VIII: The Dead and I

238 11 0
                                    

Sydney's POV

"Sydney!" napalingon ako sa gawi ni Leila. Nakatayo siya sa fruit section habang nasa harapan niya ang push cart namin.

"Strawberry, Blueberry or Grapes?"

"Kuha ka nalang ng tig-iisang kilo ng mga yan" saad ko sakaniya. Agad naman siyang kumuha ng supot para malagyan ng mga prutas. Itinimbang niya muna ang mga ito bago ilagay sa push cart.

Nandito kami sa grocery store dahil nagpasama ako kay Leila at Isabelle para mamili. Napag-isipan kong sabay-sabay kaming kumain ng gabihan sa floor ko. Para na rin masabi ko sa kanila ang napag-usapan namin ni Hades kagabi. 

"Sy! Huy! Kanina ka pa nakatulala sa mga prutas na yan. Sige ka, mabubulok mga yan!" asar sa akin ni Phoenix. 

Tuluyan nga talaga akong nadala ng aking iniisip. Hindi ko namalayan na nandito na pala si Nix. Wala naman gagawin 'tong lalaking 'to dito kundi magtuturo-turo ng mga pagkain na gusto niya. 

May tagabuhat kami ngayon ah...

"Sydney, kukuha rin ba kami ng pang-spaghetti?" tanong ulit sa akin ni Leila. Tumango na lang ako sa kaniya.

Sa totoo lang, parang silang dalawa lang ni Isabelle ang namili ngayon. Ako naman, sumusunod-sunod lang sa kanila tapos sasagot lang sa mga tanong ni Leila. 

"Shit!" 

'Yan nalang ang salitang lumabas sa aking bibig nang sumakit ang aking ulo, para itong pinipiga. Nanlabo ang aking paningin, dahilan na rin ng aking pagkawala ng balanse. Buti nalang, nasa tabi ko si Phoenix kaya nahawakan niya ako sa magkabilang braso.

127. 127 mortals. 73 men, 54 women. 

"Okay ka lang ba? Gusto mo bang samahan kita sa hospital?" 

Lumambot ang boses ni Phoenix, halatang nag-aalala sa akin. Pumikit ako ng matagal para maka-ipon ng lakas tyaka ako umaayos ng tayo. Tinignan ko naman siya at sinabing ayos lang ako. Narinig ko namang tinatawag siya ni Leila, ngunit nakatingin pa rin siya sa akin. 

"Promise, kaya ko sarili ko" itinaas ko pa ang aking isang kamay. Ilang segundo pa siyang nakatayo sa aking harapan, iniisip kung tama bang iwanan niya akong mag-isa. Ngunit nang mapansin niyang hindi ako papayag na bantayan niya lang ako magdamag, umalis na rin siya. Lumingon pa siya sa akin bago tuluyang naglakad papunta sa kinaroroonan nila Leila.

Marunong din palang mag-alala ang isang anak ng God of War.

Mas madami ang mga taong pumasok sa Underworld ngayon kaysa kahapon. Patuloy na lumalala ang sitwasyon sa mortal realms, kailangan na naming kumilos.

Nakita ko sila Isa at Leila na naglalakad papunta sa cashier. Hindi ko na pinansin kung gaano karami ang kanilang pinamili. Iniabot ko nalang sa babaeng nasa cashier ang aking key card para bayaran ang mga groceries. Tutulungan ko na sana si Phoenix na magbuhat ng mga napamili nang masama niya akong tinitigan. Hinayaan ko nalang siyang buhatin ang lahat ng mga pinamili namin. Hindi naman siya nagreklamo kahit na halatang nahihirapan na siya sa pagbubuhat.


Napadaan kami sa isang cake shop. 

"Sydney! cake!" nakangiting sigaw ni Phoenix. Tumango naman ako sakaniya para ipaalam na bumili kami ng cake. Thank you gift ko na rin para sa kaniya kasi tinulungan niya ako kanina at hindi niya sinasabi sa mga iba naming kasama ang nangyari sa akin. Ayokong mag-alala sila sa akin.

"Mas masarap yung chocolate cake."

"Eh! Napakatamis kaya ng chocolate cake. Braso de mercedes gusto ko." 

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon