XI: Permission to a mission

172 12 0
                                    

Sydney's POV

Pagtapos ko magpaalam kila Leila at Idris ay pumasok na ako sa elevator para magtungo sa 100th floor. Pinipilit ko ang aking sarili na hindi kabahan, pero kahit anong gawin ko, ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. 

Unang beses kong makaka-usap ang Head Master ng HD. Kapag pinapapunta niya kami sa mga mission, nagpapadala lang siya ng sulat sa floor namin. Pero ngayon, iba ang sitwasyon dahil kami mismo ang manghihingi ng pahintulot para pumunta sa mortal realms. 

Sana naman nandito na si Nathan. 

Tumigil na ang aking sinasakyan kaya naman ay lumabas na rin ako dito nang bumukas ito. 


"Welcome, daughter of Hades" bungad sa akin ni Laurel. Nginitian ko naman siya bilang pagbati. Nakakakaba rin pala talaga ang presensya ng isang Head Master. 

"Have a seat please" nakangiting sabi niya sa akin. Umupo naman ako sa visitor's chair habang siya naman ay umupo sa swivel chair. Lumitaw naman ulit ang elevator at lumabas mula dito si Nathan.

So much with, 'mauuna nalang ako'. 

"Welcome, son of Hermes."

Umupo naman sa aking tabi si Nathan. Nilagyan naman ni Laurel ng hot coffee and dalawang tasa sa lamesa. 

"Here, have a drink." Iniusog ni Laurel ang dalawang tasa papalapit sa amin. 

"Thank you po." Uminom ako mula rito, kahit hindi naman talaga ako umiinom ng kape. 

Napansin ata ni Laurel ang expression ko sa mukha kaya winawagayway niya ang kaniyang kamay, para bang nag-he-hello. Pagtapos niyang gawin 'yon, naging matamis ang aking iniinom, lasa na itong tsokolate. 

"I have read your letter. Why are you going to the mortal realms?" tanong niya matapos sumimsim sa kaniyang tasa. 

"Araw-araw, parami po nang parami ang mga namamatay na mortal. Sabi po ni Hades, isa lang ang dahilan ng pagkamatay nila Ac-"

"Aconite." 

Hindi na ako pinatapos ni Laurel sa sasabihin ko. 

"Yes, I am not blind nor deaf. Alam ko rin ang mga nangyayari sa mortal realms. It is also my responsibility to keep the balance, to keep the peace in the realms." 

Kasama rin pala sa kaniyang responsibilidad ang panatilihing mapayapa ang mundo ng mga mortal. Pero alam na pala niya, bakit hindi siya ang unang gumawa ng aksyon? Bakit di siya nagpapadala ng sulat sa amin o sa ibang units para pumunta sa mortal realm? 

"As the Head Master of Descendants of the Olympians, I, Laurel, Son of Apollo, gives unit Πλειάδες my full permission to go to the mortal realms. I will grant you your needs, as well as back-ups when needed."

Tumayo siya tyaka nag-bow sa amin. 

"Thank you, Laurel" pasasalamat ni Nathan. Nag-bow din kaming dalawa kay Laurel. 

Pasakay na sana kami ni Nathan sa elevator nang may nagpapalutang-lutang na sunog na papel sa ibabaw ng desk ni Laurel. Nagtinginan kaming dalawa ni Nathan, parehong gulat pero nang tignan namin si Laurel ay walang bakas ng gulat sa kaniyang mukha. 

Mukhang hindi ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng ganito.

Pinanood lang namin ang papel hanggang sa lumapag na ito sa lamesahan ni Laurel. Hinintay muna naming mawala yung apoy tyaka ito pinulot ni Laurel. 

Nang mahawakan na niya ito, isang malaking pagsabog ang narinig namin mula sa kaniya. Tinignan namin siya ngunit tanging kulay dilaw na liwanag lang ang nakita namin na lumulutang. Wala na si Laurel sa kung saan siya namin huling nakitang nakatayo. 

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon