CHAPTER 8

2.5K 174 13
                                    

SABAWWWW!! SABAW KAYO DYAN HAHAHAHAHAHA!

ENJOY!

Caramel

Habang nakatulalang nakaupo sa ugat ng puno sa garden ay naalala ko kung gaano kami kinamumuhian ng tandhana. Kusang tumulo ang luha ko.

FLASHBACK

"Ramel hindi ako nagbibiro. Gusto talaga kita. Mahal na talaga kita!" Naiinis na sabi sakin ni Matteo. Natawa lang ako at napailing.

"Tigilan mo ako sa biro mong yan. Baka bumigay ako Matt-" sa isang iglap ay naramdaman ko ang una kong halik.

Nakasimangot na bumitaw sa pagkakahalik si Matteo.

"Hindi ka pa din ba maniniwala?" Naiinis nitong sabi. Malungkot lang akong umiwas ng tingin.

"Pinapaasa mo ba ako Matt? May Shanelle kana. Hindi ako natutuwa sa mga lumalabas sa bibig-"

"Sabihin mo nga Ramel. Sabihin mo lang sakin na mahal mo din ako."

"OO MAHAL KITA! BAKLA AKO MATT! BAKLANG BAKLA AKO SAYO!" Tuluyan na akong bumigay. Dumaloy ang masagana kong luha.

Agad akong nakaramdam ng kaba nang makita ko kung gaano kaseryoso ang mukha ni Matt.

Ngayong alam nya nang bakla ako. Lalayo na sya sakin. Natatakot ako baka malaman pa to ng pamilya ko.

"M-matt" kinakabahan pa din ako. Ano nalang ang sasabihin ni papa sakin.

"YES! AAAHHH! I'm glad na parehas tayo ng nararamdaman." Biglang ngumiti ng napakalaki si Matt.

"So tayo na Ramel? Ano liligawan pa ba kita?" Masayang sabi nito. Nag aalangan pero ngumiti nalang ako at hinalikan sya sa labi.

"Magpapakipot paba ako. Mahal na kita dati pa no!" Natatawang sabi ko dito. Pero agad akong nangamba nang maalala si Shanelle.

"No worries Ramel. Shanelle is not really my girlfriend. Shes my cousin. Ginawa ko lang yon para magselos ka. And I guess I'm success hehe" natatawa nitong sabi. Agad ko itong kinurot.

"Baliw ka!" Kinikilig kong sabi dito.

"Baliw sayo" enebe yen! Hihihi!

"Tigilan mo nga yan!" Kinikilig ako e! Leche sya.

"I love you" bigla nitong sabi. Lahat ng pangamba sa isip ko ay nabura.

"I love you too."

****

"Para naman satin yon Ramel. Para makabukod na tayo sa pamilya natin!" Naiinis na sabi ni Matt. Lalo lang nagsalubong ang kilay ko.

"AYOKO NGA! Di mo ba iisipin na maaga pa para don?!" Malakas na boses na sabi ko dito. Napasabunot lang ito sa kanyang buhok.

He is 17 years old tapos magtatrabaho na daw sya? Nag iisip ba sya?!

May kumukuha sa kanyang company galing ibang bansa. Sa sobrang husay at talino nya marami na ang nag ooffer pero di ako pumpayag!

Hindi sa selfish ako, pero ayokong malayo sya sakin!

"Walang maaga don Ramel. Kung mahal mo ako hindi ka mag aalinlangan!"

"KUNG MAHAL MO AKO SANA INIISIP MO YUNG MARARAMDAMAN KO! Malalayo ka sakin Matt..."

Alam kong nagdadalawang isip na ito ngayon hindi gaya ng kanina.

"Alam mong matagal ko na itong pinangarap. Akala ko ikaw ang unang susuporta sakin!" Napatitig ako dito habang kita ang inis sa mukha nya.

Agad itong sumakay ng kotse nya. Napatulala nalang ako sa kalsada.

Matt...

****

Nanlamig ang katawan ko nang makatanggap ng text mula sa number ni Matt.

'Kung sino ka man pakiusap. Pumunta ka sa Hospital na to ######## room ##### kailangan ka ni kuya!'

Anong nangyari?!

Dala dala ang wallet at phone ko ay kusang kumilas ang aking mga paa. Wala na akong pakialam. Kahit malaman ng magulang ni Matt ang tungkol samin wala akong pakialam.

Namalayan ko nalang na nasa harap na ako ng hospital. Agad kong hinanap ang kuwarto kung nasaan si Matt.

Pagkapasok ko palang ay bumungad na ang kapatid na babae ni Matt na si Mayanna at ang mama nito.

"M-matt...." Halos mawalan ako ng hininga nang makita kung gaano kasama ang lagay ni Matt.

"T-teka kuya Caramel. Paano mo- ikaw si Babyko?!" Mas lalo akong kinabahan. Wala na akong kawala.

Naramdaman ko nalang ang sampal sa magkabila kong pisngi.

"Anong gayuma ang pinainom mo sa anak ko?!" Nanggigigil na tanong ng mama ni Matt.

"T-tita-" nakatanggap ulit ako ng mas malakas na sampal na nagpatumba sakin.

"Tita?! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO! Umalis ka na dito. HINDI BAKLA ANG ANAK KO!" Sigaw nito sakin. Nag aalala lang na napatingin sakin si Mayanna.

"P-pero mahal po namin ang isat is-" nakatanggap nanaman ako ng mas malalakas na sampal.

"IPAPAALAM KO TO SA MAMA MO! HAYUP KANG BAKLA KA!" nanggigigil na sabi sakin ng mama ni Matt at sinisipa sipa pa ako nito palayo.

"Ayoko nang makita yang pagmumukha mo. Nakakadiri ka! Wag na wag kang magpapakita sakin. Lalo na sa anak ko! Alis!" Kinaladkad ako palabas ng kuwarto ng hospital. Habang ang nasa isip ko lang kung paano ako magpapaalam kay Matt.

****

"SOBRANG KAPAL NG MUKHA MO PARA UMUWI PA DITO!" Bungad sakin ni mama kasabay ng malakas na pagsampal nito sakin. Kusang tumulo ang luha ko.

Ang sakit...

Binato nito sakin ang mga damit at gamit ko. May tumamang bagay sa noo ko na nagpaaray sakin.

Nakita kong ang nag aalalang mukha ni mama pero agad itong bumalik sa dati.

"Umalis kana dito! Nakakadiri ka!" Sabi nito sabay sarado ng pinto. Napaupo ako sa tapat ng bahay.

Naramdaman ko ang tumutulong dugo sa noo ko kaya agad akong kinabahan.

Sa isang iglap ay nagdilim ang lahat.

END OF FLASHBACK

Ang sakit pa din. Sobrang sikip ng dibdib ko. Bakit napakababa ng tingin samin? Ganon ba kami nakakadiri? Nagmamahal lang naman kami...katulad nila...

Yung oras na kailangan mo ng pamilyang susuporta sayo. Sila pa mismo ang nanakit sayo. Ang sakit lang.

Pinunasan ko ang luha ko at kinalma ang sarili. Alam kong magkikita pa kami ni Matt. Hindi ako nawawalan ng pag asa.

****

Pagkapasok ng dorm ay bumungad sakin ang ilang bagahe. Hindi ito pamilyar kaya masasabi kong wala sa mga ex ko ang nandito. Salamat naman.

Dumiretso ako sa kuwarto. Inihiga ko ang sarili sa kama. Kamusta kana kaya Matt? Gumising kana kaya?

Sana hindi mo ako kalimutan...

Mahal na mahal pa din kita.

_____****_____

HALINAT HUMIGOP NG MAINIT NA SABAW.

SALAMAT SA PAGBABASA!

PaoroX

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon