VI: Unit Pleiades

242 18 0
                                    

Idris' POV

"I'll start!" pagboboluntaryo ni Leila habang nakataas ang kaniyang kanang kamay.

"My name is Leila Trey, 16. My mom is Athena, the Goddess of Wisdom. Mortal si papa tapos architect siya. I also have siblings, but not like me, they're pure mortal. In short, we have different mothers" 

Binukas niya ang kaniyang palad at mula dito, lumitaw ang isang picture. Ipinakita niya ito sa amin na para bang in-e-explain yung family tree niya. Itinuro niya sa amin ang kaniyang tatay na nakasuot ng glasses, sa tabi niya ay isang babae na matapang na nakatindig. Naka-braid ang kaniyang buhok na nakalagay sa kaniyang isang balikat. Sa harap nila ay may tatlong babaeng bata. Lahat sila ay nakangiti, maliban nalang sa babaeng katabi ng kaniyang tatay. 

Athena.

"Ito ako oh!" turo niya sa babaeng nasa dulong kaliwa, nakatayo sa harap mismo ni Athena.

"Ito si Izrael tapos ito si Amitha" turo pa niya sa mga kapatid niya.

"Noong una, kagaya mo rin ako. Sila Pierce lang din yung nakahanap sa akin. Hindi nga ako maniwala sa kanila tapos ilang beses akong nagtangkang umalis dito. Naging successful naman ako kasi napagalaw ko yung mist at nakalayo sa HD, kaso nahanapan nila ulit ako. Narinig nilang umiiyak ako, e" pagpapatuloy niya.

"My Mom speaks to me through dreams. I saw her one time, pero hindi ko kasi siya kilala noon. Then, claiming ceremony came and different ancient greek letters appeared infront of me. Tapos ayun, a daughter of the Wisdom Goddess" pagtatapos ni Leila.

Inalala ko ang kaniyang sinabi na kinakausap siya ni Athena sa kaniyang panaginip. Yung lalaki sa panaginip ko, hindi kaya? I erased that thought in my head. Ito na naman ako, umaasa na naman. 

"Hey yow mga mamser!" nagsitawanan kami sa bungad ni Phoenix.

"Phoenix Alonzo is my name and Ares is my dade!"

Nagpigil ako ng tawa sa sinabi niya. Sinadya niyang ganon ang bigkas sa word na 'dad' para mag-rhyme sa word na 'name'. 

"Si Papa kasi, napakatinik sa mga babae. Ewan ko ba, nagpapalit ata ng anyo sa mortal realms, e. Joke Dad!" lumingon siya sa itaas tyaka nag-peace sign.

"Kaya ayun, syempre pati si Mama, nauto rin ata ni Ares" napa-iling-iling pa siya habang nakangiti.

"Kuwento ni Mama sa akin na hindi raw sila pwedeng magsama ni Ares sa mortal realms, kaya rin daw iniwan siya ni Ares. Hindi naman sa iniwan talaga, parang nilayuan lang para hindi madamay si Mama sa gulo ng mga immortals. Sus, hindi nga nadamay si Mama, ako naman yung nadamay diba? Iba rin 'tong ama ko."

Kahit na ganun ang mga pinagsasasabi ni Phoenix tungkol kay Ares, walang bakas ng galit o tampo sa kaniya. Nabanggit din niya na hindi man daw siya binibisita ni Ares tulad ni Athena, nagbibigay naman daw ito ng mga regalo sa tuwing may mahalagang okasyon. 

He was so proud of his father, and his family itself. Napalaki siyang masiyahin at aktibong bata ng kaniyang mga magulang. I hope he stays that way. It brings a joyful vibe in our unit. 

Sunod kaming napatingin sa katabi ni Sydney. Siya yung isang lalaki na nakasabay ko sa elevator kasama sila Leila, Pierce at Isabelle. Hindi ko pa siya kilala kaya naman sakaniya ko binigay ang buong atensyon ko. 

Ngumiti muna siya ng tipid bago magsalita.

"Nathan Salem, Son of Hermes. 16."

"Pucha naman Nathan! Yun lang yon ha? Ang ganda-ganda ng intro ko tapos ganiyan lang yung sayo? Napakaduga mo naman!" Sunod-sunod na pagrereklamo ni Phoenix. Nagulat nalang ako nang nakitang may pinupunasan siyang two-handed sword. Nanlaki ang aking mga mata. Napansin ata ito ni Phoenix kaya naman, agad na naglaho ang espada mula sa kaniyang kamay.

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon