CHAPTER 31

2.2K 146 36
                                    


MARCH 14, 2023

HOOOOI SINONG PWEDENG GUMAWA NG BOOK COVER FOR NEW STORY NA SANA MATAPOS WHAHAHAHAAHHA

"DEVIL IN DISGUISE"

PROMISE ISASATISFY KO KAYO MAGANDA TO WAHAHHAA EME

DE KUNG SINO LANG WILLING. BABALIK TALAGA AKO SA WATTY KAPAG NATULOY TO!





3rd Person

Sa loob ng ilang taon ay walang ginawa si Warren kundi magtrabaho at umuwi ng bahay. Paulit ulit. Walang pagbabago.

Kilala si Warren bilang boss na masungit, suplado at walang pakialam sa paligid. Kaya lahat ng manggagawa sa kumpanyang pinamana sa kanya ng kanyang ama ay maayos na ginagawa ang trabaho.

Iritang irita ang itsura ng sekretaryang si Xela habang nakatitig sa seryosong si Warren. Sa ilang araw nyang pagtatrabaho dito ay agad nahulog ang loob nya kay Warren. Araw araw ay kung ano anong pagpapansin nyang ginagawa dito ngunit ni hindi sya nito tinitingnan.

"Coffee" agad nyang kinuha ang kapeng kanina nya pa inihanda para dito at agad nilapag sa mesa nito.

"Here shir..." Malanding sabi nito at iniabot ang kape. Napasimangot ang dalaga sa pagignora nito sa kanya.

Apak na apak na ang pride nya. Gustong gusto nya na talagang matikman ito.

Wala sa sariling pumatong sya dito. Agad nya sanang hahalikan ito nang bigla itong tumayo na kinabagsak nya sa lapag.

Nanlaki ang mata nya nang sa unang pagkakataon ay tumingin ito sa mga mata nya.

"You're fired" seryosong sabi ni Warren at bumalik na sa trabaho. Tulala pa ding nakatitig ang babae dito.

Nang maalala ang pagsisante sa kanya ay mas lalong nanlaki ang mata nya.

"P-pero sir! Gusto po k-kita! P-please sir wag nyo naman po itong gawin! Please" natatarantang sigaw ng sekretarya na kinainis ni Warren.

Agad kinuha ni Warren ang phone at tinawagan ang guwardiya. Makalipas ang ilang minuto ay maririnig mo nalang na sumisigaw at nagmamakaawa ang babae habang kinakaladkad ng dalawang guard palabas ng silid kung nasaan si Warren.

****

Napakatahimik at walang buhay ang bumungad kay Warren pagpasok nya palang ng mansion. Ni hindi nya naririnig ang tunog ng nilalaro ng anak nya. Mas lalo syang nalungkot.

Ang laki ng pagbabago ng anak niya simula nang mawala si Caramel. Ni hindi nya ito malapitan dahil agad itong iiwas sa kanya.

Pagod na pagod na umupo si Warren sa sofa. Naglakas loob ang isa sa mga kasambahay na alukin ito ng makakain.

"No. Ill eat later." Pagtanggi ni Warren sa matanda at umakyat na ng kuwarto. Dumaan sya sa kuwarto ng anak nya. Sarado nanaman ang pintuan nito.

Dahan dahan nyang binuksan ito. Nanlaki ang mata nya nang makita itong umiiyak.

"What happened?" Nag aalalang tanong dito ni Warren. Hindi ito sumagot at tahimik lang na umiiyak.

Sumikip ang dibdib ni Warren nang hindi sya nito tingnan.

"Son...tell dad what happened...please.." nagmamakaawa ang boses ni Warren. Nanlaki ang mata nya nang makita ang galit sa mata nito.

"Wala kang kwenta! Umalis ka dito! Sabi mo hahanapin mo si mommy?! Sabi mo ibabalik mo sya dito?! Ilang taon na ba dad? Please! Umalis ka dito!" Nang marinig ang pagsigaw sa kanya ni Scarl ay mas lalong nanikip ang dibdib nya. Tila tinusok sya ng milyong karayom dito.

CARAMEL (BXB) (MPREG) (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon