Chapter 4

1.1K 41 0
                                    

Theo POV

"Bro," bati sakin ni Zach at saka kami nag fist bomb.

"Give me some wine bro." Unsad ko rito. at saka naman Ito kumuha at ibinigay sakin.

"kamusta bro, anong desisyon mo sa kasal mo?" tanong nito sakin. uminom muna ako bago sinagot ang tanong ni Zach.

"Wala pa akong desisyon, Bro."

"Si Lolo naman kamusta na?."

"Ayon, ilang araw na nasa hospital si Lolo at pinipilit parin niya akong magpakasal."

"Paano yan bro, magpapakasal kaba?" seryosong tanong nito sakin.

"Kung para sa Lolo ko bro, gagawin ko." hinaplos naman ni Zach ang likod ko.

"Okay lang yan Bro malay mo maganda diba edi jackpot ka."

"Fuck you HAHAHA." natawa nalang ako sa sinabi ni Zach.

"Zach nasaan na si Andrew?" tanong ko sakanya. si Andrew ay isa rin sa kaibigan namin.

"Ayun oh." sabay turo ni Zach kay Andrew na may kahalikan sa gilid.

"WTF, HAHAHA bago nanaman bayan?" kahit kailan talaga si Andrew ang Playboy samin. basta ako isang babae lang mahal ko at yun ay si Agatha.

"Wow ang ganda." napatingin naman ako Kay Zach.

"Bro anong sinasabi mo diyan?" pagtataka kong tanong rito.

"Bro, tingnan mo yung babaeng yun." tumingin naman ako sa lugar kong saan nakatingin si Zach. I was shocked when I see the Girl na 3 times ko ng nakikita.

"Siya nanaman." inis kong sabi.

"Hoy, Theo kilala mo yan?" parang batang ngiting-ngiti na tanong ni Zach.

"Oo yang bayolenteng babae nayan. paanong di ko makakalimutan yan tatlong beses niya kaya ginulo ang araw ko."

"Talaga Bro, ang ganda niya, swerte mo." siraulo talaga. sinong swerte malas kamo. bumalik nalang ako sa pag-inom.

Ella POV

Nandito kami ngayon sa Bar napaka-ingay pala. First time ko kaya makapunta dito, hindi Sana ako sasama kay Patrice dahil walang kasama si papa sa bahay kaya lang ipinagpaalam ba naman ako kay papa. si papa naman pumayag.

"Bes, uwi na tayo. di ko na keri napaka ingay." ika ko rito kay Patrice.

"Ang nega mo bes chill kalang, ang daming pogi diba." kinikilig na sabi nito sakin. binatukan ko nga. "Ouch naman."

"Sira ka talaga, ano namang gagawin ko sa pogi kong wala namang pangarap sa buhay."

"Ewan ko sayo diyan, ang nega mo." nagulat ako ng may biglang umakbay sakin.

"Hi miss." nakangiting unsad nito sakin.

"He-hello." balik kong ani sakaniya at saka dahan-dahang inalis ang pagkakaakbay niya sakin.

"Hi I'm Patrice." pagpapakilala ni Patrice. pero hindi nito pinansin si Patrice. gwapo, matangkad ito at chinito pero feel ko manyakis. Judgemental na kung Judgemental iba kasi ang tingin niya sakin

"Miss, let's go outside." nabigla ako ng hawakan niya ako sa legs ko kaya napatayo ako at agad na pinalo ang bag ko sa manyakis na lalaking kaharap ko.

"Manyakis kang bwesit ka." sigaw ko, at saka pinaghahampas Ito.

"Stop, I said Stop." natumba ako at napaupo ng itulak ako ng malakas nung manyakis na lalaki.

"Bes, okay kalang."

"Manyakis kang lalaki ka."

"Inaano ba kita Miss?" napaluha ako ng kaunti ng hawakan niya ng mahigpit ang braso ko.

"Bitawan mo ang kaibigan ko." sigaw ni Patrice.

"Bitawan mo akong manyakis ka." inis kong ani rito.

"You hit me so you need to pay." parang baliw na tumawa Ito ng nakakaloko.

"Sir, please bitawan mo ang kaibigan ko."

"Wag kang mangialam."

"Patrice." Bwesit talaga tong lalaking to. pati babae pinapatulan. tiningnan ko si Patrice na nakaupo dahil sa malakas na pagtulak nitong manyakis na to sakanya.

"Bitawan mo sabi ako, ano ba." nagulat ako ng biglang may sumuntok sa lalaking manyakis. at laking gulat ko ng makita si kumag.

"What the hell are you doing?"

"Bro, babae yan sinasaktan mo." napanganga ako sa sinabi niya. may humila sakin palayo ng magsimula ng mag-away si kumag at yung lalaki.

"Sino ka Naman?" tanong ko.

"Don't worry Miss, He's my friend, manuod ka lang." nakangiting sabi nito. shems ang gwapo niya, nakakainlab. ano ba pinagsasabi ko bwesit.

"Anong manuod nakikita mong nagkakagulo na oh." lumapit ulit ako at saka pinigilan yung dalawa.

"Hoy tumigil na kayo." pinigilan ko sila pero patuloy parin silang nagsuntukan sa harapan ko. natigil lang sila ng may wang-wang kaming narinig.

"Bes, tara na sigaw ni Patrice." pero nagstay lang ako dahil nakokonsensya ako sa nangyari. nakita kong may sugat sa labi ng kaunti si kumag kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinila palabas.

nang makalabas kami ay hinanap ko si Patrice pero wala siya. ang daming taong nagkakagulo dahil sa wang-wang ng pulis.

"Bakit mo ako hinila?" napatingin naman ako sa likod ko. at nakita ko si kumag.

"Ah kasi may pulis, baka mahuli ka pa ako pa sisihin mo." tumawa naman siya ng napakalakas.

"Anong pulis HAHAHA."

"di ba may wang-wang edi may pulis."

"walang pulis noh, si Zach ang nagpatunog nun para matigil ang away." natulala naman ako sinabi niya. ibigsabihin walang pulis Aishh.

"kung wala edi masaya." sabi ko at saka naglakad paalis. kaya lang mukhang wala akong masasakyan dahil 12:00 AM na.

kinabahan ako bigla ng makita sa gilid ko yung manyakis kaya dahan-dahan akong naglakad. kaya lang napasigaw ako ng may humila saakin.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon