XIV: 3 hearts in 1

168 9 2
                                    

Leila's POV

Electrocuted... Electricity... 

"Lightning..." Pabulong kong saad sa aking sarili. 

"She's a daughter of-" Hindi na natapos ni Isabelle ang kaniyang sasabihin dahil tinignan ko siya ng matiim nang nakita kong papalapit si Phoenix sa lamesahan. 

There's only one deity who can control lightning and electricity. At hindi naman kami tanga ni Isabelle para hindi mag-assume na si Zeus ang biological father ni Idris. I remembered when the sound of lightning almost broke our eardrums the night Idris knew about the prophecy. Doon pa lang sana ay napansin na namin ngunit naisip kong coincidence lang ang lahat ng 'yon. If I knew more, and better, edi sana sa umpisa pa lang ay nalaman ko na kung sino ang deity ni Idris, para hindi na rin siya mag-isip na inabandona siya ng tunay niyang tatay o di kaya'y isipin niyang hindi siya karapat-dapat dito. 

Idris Raine... If only you knew how powerful you are.

"Oh? Para namang nakakita kayo ng multo jan? Alam kong gwapo ako pero huwag niyo naman akong titigan ng ganiyan. Pumapalakpak tenga ko!" Inayos pa ni Phoenix ang kaniyang buhok at kumindat sa amin. 

"Gross." Nandidiring saad ko. Inirapan lang siya ni Isabelle at saka nagtungo sa kaniyang higaan para magpahinga sapagkat mahaba pa ang aming byahe patungo sa isla ni Hecate.

Umupo naman sa tabi ko si Phoenix. 

"Hindi naman halatang pinagbagsakan ng langit at lupa si Idris, noh?" Kahit na mukhang pang-aasar ang paraan ng pagkasabi niya ay naramdaman ko ang bakas ng awa at lungkot kay Phoenix. He's also concerned for Idris. 

As someone who knew Phoenix for a long time, I can really assure that he has a soft heart. Mapang-asar man o halos araw-araw siyang tarantado sa paningin namin, when in time of crisis, he will always be there. 


"Tanginang-" 

"What the fuck was that?!" 

Napabalikwas ako sa inuupuan ko nang may malakas na tunog mula sa harapan ng sinasakyan namin. Nakita ko namang nakatayo na sina Idris at Isabelle, habang ang iba kong kasamahan ay halos nasa tabi ko na. Naramdaman ko naman na tumigil ang van.

Hindi kaya'y nakabangga kami? Pero nang tignan ko ang orasan, maghahating gabi na. It's 11 pm, imposible namang may lumalabas pa ng bahay ng ganitong oras? Unless there's someone from our domain... or something...

"No one's going out." Anunsiyo ko sa kanila.

Pero tulad nang inaasahan ko, isa-isa na silang bumaba. Sumunod na rin ako, suot ang iritado kong mukha. When will they listen to me? Akala ba nila hindi ako seryoso? I am the daughter of Athena for the gods' sake! Nakakainis!

"Ano yan?" Nanlalaki ang mata ni Idris nang makita niya ang halimaw na nasa gitna ng kalsada, ilang metro mula sa amin. 

That is not from the mortal realms. A two-headed creature with a lion's and goat's head, facing the opposite direction, and a snake's tail. A Chimera. 

"Be ready to fight. This thing ain't joking." Saad ni Nathan nang matalas kaming tinignan ng halimaw na bumangga sa sinasakyan namin. 

"Yuko!" Agad kaming sumunod sa sigaw ni Phoenix. Isang bola nang apoy ang muntikan nang dumampi sa ulo ko. 

Oh! I remember, this creature knows how to spit fire. Bakit ko ba nakalimutan 'yon! 

"Be careful, that's a Chimera. It spits fire from the lion's mouth. And don't go too close to its tail, its venomous!" Sigaw ko sa kanila sapagkat bahagyang naghihiwalay-hiwalay na kami para humanap ng sari-sarili naming pwesto. 

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon