I: Lightsaber

1K 36 6
                                    

Idris' POV

"Aray ko naman, girl! kung makahampas wagas ha!" reklamo ko kay Heidi. Ilang minuto na kasi kaming nakatayo dito sa pintuan ng canteen dahil sa sobrang kilig niya. Habang kasalukuyan kaming kumakain kanina, binigyan siya ni Adam ng pulang rosas dahil Valentine's Day ngayon.  Wala naman akong choice kundi samahan siya at tumayo dito. Siya lang din naman ang nag-iisa kong kaibigan sa school.

"Bakit ba kasi walang nagbibigay sayo? Maganda ka naman at matalino. Marami na bang bulag na lalaki ngayon?" tanong niya sa akin habang tinitignan yung rosas na binigay sa kanya, tyaka siya nag-pout at tumingin sa akin. Nginitian ko lang siya ng tipid. 

Pustahan, aasarin niya na naman ako at magsesend siya mamaya ng mga facebook accounts ng mga lalaking kaibigan ni Adam. Hindi raw kasi pwedeng siya lang ang may lovelife, kaya ayan, todo reto siya. 

Narinig na namin ang tunog ng bell, hudyat na tapos na rin ang lunch time namin. Last subject na namin ngayong araw. Sa wakas, makakaupo na rin ako. Nakakapagod din kayang tumayo ng napakatagal dahil sa kilig ng babaitang kasama ko.

Nagtungo na kami ni Heidi sa classroom. Sandamakmak na kulay red, pink, at white hearts ang mga nakadikit at nakasabit sa hallway namin. Pati sa pintuan ng room ay may nakadikit na malaking poster kung saan nakasulat ang "Happy Valentine's Day". 

Pagkapasok ay nahagilap ko ang mga kakalase kong babae na may dala-dalang mga teddy bears, bouquets, at paper bags. May mga paper bags din sa sahig at nasa gilid ng upuan ng mga kaklase kong lalaki, for sure, hindi pa nila nabigay mga yan sa mga girl friends nila. Who knows, baka may date pa mga yan mamaya diba?

Ilang minuto rin ang lumipas at dumating na rin ang aming teacher na si Ms. Gallego, dala-dala ang kaniyang laptop, aquaflask at ang Gucci hand bag niya. Pumirmi na kami sa kanya-kanyang upuan at nag-umpisa na ring magsalita si Ma'am. 

"Since today is Valentine's day, I won't be discussing any lessons related to our subject. Our lesson that should be tackled today will be studied tomorrow. But, I'll be telling you a story instead." 

Yey! Walang lesson. In love din siguro 'tong si Ma'am kaya hindi siya magle-lecture. 

"But before I start, I prepared a simple gift for all of you. Here!"

Isa-isang kinuha ni Ma'am ang mga maliliit na paper bags mula sa kaniyang drawer. Nag-umpisa na rin siyang magbigay ng tig-iisa sa aming magkakaklase. 

"How's your day so far, Ms. Raine?" tanong niya sa akin tyaka ipinatong ang paper bag sa desk ko.

"Okay naman po Ma'am. Thank you po!" nakangiti kong saad kay Ma'am. Nginitian niya rin ako pabalik tyaka nagpatuloy sa kaniyang pamimigay. 

Binuksan ko na rin ang kaniyang regalo sa amin. Iba't ibang chocolates ang laman ng bag tulad ng Hershey's kisses, Reese's, Toblerone, at Ferrero.  

"Do you know anything about the story of Cupid and Pysche? How they fell inlove with each other?" sunod-sunod na tanong ni Ma'am habang binabalik ang mga tirang paper bag sa kaniyang drawer. Nanatili kaming tahimik dahil ni isa ata sa amin ay walang ideya tungkol sa kwento nina Cupid at Pysche.

Pero may nabasa ako sa facebook na si Cupid ay anak ng Goddess of Love na si Aphrodite. Hindi ko nga lang alam kung sino si Pysche. Pero diba parte yon ng Greek Mythology? So I guess, kwento mula sa Greek Mythology ang maririnig namin ngayon.

Tumikhim si Maam para kunin ang atensyon naming lahat, at upang umpisahan na rin ang kaniyang pagkwekwento. Lahat naman kami ay tumuon sa harapan, kung saan siya nakatayo habang nakasandal sa kaniyang lamesa at nakaharap sa amin. 

"Noong unang panahon, may magandang babae na nagngangalang Psyche. Madaming lalaki ang humahanga sa kagandahan niya. Sinasabi nilang kahit ang diyosa ng kagandahan na si Aphrodite, ay hindi makapapantay sa kagandahan ni Pysche. Nang malaman ito ng diyosa, nagselos at nagalit ito kaya inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid para paibigin ang dalaga. Sa hindi inaasahan, agad ding napaibig si Cupid sa dalaga. Itinago niya ang kaniyang nararamdaman para kay Psyche at upang hindi rin ito malaman ng kaniyang ina."

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon