hikbi ni Caramel at niyakap ng mas mahigpit ang anak.

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon