XVIII: Three Four

152 9 0
                                    

Idris' POV

"Let's go, the caravan is already activated." Anunsiyo ni Nathan.

Agad kaming sumunod kay Nathan na nauna nang pumasok, habang hinihintay ko na makasunod sina Pierce at Isabella na kabababa lang ng barko. Halatang kagigising lang ni Pierce dahil parang pugad ang kaniyang buhok. 

Sa totoo niyan, kanina pa kami nakarating dito sa Indayana, kung saan namin iniwan ang caravan. Iniutos ni Nathan na huwag na munang gisingin si Pierce at Isabelle dahil halatang pagod sila, mas lalo na si Pierce na nagpakatatag kanina. He literally foight the sirens alone, habang kami ay nagpapaapekto sa impluwensiya nila. Hinayaan lang namin silang matulog, at ginamit ang oras para makapagsaya sa dagat. 

"To HD." 


"Idris, about what happened. Hindi ko naman sinasadya na sabihin mo 'yon. Promise, hindi ako 'yon." Itinaas pa ni Leila ang kaniyang kanang kamay. Nagtinginan lang kami at saka tumawa. 

"Weh, di nga?" Itinaas ko ang isa kong kilay, dahilan para mag-pout siya. 

"Joke lang! Oo naman, alam ko na hindi mo talaga gustong sabihin mga 'yon. We were all under the influence of the sirens." Nginitian ko si Leila at saka yumakayap sa kaniya.

May ganon pa lang mga sirena, mga bruha! Ang kalat-kalat nga nung loob ng barko nang matauhan ako. Akala mo, binagyo at may mga basag dito, sigaw doon, at iba-ibang ganap. Napakagulo, jusmiyo! Si Phoenix at Nathan, akala mo mga batang nag-aagawan ng barya sa sahig tapos si Sydney naman, parang na-divorce sa kakabasag ng mga plato't baso sa kusina. Buti na lang ay natauhan din kami, kung hindi, baka mas malala pa ang aabutin ng isa't isa.

Pero totoo ang sinabi ni Leila, hindi naman kami ang mga 'yon. Sadyang nakaapekto talaga ng husto ang mga sinasabi sa amin ng mga sirens, mas lalo na't ang mga sinasabi nila ay ang mga ayaw naming marinig.


"We have to get Laurel's room card at the front desk, Nia will lend us that." Saad ni Leila.

"The four of you, Sydney, Phoenix, Nathan and Isabelle." Isa-isa silang tinignan ni Pierce.

"Dumeretso na kayo sa mortal realms, hanapin niyo kung sino ang source ng Aconite. I will be able to easily track your location, marami namang natural water doon. Then Idris, Leila and I will head to Olympus." 

"Noted. We'll drop you at HD." Saad naman ni Nathan.


Isa ako sa mga tutungo sa Olympus para humingi ng antidote kay Zeus. Ibig sabihin nun, makakikita pa ako ng mga gods and goddesses, diba? Kasi sa Olympus sila halos lahat naninirahan, doon ang safe place para sa kanila. Si Hecate nga at Artemis, halos mahulog na ang panga ko sa kanilang dalawa, paano pa kaya kung yung mga iba pa ang makikita ko.

Napadaan sa isipan ko ang olympian parent ko, na hanggang ngayon ay wala pa rin paramdam. 

Ayan ha? Pupunta na ako sa Olympus kung saan ka nakatira, kung totoo ka man. Ako pa mag-a-adjust para sayo, masyado ka kasing pakipot. Nako! Kung hindi pa kita makilala pagdating ko sa Olympus, ewan ko nalang talaga. Nakakainis ka!

Inanyayahan naman kami ni Isabelle na maupo sa hapagkainan. Pasado 10 pm na pero ngayon lang kami kakain ng gabihan. 

Tumunog naman ang sikmura ko. Pasensiya na kung ngayon lang kita napansin, hayaan mo, kakain na tayo. 

May nakahain na sinigang na hipon, ginataang gulay at kanin. Kaniya-kaniya namang nag-prepare ng cup noodles ang iba sa amin. 

Agad naman nang nagsikuhaan ng sari-sariling pagkain ang mga nasa hapag, at siyempre, kumuha na rin ako. Hindi na ako nagsalita pa nang mag-umpisa akong kumain dahil nagwawala na ang sikmura ko.

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon