II: The Mist

423 27 0
                                    

Idris' POV

Nagising ako nang makarinig ng boses na parang may kinakausap.

"Two orders po ng eight pieces chicken bucket at dalawa rin pong bff fries" sabi nung lalaking nasa driver's seat ng kotse.

Kotse...

Gago! Bakit ako nasa kotse!? Talagang dinukot na nila ako!? Sabi ko na nga ba, iba ang kutob ko sa mga 'to e. 

Pero bakit kasi ako nakipag-usap sa kanila. Diba bilin sa akin ni kuya na, "Don't talk to strangers"?! Baka hanapin niya ako sa bahay o baka isipin niyang nagtanan ako! Erase the last part, hindi naman pala niya iisipin yon kase wala naman akong manliligaw.

Nagpapanic na ako sa kaloob-looban ko. Hindi ko ito pinapahalata sa mga kasama ko kasi baka bigla nila ako tutukan ng mga espada nila. Bigla nila akong patayin! Lord, hindi pa po ako handa. Wala pa po akong first kiss! 

"Lima rin pong coke Mcfloat. Tyaka lima rin pong Mango pie. And can I have extra tissues please? Padamihan po. Thank you so much!" dagdag naman nung isang babaeng nakaupo sa passenger's seat.

Yung dalawang nasa harapan nalang ang hindi ko alam ang mga pangalan. Pero kahit alam ko na ang mga pangalan nila Phoenix at Leila, kidnapping pa rin ang tawag dito. 

Kidnapping nga ba? E parang napaka-kalmado ng mga kasama ko dito sa kotse. Nakuha pang bumili ng pagkain.

Umupo ako nang maayos at tinignan ang kabuuan sa loob ng kotse. Pinapagitnaan ako nina Phoenix at Leila. Si Phoenix ang nasa kanan ko habang si Leila naman ang nasa kaliwa. Siguro pinili nila dito sa tabi ko para pagnagising ako, may makausap ako. O kaya naman, silang dalawa ang katabi ko kasi sila ang mananakot sa akin kapag nagtangka akong buksan ang pintuan at biglang tumalon. 

Mula sa bintana, tumingin ako sa labas. Hindi ko alam ang eksaktong lugar kung nasaan kami pero ang nakikita ko lang ay nasa drive-thru kami ng Mcdonalds. Siguro ay hindi pa kami nakakalayo masyado mula sa siyudad. 

"Oh, gising ka na pala" sambit sa akin ni Leila. Lumingon naman sa gawi namin ang dalawang naka-upo sa harapan. 

Isa... Dalawa... Tatlo...

"Ilabas niyo ako dito, ibaba niyo ako. Mga kidnappers kayo, anong ginawa niyo sa akin kanina ha?! Pinainom niyo ako ng pampatulog noh!? Pinasinghot niyo ba ako ng drugs?!" sunod-sunod kong sigaw tyaka ko inumpisahang abutin ang door lock na nasa tabi ni Phoenix. Pinipigilan naman niya ako na mahawakan ito.

"Kung gusto niyo ng pera, wala akong pera! Mahirap lang kami. I-uwi niyo na ako kay Kuya. Gusto ko na umuwi" tuloy-tuloy kong pagmamakaawa. Hinayaan kong makawala mula sa aking mga mata ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinahampas ko na rin si Phoenix sa kaniyang braso para hayaan akong mabuksan ang door lock. 

Maya-maya pa ay humarap sa akin si Phoenix. Hinawakan niya ako sa aking magkabilang braso, pagtapos ay isinandal niya ako sa upuan. Nagkatitigan kami ng ilang minuto tyaka niya ako binitawan. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad at nagpatuloy sa pag-iyak. 

Alam ko namang nakatingin sila sa akin kasi nararamdaman ko 'yon. Walang umimik ni isa sa kanila. 

Wala na, tuluyan nang nawala ang katiting na pag-asang nasa akin. 

"Bago ang lahat, hindi ka namin pinainom ng kung anong likido o pinasinghot ng drugs. Yung nangyari sayo, si Sydney may pakana non" narinig kong saad ni Leila na nasa tabi ko. Ang tinutukoy niya ang yung babaeng naka-upo sa passenger's seat. 

Nanatiling nakatakip ang aking mga palad sa aking mukha. Wala akong planong tanggalin ito. 

"At hindi pangingidnap tawag dito. May nakita ka na bang mga kidnapper na dumaan pa sa drive-thru ha? Wala diba? So ang tawag dito, road trip to HD!" sabay silang napatawa ng malakas ni Phoenix. Nag-apir pa sila sa harapan ko.

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon