Chapter 15

139K 4.4K 1.2K
                                    

Chapter 15

High

"Answer my fucking questions, Saoirse!"

Tanging ang paghikbi ko lamang ang aking nagawa nang niyugyog ulit ako nito sa nanginginig na mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ko.

Nag-init ang sulok ng aking mga mata habang patuloy pa rin ang marahas na pagtulo ng mga luha ko pababa sa basang-basa kong mga pisngi, nakatingin ang mga mata kong puno ng takot sa kanya, pinagmamasdan siya na kahit sa matinding galit na nararamdaman niya ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha kung gaano kaganda ang kanyang nagdidilim na mukha at halos magkasalubong na medyo makakapal na kilay nito.

Even if the beast had overtaken his self-control, there was still beauty that he possessed by his uncontrollable anger and temper.

Wala akong narinig sa labas ng kwarto, kahit na boses nila Cecelion at Maddox ay hindi ko narinig na tumawag kay Damien upang pigilan siya. Malamang ay walang magtatangkang bumangga at pigilan ang boss nilang galit na galit sa nalaman mula sa kanila.

"Ano? Iiyak ka lang ba, Saoirse? Ganyan ba ang paraan mo para mapaniwala akong inosente ka?" Marahas at bakas ang matinding galit sa kanyang boses, nanliliit ang mapangahas na mga mata nitong mariin akong sinuri. Nanatili akong tahimik at humihikbi dahilan kung bakit lalo lang itong naubusan ng pasensya. "Tangina."

Nararamdaman ko sa magkabilang braso ko ang nanginginig na mga magaspang na kamay ni Damien na sobrang higpit ng pagkakahawak sa akin.

Unlike me, I was trembling in absolute fear whilst he was shaking in definite anger.

I sobbed and tried to reason out that almost sounded like a prattle when I stuttered the words. "H-Hindi ko alam ang mga sinasabi mo—"

"Sino?" his angry voice thundered, gripping my arms further that would expectedly leave a mark on my skin. He leaned his darkening face down on me, and studied me so closely. "Sino ang nag-utos sa'yo? Sumagot ka."

Ang marahan na paghikbi ko na lamang ang tanging nagawa ko, hindi ko naman alam kung ano ang maibibigay kong sagot sa kanya dahil wala naman talagang nag-utos sa akin.

Kung sasabihin ko ba'ng wala ay maniniwala ba siya sa akin? Siguro ay mas mabuting manahimik na lamang muna ako dahil ayaw ko nang madagdagan pa ang matinding galit niya sa akin, kahit na gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga pinagbibintang niya sa akin ay wala pa rin akong mailabas na salita sa aking bibig.

How could he think so lowly of me when I think so highly of him? I had always thought good of him and yet he thought bad of me. Females like me could not really have his trust, could we?

Raised without a mother to guide him, I could not blame him for thinking incorrectly and accused me. Did a particular woman have broke his trust before? If yes, he was generalizing that all women could not be trusted which I highly object.

Marahas at mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko sa bawat hikbing patuloy na kumakawala sa aking bibig, kahit ang pagtulo ng mga mainit na luha ay hindi ko napigilan. Kanina pa ako umiiyak sa kanyang harapan pero parang hindi niya nakikita na nasasaktan ako, parang hindi niya nakikitang umiiyak ako dahil sa paraan ng mariing pagtitig sa akin ng kanyang mapanghusga at galit na mala-abong mga mata.

Humigpit ang pagkakahawak nito sa magkabilang braso ko dahilan kung bakit nagpakita ang iilang ugat sa kanyang braso.

"I'm impatiently waiting, Saoirse. Give me an answer," his harsh voice was back to calm yet it was so demanding and rough. "Do you want to be forced?"

He looked really rugged and dark, even though his pale skin had gained colour and seemed healthy through the weeks that he did not take illegal drugs.

Addicted Damien (Sartori #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon