XIII: N's Caravan

169 8 0
                                    

Leila's POV

Nagtipon-tipon na kaming lahat dito sa isang cafe sa hotel. 6 am pa lang ng umaga ay nandito na ang iba. Dito ang lugar kung saan kami magkikita-kita. Kahapon, napagkasunduan naming sa isla muna ni Hecate kami unang tutungo. 

Habang hinihintay yung iba, kumain nalang muna ako ng French Butter Croissant at Blueberry Cheese Cake. Um-order naman ako ng Iced Caramel Macchiato para sa drinks ko.

Sakto namang o-order si Pierce nang dumating sila Phoenix at Isabelle. Agad namang sinundan ni Phoenix si Pierce nang makitang nasa counter ito at namimili ng breakfast. Napansin kong nagsalubong ang kilay ni Pierce, nagpapalibre na naman siguro itong anak ni Ares. 

Bumati naman muna sa akin si Isabelle bago maglakad papunta rin sa counter. 

Dumating na rin si Sydney, tanging si Idris na lang ang hinihintay namin. 

Naalala ko na naman ang nangyaring gulo kahapon sa pagitan naming magkakaibigan. Oo, naiintindihan ko si Sydney sa kaniyang desisyon, nalaman ko rin na sumang-ayon si Nathan dito. Pero, naiintidihan ko rin ang mararamdaman ni Idris kung sakaling maiwan siya. She has a brother there. Tama nga siya, na karamihan sa amin ay hindi siya naiintindihan kasi wala rin namang kapatid ang iba sa amin. 

I understood her immediately. I do also have siblings in the mortal realms and when I'm on Idris' shoes, I'll do the same. Pupunta ako sa mga kapatid ko kahit alam ko nang nanganganib ang buhay ko. 

Phoenix was also correct, sometimes, we can change what's written in the prophecy. Pero kung kamatayan na ang hahadlangan namin, 'yan ang laban na hindi namin kayang kalabanin. 

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-aalala kay Idris. Sa tuwing nalulungkot siya, naroon ako lagi, at kagabi, wala manlang akong nagawa para pagaanin ang loob niya. I could've been there but we're all too scared to talk to her.

The moment I knew that it felt so wrong that she'll be coming with us, I felt so scared and weak. Hindi ko kayang mawala si Idris sa akin, sa amin. She'd done a lot for us, probably enough, even though she's just new here. 

She's the sister I wished for, and knowing that she'll be gone, tears my heart into a thousand pieces. 

Paglipas ng ilang minuto ay dumating na rin siya, dala-dala ang kanyang napsack at ang kaniyang bow and arrow. Nagpakawala naman ako ng buntong hinga nang makita siyang papalapit sa amin. Nakatingin din sa kaniya ang iba kong kaibigan. Walang bakas ng gulat sa mga mukha namin, ngunit halatang nag-aalala sila para sa kaniya. 

Napansin ko namang namamaga pa ang kaniyang mga mata. Mukhang hindi lang pala ako ang nanatiling gising kagabi. Bukod sa hindi ako makatulog dahil sa pag-aalala kay Idris, isa rin sa nagpagising ng aking diwa ang malalakas na kidlat at patak ng ulan kagabi. 

Nung nalulungkot ako at kinailangan ko ng makikinig sa akin, naroroon siyang tahimik na nakikinig sa akin. Ngayong siya naman ang may mga salitang gustong sabihin, wala naman ako sa tabi niya para makinig. 

"Good morning. Gusto mo bang kumain?" 

Ako na ang unang bumati at nag-alok sa kaniya. Mukha namang takot ang iba kong kasama na kausapin siya, mas lalo na si Sydney at Nathan. 

"Ako na, may pera naman ako." 

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa tono ng kaniyang pananalita. Walang emosyon ang kaniyang pagsagot sa akin, katulad ng kaniyang mukha na walang expression na ipinapakita. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kausapin at makita ko siyang ganito. 

Hindi na niya ako pinasagot pa, hindi rin naman ako makasagot sa kaniya dahil sa gulat. Sinundan nalang namin siya ng tingin habang naglalakad siya patungo sa counter.

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon