X: Behind those sweet smiles

199 12 0
                                    

Idris' POV

Natagpuan ko ang aking sariling nakatayo sa isang kuwarto. Katulad din ito ng mga interior designs sa HD, mas malaki nga lang itong kinaroroonan ko ngayon. 

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwartong kinatatayuan ko. Tila napupuno ng liwanag ang kuwartong ito dahil puro puti ang kulay ng dingding at kisame. Ang mga furnitures ay monochrome lang din ang kulay, kung hindi gray, black naman. Sa may gitna nakalagay ang isang malaking kama, sa tabi naman nito ay isang malaking upuan. Sa likod ko naman ay ang pintuan na mas matangkad pa ata sa minotaur na nakalaban ko. 

AT BAKIT MAY PINTUAN DITO TAPOS SA AKIN, WALA?! ANG UNFAIR!

Kung sino man ang may ari nitong kuwarto na 'to, suwerte siya kasi may pintuan siya. Di tulad dun sa HD na magugulat ka nalang na may lilitaw na elevator sa floor mo tas may lalabas nang tao diba? Wala manlang katok o 'tao po, may tao po ba jan?'

"My little astrapí" 

Halos mapatalon ako nang marinig ko ulit ang baritoneng boses na sa panaginip ko lang naririnig. Simula noong sa HD na ako naninirahan, halos lagi ko na itong naririnig. Ngunit tulad ng una kong panaginip, hindi ko nakikita ang mukha ng lalaking kumakausap sa akin. 

Napatingin ako sa iba't ibang direksiyon. Sa kaliwa, kanan, at likod ko ngunit wala akong makitang tao o ni anino manlang. Agad akong kinabahan at nag-uumpisa nang bumilis ang tibok ng aking puso. 

"Sino ka? Nasaan ako?" sunod-sunod kong tanong habang patuloy na iniikot ang aking paningin sa aking paligid.

"Calm down Idris. I don't mean any harm" umalingawngaw sa kuwarto ang boses ng lalaki, dahilan na tumaas ang aking mga balahibo. 

Kapangyarihan. Kapangyarihan ang aking nararamdaman sa bawat salita niya. 

SA TINGIN BA NIYA KAKALMA AKO SA GANON-GANON LANG? 

Ano 'yon, iisipin ko kaagad na 'Hala Idris, wala naman pa lang gagawing masama yung tao sayo kaya wag ka na kabahan. Ngumiti ka na', ganon ba ha?!

PUCHA SINO HINDI MATATAKOT KAPAG HINDI MO NAKIKITA KINAKAUSAP MO. ANO BA SIYA, HANGIN?! ABO?!

Tumingin ako sa sulok ng kaniyang dingding, malapit lang doon sa kaniyang kama. 

OH, WALA NAMANG SPEAKER DITO AH?!

Buti sana kung mag-a-announce siya ng 'To all descendants, please proceed to the lobby now', pero hindi naman. Tapos wala pa siyang speaker dito sa kuwarto niya pero rinig na rinig ko yung boses niya. 

Simple lang naman ang tanong ko. Kung sino siya at kung nasaan ako. Hindi ba'y napakadali namang sagutin ng mga 'yon? Bakit ayaw pa niyang sagutin?

"I heard the news that you're planning to go to the mortal realms." 

B-bakit niya alam? Paano? Hindi kaya isa siyang spy? 

HOY! BAKA NAMAN SIYA YUNG SOURCE NG ACONITE TAPOS AKO YUNG SUSUNOD NIYANG BIKTIMA?! AYOKO MAGING GAGAMGIRL!!!

Huminga naman ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko hinahayaang mapansin niya na nanginginig na yung tuhod ko dahil sa takot. Ganitong ganito yung naramdaman ko noong unang training ko, pero ngayon, mas malala yung takot na nararamdaman ko. Una, hindi ko nakikita yung kinakausap ko. Pangalawa, hindi ko alam kung nasaan ako. At pangatlo, wala akong armas. 

Naalala ko rin yung sinabi sa akin ni kuya. Huwag ipahalatang takot ka sa isang tao o sa anong bagay kasi sa tuwing nakikita nila 'yun, mas magiging pursigido silang takutin ka. 

Ayan, tama 'yan Idris. Maging kalmado ka lang. 

"It's dangerous to go out there. You should have the courage before you face what's waiting for you, to all of you. And if ever you find out what's really happening there, will you have the guts to accept it?" 

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon