XXV: Frisbee

120 5 0
                                    

Idris' POV

Father Zeus, nakikinig ka po ba? Magpapaalam po sana ako para upakan itong kasamahan mo.

Aba! Nananadya talaga itong lalaking 'to! Kasasabi na nga lang ni Pierce kanina na kailangan na naming umalis dahil hindi namin hawak ang oras. Pasalamat nga siya gutom kami, este sumang-ayon kami sa imbitasyon niya para samahan siyang kumain ng tanghalian. Sabagay, kailangan din kasi naming kumain, mukhang malayo-layo pa yung lalakbayin namin. Pero ang maglaro ng frisbee?! Punyeta!? Hindi naman ako nasabihan na children's party pala itong dinaluhan namin.

"Hey, daughter of Zeus. Stop electrifying me with your eyes." Oo, kung pwede lang na kuryentehin ka, kinuryente na kita. Siniko ako ni Leila. Hindi ko rin napansin na nakatingin lang ako kay Aeolus matapos ng lahat ng pinagsasabi ko sa kaniya sa utak ko. Nahalata ata niyang kinamumuhian ko na siya. Inayos ko ang aking tingin at saka inilipat ang atensyon sa mga pagkain, nagkukunwaring sumasandok ng menudo.

"You all know how to play frisbee, am I right?" Iniabot sa kaniya ng isang dalaga ang isang bilog na kulay gintong bagay. Kung hindi ako nagkakamali, 'yan na ang frisbee na paglalaruan namin. Kung titignan ay may kalakihan ito, isang kalokohan naman kung 'yung mga leon na may pakpak a.k.a griffins ni Aeolus 'yung kalalaruin namin.

"You'll play with my griffins." 

Anak nang- 

Pinaglalaruan ata kami ng lalaking 'to! Nababasa ba niya lahat ng nasa isip ko tapos napagdesisyunan niyang lahat ng ayaw ko ay gagawin niya o di naman ay ipagagawa sa amin? Pwede ko ba siyang isumbong kay papa? Pa? Baka naman, 'yung pinagpapaalam ko kanina. Kaunti nalang talaga! Gusto ko na ring suntukin sa leeg itong lalaking kaharap namin.

"And then?" Tanong ni Pierce. Mukhang hindi naman siya kumokontra sa desisyon ni Aeolus. Talaga ba, Pierce? Hulaan ko, naiinis na rin siya pero hindi niya ipinapakita dahil baka may iba pang ipagawa sa amin si Aeolus o di kaya'y maisip niyang huwag kaming pakawalan.

"If the three of you win, you're all free to go, including Pegasus. But, if my griffins win, I'll have Pegasus for myself." Nakangiti niyang saad sa amin.

Natigil ako sa kinauupan ko nang marinig ko kay Aeolus ang 'catch' sa larong ito. No, no. I won't let Pegasus be the one on the line. He's the only thing that I have which reminds me of my father and my identity. Plus, the thought that I only had him for how many hours since Zeus gave it to me. Hindi naman ata makatarungan na hindi manlang kami binigyan ng pagkakataon kung ano ang kaya o gusto naming itaya para sa larong itong. This is unfair. Ang dami-daming pwedeng magsilbing taya namin, si Pegasus pa talaga? So, that's why he's keeping him in his stable, it was his plan all along. Was he that confident about this game? That his griffins will win even when the game haven't started yet? 

"No, this is unfair. Hindi pwedeng si Pegasus ang kapalit kapag natalo kami." Tumayo ako sa kinauupan ko, hindi na mapigilan ang bugso ng damdamin ko. Hinawakan naman ni Leila ang pulsohan ko para paupuin ako.

"Can you find anything that is worth like Pegasus? You see, I have a lot of griffins in my palace, I also want something new. And what is more worth it than a Pegasus, especially if it is from Zeus." 

"Pero bigay siya sa akin ni papa. Do you even have a child!? Ano mararamdaman mo kung kinuha sa kaniya ang kaisa-isang regalo mo sakaniya!?" 

"Learn to manage your voice!" Nagulat ako nang tumayo rin si Aeolus mula sa pagkakaupo niya, dahilan na rin ng pagkakalaglag ng mga kubyertos niya mula sa kaniyang plato. Mabilis naman na pinulot ng mga kasambahay niya ang mga ito. 

"Pa-pasensya na po." Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at hindi ko na rin napansin na sinisigawan ko na pala si Aeolus. Punyeta! Ano nalang ang iisipin niya? Na wala akong respeto sa mga deities na katulad niya. Shit! Malalagot pa ata ako nito kay papa.

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon