III: HD

344 21 0
                                    

Idris' POV

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Pierce.

Pagkatanong ko pa lang sa kaniya ay agad na niyang hininto ang sasakyan. 

Nandito na ba kami? O bibili lang ulit sila ng pagkain?

"We're here" bulong sa akin ni Phoenix.

Binuksan na niya ang pintuan sa tabi niya. Ganon din ang ginawa ng iba at isa-isa na silang bumaba mula sa kotse. Ako ang pinakahuling bumaba. 

Nang makatapak ako sa lupa, agad kong inilibot ang aking paningin sa paligid ko. Hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin. Pinapalibutan ako ng matataas na puno. Kung tititigan ay halatang matatanda na ang mga ito. Lumingon naman ako sa maaaring pinanggalingan ng kotse. May nasisilayan akong bukana ng gubat ngunit malayo na ito mula sa kinatatayuan ko. 

Tinignan ko naman ang langit. Kitang-kita ang asul na kalangitan mula dito. Tumatama naman ang sinag ng araw sa akin kaya napapikit ako ng bahagya. Ginamit ko ang isa kong kamay para matakpan ang aking mukha. May mga ibon na lumilipad sa langit at nasilayan ko ulit ang Pegasus na nakita namin kanina.

Wala naman akong makitang kahina-hinalang bagay sa aking kapaligiran bukod sa nasa gitna kami ng gubat. Hindi na ako magugulat kung biglang may umakbay sa akin na unggoy o pumulupot sa akin na ahas. Pero sa dalawang sinabi ko, mas gugustuhin ko nalang na mangyari yung una.

"Gubat? Sa gitna talaga ng gubat? Anong gagawin natin dito? Mag-ca-camping ganon?" tanong ko sa kanila tyaka ako umikot.

Sa dinami-rami ng mga lugar, sa gubat pa talaga kung saan tagong-tago kami. 

Naalala ko yung sinabi ni Leila, yung "road trip to HD". Ito na ba yung HD na sinasabi niya? Gubat yung HD? Wala nga akong makitang maaaring pagtirhan dito. Kahit maliit na cottage man lang. 

"Alam mo, wala nang ibang nilabas yang bibig mo kundi pagrereklamo. Wala bang magandang salita na pwedeng lumabas jan? Gusto mo ba, ipalapa kita sa mga lobo dito?" pagbabanta sa akin ni Sydney, bakas sa kaniyang mukha ang inis. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tyaka siya tumalikod at dumeretso ng lakad papasok sa gubat.

Hindi ko napansin na may daanan pala dito na gawa sa kumikinang na bato. May mga ilaw ito sa gilid na kulay pula at dilaw. Wait, wala 'to kanina ah? Bigla nalang ba itong lumitaw? 

This day is really full of surprises. Baka mamaya mahimatay ako dahil sa mga surpresa na 'yan.

And speaking of Sydney, bakit ganun? Ang amo-amo ng mukha pero maldita. Para siyang tigre na nasa katawan ng kuneho. Hindi bagay sa mukha niya.

Nilagpasan naman ako ni Leila at Phoenix na sumunod na rin kay Sydney.

"Gubat lang ba talaga nakikita mo Idris? Look closely" saad sa akin ni Pierce. Iniharap niya ako sa gawi ng nilalakaran ng iba naming kasama.

Nagtaka ako sa tanong ni Pierce, kaya naman tinignan ko ng maayos ang gubat. Let me guess, there's this mist again?

Siningkit ko ang aking mga mata sa gawi ni Leila. Si Phoenix at Sydney ay hindi ko na makita. Teka, saan sila pumunta?!

Ilang minuto kong tinignan si Leila na nakatayo lang. Maya-maya pa... PUTANG- 

Totoo ba itong nakikita ko?! Kung pwede lang sabihin kay Pierce na kurutin ako, sasabihin ko e. Sino ba naman ako para sabihin sakaniya 'yon. Mamaya isipin niya na feeling close ako sa kaniya o kaya naman baka may gusto ako sa kaniya.

HOTEL OF DIVINITIES

"WAAAHHHH!!! May hotel sa gitna ng gubat?" nakangiti akong humarap kay Pierce. Napatalon-talon pa ako tapos hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. 

Descendants of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon