Chapter 39

949 24 0
                                    

"Yes, We are hereeeeeee!!!!" Tiningnan ko siya habang masayang-masaya dahil nakarating na kami sa Palawan. lumapit ako sakanya at inakbayan siya.

"Excited ka na ba na libutin ang bayan?" nakangiting sambit ko sakanya. tumango ito at ngumiti.

"Oo naman."

"Edi tara na, pumunta muna tayo sa bahay kung saan tayo magstay."

"Sige." sagot niya at saka kami naghanap ng taxi.

"Theo, malayo ba yung bahay na sinasabi mo?" tanong nito sakin.

"Nope, basta chill kalang diyan malapit na tayo." wika ko at ngumiti sakanya.

nang makarating kami sa vacation house namin ay mas naging maligalig si Ella.

"Wow, bahay niyo to? ang ganda naman simple lang pero ang ganda."

"Ito yung tinitirahan namin tuwing nagbabakasyon kami dito sa Palawan." lumapit naman siya sakin.

"Edi napamahal ka rin pala sa bahay nato?"

"Oo, pero marami rin kasing bad memories ang meron sa bahay nato." huminto ako sa pagsasalita, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakanya ang nangyari sa mga magulang ko sa bahay nato.

"Theo are you okay?" tanong niya sakin.

"Ah oo, okay lang ako tara kumain na tayo." Unsad ko at saka pumunta sa kusina. Ayoko na talagang bumalik sa bahay na to, matagal ko ng iniwasan na mapunta dito pero dahil kay Lolo at kay Ella napabalik ako rito. ayoko naman kasing tanggihan ang alok ni Lolo at gusto ko rin naman na makasama si Ella dahil sa lahat ng nangyari samin ito lang ang oras para makasama ko siya.

"Ito lang ang nakita kong pagkain rito." wika nito at pinakita ang dalawang noodles.

"Gusto mo bayan? kung ayaw mo niyan magoorder nalang ako." nilabas ko ang phone ko at magdidial na sana.

"Hindi wag na, after nalang  natin kumain ay lumabas tayo para mamimili." masayang wika nito.

"Sure ka ba? Di kaba napagod sa biyahe?"

"Oo at saka haler ilang araw lang tayo dito, gusto ko namang sulitin yun." nakangiting wika nito at saka niluto na ang noodles.

After niyang matapos ang paglalagay ng noodles sa mangko ay agad siyang umupo sa harapan ko.

"Oh kain na aalis pa tayo." wika nito.

"Alis na alis ah Ella." pang-aasar ko.

"Gusto ko na kasi gumala HAHAHA kaya sige na kumain kana." hindi na ulit ako nagsalita at kumain nalang.

Habang kumakain kami ay biglang may tumawag sa phone niya.

"Hmm.. bakit kaya napatawag si Patrice, wait lang ah." tumango naman ako at saka hinayaan siyang kausapin si Patrice.

nang makabalik siya ay nakita kong medyo malungkot siya.

"Oh bakit?" pagtataka kong tanong.

"Si Doctor Alvin kasi, babalik na sa Switzerland." sabi nito.

"Bakit? daw?"

"For good daw, doon na ata talaga siya magwowork as Doctor eh, yun ang sabi ni Patrice." wika nito.

"Are you okay?" maikling tanong ko.

"Medyo, sorry Theo, naging malapit din kasi sakin si Alvin eh naging kaibigan ko at alam mo namang napakabuti niyang tao." tumayo ako at lumipat sa tabi niya, hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

"No it's okay Ella, alam kong mabuting tao talaga si Alvin at alam kong naging mabuti siya sayo, pero Ella desisyon niyang umalis para sa ikakabuti niya." wika ko. ngumiti ito sakin.

"Oo, masaya na ako dahil kahit papaano nakilala ko si Alvin, sige na kumain na tayo." unsad nito at nagpatuloy sa pagkain.

Ella POV

"Theo bilis." unsad ko kay Theo, paano ba naman napakabagal maglakad, papunta kami ngayon sa tinatawag na changge basta kagaya ng divesoria na may mga stall ng Iba't-ibang paninda like accessories, souvenir.

"Di kaba napapagod umikot dito Ella?" tanong nito sakin habang hinahabol ang hininga.

"Ang OA mo naman, unti pa nga lang ito eh, hindi pa buong palawan ang pinuntahan natin." lumapit ako sa may Souvenir stall at saka namili, ang daming pwedeng iregalo galing sa Palawan ang gaganda ng mga souvenir nila. napatingin ako sa isang bracelet gawa sa kahoy na may palamuti na bulaklak.

"Wow, magkano po ito ate?" tanong ko sa bantay.

"50 pesos each ma'am tinatawag yang Love bracelet."

"Talaga po, Theo tingnan mo ang ganda diba." masayang sambit ko at saka ipinakita sakanya ang bracelet.

"Bracelet lang naman yan anong kinaganda niyan pfft." wika nito, Aishh ito nanaman ang kasungitan nitong lalaking to.

"Aishh, ewan ko sayo kahit bracelet lang ito. Gawa paren ng mga tao sa Palawan ang isang to, lahat ng souvenir nila rito alam kong pinaghirapan, kaya kung ayaw mo edi wag." inis kong sabi.

"Joke lang naman ito di na mabiro, Miss magkano ito?" tanong nito sa tindera.

"50 pesos sir." nakangiting sagot naman ng babae.

"1 pair of this Bracelet." agad naman akong napangiti sa ginawa ni Theo.

"Thank you Ma'am, Sir." nang makabayad si Theo ay agad kaming umalis sa stall.

"Ayan, meron na tayong couple Bracelet." napangiti naman ako sakanya.

"Thank you Theo." sabi ko at agad na yumakap sakanya, niyakap din naman niya ako pabalik.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. ang saya lang dahil sa buong araw na ito si Theo at ako ang magkasama para ngang ayaw ko ng matapos ang araw na ito eh.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon