CHAPTER 28

1.9K 136 50
                                    

Mag eending na to. And sa ending may bago nanaman akong irerelease. Hehe.

Oo na! Madami na akong ongoing pero matatapos natin yan! Wag kayo mag alala!

Hehe enjoy!

Luke

Nang maramdaman ko ang paghilik nito mula sa braso ko ay ang agad na pagbuhos ng mga luha ko.

Masakit, masaya ako sa ginagawa ko....pero nakakapagod din.

Ako na mismo ang kailangang sumuko sa ilang taon kong paghahabol sa kanya. Nahihirapan na sya dahil samin.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakahiga nito sa braso ko at dahan dahang inihiga ang katawan ni Caramel sa kama. I remember that day na nagpabago ng buhay ko. Naging masaya ako. Pero si Caramel kaya masaya sa ginagawa ko?

Parehas lang kami magkakasakitan. Siguro tama lang na ipaubaya ko sya kay Warren tutal may anak naman silang dalawa.

Kahit pa sabihing sapilitan ang ginawang pagtatalik ng dalawa wala pa din akong laban doon. Wala e. Mahina.

Ikukulong ko nalang ang sarili ko.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang aking kamay at lumabas na ng kuwarto. Lalabas na sana ako nang may biglang humila sakin.

Nakatutok ang patalim sa leeg ko. Napangisi ako at agad binuksan ang GPS ng phone ko.

"Anong kailangan mo sakin?" Sa tagal kong nagmamasid kay Caramel ay sya talaga ang pinakabinabantayan ko.

"Sumama ka nalang" malalim at nakakatakot ang boses nito. Gusto ko man to patayin ay hinayaan ko nalang at kusa akong sumama sa kanya.

Gusto ko na mamatay. Nawalan na ako ng gana sa lahat. Durog na durog na ako. Tutal wala na akong maihaharap sa mommy ko na pinangakuan kong maidadala ko sa kanya si Caramel balang araw.

Lalo na si daddy. Umaasa sya na makikita nya akong nakangiti kasama ng pinagmamalaki kong si Caramel. Ano nalang ang sasabihin nila?

"Anong nangyari at napadali ata ang pagdala ko sayo sa sasakyan?" Tanong nito. Poker face ko lang itong tiningnan.

"Pero mabuti na ang sigurado" may hinampas itong bagay sa ulo ko. Agad nagdilim ang lahat.

****

3rd Person

Samantala naalimpungatan naman si Caramel nang mapansing wala na ang katabi nya kanina.

Baka umalis lang sandali.

Nang dumako ang tingin nya sa pintuan ng silid ay literal na nanlaki ang mga mata nya.

"MATT?!" gulat nitong sigaw. Napangisi naman ito.

"Long time no see...." Wala sa sariling sabi nito habang hawak ang panyo.

"A-anong ginagawa mo dito? Nasaan si Luke?" Agad natigagal si Caramel nang bigla itong lumapit sa kanya at binigyan sya ng malakas na sampal.

"Masyado kang malandi Caramel. Lahat nalang ba?! Huh?! LAHAT NALANG BA?!" Gigil na sabi ni Matt habang madiing hawak ang panga nito.

"A-ah!" Daing ni Caramel. Napangisi si Matt at tinakip sa ilong ni Caramel ang panyo. Agad naman itong nawalan ng malay.

"Mamaya tayo magtutuos. Lahat ng sakit na dinanas ko ibabalik ko yun sayo lahat"

*****

Nang maidala ng dalawa ang walang malay na katawan ni Caramel at Luke sa kanilang lugar na inihinda ay agad napatawa ng malakas si Scott.

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon