CHAPTER 27

2.1K 142 41
                                    

Parte na ng araw araw ko ang saktan ang sarili ko. Potangena lang

Maiinis nanaman kayo sakin in this chappy. Haha!

Well enjoy!

3rd Person

"Tangina! Tangina! Bakit ba kasi di nya makalimutan ang baklang yon?! Fuck you Caramel!" Gigil na sabi ni Matt habang walang tigil ang paglagok ng alak.

Napalaki ang mata ni Scott nang marinig ang sigaw nito. Nasa bar sya ngayon at pinag iisipan kung ano ang dapat nyang gawin para mapasakanya si Caramel.

Agad syang lumapit at umupo sa harap nito.

"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ni Matt at lumagok nanaman ng alak.

"Mukhang may galit ka kay Caramel ah! You're Matt right?" Nagtataka man ay napatango nalang ito.

"Oh ano ngayon?" Mataray na sabi nito at lumagok nanaman ng alak.

"Alam mo bang baliw na baliw sayo si Caramel? Kaya bakit ayaw mo sa kanya?" Natatawang sabi ni Scott at nakiinom na din dito.

Napansin ni Scott ang galit sa mata nito.

"Dahil sa kanya hindi ako makuhang mahalin ni Luke." Inis na sabi nito at lumagok nanaman ng alak. Nanlaki ang mata ni Scott.

Pero agad ding may pumasok na ideya sa isip nya.

"Alam mo kasi...pwede naman tayong magtulungan. Pwede mong makuha si Luke at pwede kong makuha si Caramel" napatingin si Matt dito at tila interisado.

"Hmmm..."

****

Caramel

Nagising ako nang maramdaman ang mabibigat na braso. Niyakap ko lang ito at pinigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko..

Tama na muna ang pag iyak.

"Good morning" napangiti ako nang marinig ang boses nito.

Bumangon ako at pumatong dito.

"Good morning" nakangiti kong sabi dito at hinalikan ito sa pisngi. Nakita kong napaiwas ito ng tingin. Napangiti ako

"Ayieee kinikilig ang may malaking pututuy. Tara na nga sa kusina Luke. Ipagluluto kita"

****

"So anong gagawin mo Caramel? Paano mo makukuha si Scarl?" Tanong nito habang humihigop ng kape. Napaisip ako.

Sa totoo lang gusto ko na matahimik ang buhay ko. Iisa lang ang bagay na pumapasok sa isip ko simula pa kagabi.

"I want to leave this place" napatayo si Luke sa sinabi ko.

"Huh?! Paano yung anak mo?! Paano na si Scarl?" Gulat at inis na sabi nito. Napayuko ako.

"Di ko na alam ang gagawin ko Luke. Ayoko labanan ang mama ni Warren. Di ko kaya...natatakot ako.." Malungkot kong sabi at pinipigilan ang pag iyak.

"No" sabi nito at ipinagpatuloy ang pagkakape. Sumubo pa ito ng kanin na parang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Please. Uuwi nalang ako samin. Ayoko na dito..." wala sa sarili kong sabi.

"At sa tingin mo tatanggapin ka ng mga magulang mo? Carl?" Napalaki ang mata ko sa sinabi ni Luke.

Paano nya nalaman?

FLASHBACK

3rd Person

Kasama ni Luke ang pinsan nyang naglalakad lakad. Bumisita sya sa mga kaanak nya sa lugar na to.

"Tangina insan. Ano ba namang katawan yan? Konting tulak ko lang ata sayo tatalsik kana e" sabi ng maskuladong pinsan nito. Naiinis lang itong tiningnan ni Luke.

Ang totoo nyan hindi naman sya ganon kapayat. Pero kumpara sa mga pinsan nyang mga body builder ay magmumukha talaga syang payat.

Napalaki ang mata nila magpinsan nang marinig ang boses mula sa kung saan.

"Umalis kana dito! Nakakadiri ka!" Narinig ng magpinsan na sigaw ng babae. Agad napatakbo ang magpinsan at nakita ang duguang si Caramel.

Nasaksihan nya ang kaawa awang kalagayan ni Caramel dito.

"Tulungan natin sya insan" sabi ni Luke. Awang awa sya habang nakikita ang duguan nitong noo.

"Wag ka muna makialam insan.-" ngunit napatakbo nalang si Luke nang makita nyang nahimatay si Caramel.

"Fuck insan kunin mo nga ang kotse mo. Hey. Naririnig mo ha ako?" Natataranta naman ang pinsan nito at agad tumakbo.

Hindi alam ni Luke ang gagawin kaya tinitigan nya nalang ito. Unti unti syang nakakaramdam ng kakaiba.

'Napakaganda nya...' Natulala si Luke dito. Nagulat nalang sya nang makaramdam sya ng batok.

"Oy gago buhatin mo na yan! Ngayon mo pa pagnanasaan gago ka!" Napasimangot naman si Luke at binuhat si Caramel.

****

"W-wala po a-akong ipangbabayad..." Narinig ni Luke mula sa silid ni Caramel sa hospital

Kitang kita ni Luke ang pagiyak ni Caramel. Gusto nya man itong yakapin pero inuunahan sya ng hiya.

Laking pasasalamat ni Luke at may private hospital na pag aari ang papa nya sa lugar na ito.

"Sir kumalma po kayo. May gusto lang po akong tinanong." Pakiusap ng nurse.

Unti unting kumalma si Caramel pero patuloy pa din ang pagluha nito.

"Ano pong pangalan nyo?" Tanong ng nurse na mula kay Luke.

"C-carl Raphael..." Nasabi lang ni Caramel at umupo sa kama.

"Ok sir Carl. May nagpapabigay po sa inyo nito" abot ng nurse sa bag. May laman iyong invitation mula sa school upang maging scholar at pera.

"K-kanino po ito galing?" Tanong nito. Ngumiti ng alangan ang nurse.

"Hindi ko po pwedeng sabihin. Yun po kasi ang bilin nya nang ibigay nya sakin ang bag na yan" paliwanag ng nurse. Nang buksan ni Caramel ang bag ay may tigiisang libong nakabalunbon dito kasama ng papel.

Agad itong binalik ni Caramel sa nurse.

"Pasensya na po. D-di ko po matatanggap yan" nataranta naman ang nurse.

"P-pero sisisantihin nya ako kung di mo to tatanggapin." di na nakahanap pa ng idadahilan ang nurse.

Napaisip si Caramel.

"O-ok lang ba talaga?" Tanong dito ni Caramel. Agad tumango ang nurse at ibinalik ang bag.

"S-sige na. Maaari ka naman na lumabas ng ospital. Kung ayos na ang pakiramdam mo. May gagawin pa kasi ako sir. Goodluck po sa inyo" magalang na sabi ng nurse at lumabas na ng kuwarto.

Napatulala si Caramel sa perang nasa kamay nya.

'Saan ko naman gagamitin to?' Tanong nya sa sarili. Napansin nya ang papel na kasama nito. Nanlaki ang mata nya at agad naintindihan ang gustong mangyari ng tumulong kanya.

"Kung sino ka man. Salamat.."

END OF FLASHBACK


Caramel

Agad akong napayakap kay Luke. Kusa akong napaiyak.

"S-sorry Luke...di ko masuklian lahat ng ginawa mo p-para sakin..." Hinimas lang ni Luke ang likod ko.

"No worries Carl. Just be happy ok na ako" masayang sabi nito na lalong nagbigay sakin ng guilt at pagkainis sa sarili.

"Bakit k-kaba ganyan L-luke...naiiyak lang ako lalo..." Utal na sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap dito.

"Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita Caramel"

______****______

Next week na po ako ulit mag ud. Magiging busy po siguro ako sa mga dadating na araw hihiz

Salamat sa pagbabasa!

PaoroX

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon