Chapter 24

875 28 0
                                    

Theo POV

"Theo kamusta ang pagbabalik sa trabaho?." tanong sakin ni Lolo.

"Okay lang po Lolo nagaadjust pa, kasi unti lang ang nalaman ko nung una akong nagwork sa company." pagpapaliwanag ko at ngumiti.

"Good, eh kayo ni Ella kamusta kayo?" bigla naman akong tumingin kay Ella na patuloy na kumakain.

"May problema ba kayo ng anak ko?" tanong ni Papa.

"wala po, Papa medyo napagod lang po siguro si Ella."

"Ah ganun ba sige." napatingin kami nila Lolo at Papa ng tumayo si Ella.

" Lolo, Papa magpapahinga na po ako." ika nito at naglakad paalis.

"Lolo,Papa ako rin po." tumayo ako at sinundan si Ella.

"Ella ano bang problema mo?" tanong ko sakanya.

"wala, napagod lang siguro ako." pagkatapos niyang sabihin yun ay humiga na siya sa kama, habang ako nagtataka sa ikinikilos niya. biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng Pants ko.

Agatha Calling...

hindi ko muna ito sinagot at saka lumapit kay Ella.

"Ella tell me may nagawa ba akong mali?" tanong ko pero hindi parin niya ako hinaharap at nakatagilid parin ito.

"Ella please." hinawakan ko siya sa braso at naramdaman kong sobrang init niya.

"Ella." kinapa ko yung noo niya at naramadaman ko na sobrang init nito. bumaba ako at saka tinawag ang mga maids.

"Sir Theo bakit po?"

"Call a Doctor now." sigaw ko.

"Apo what happen?"

"inaapoy po ng lagnat si Ella Lolo."

"Ano?" sigaw ni Papa at saka tumakbo pataas, sinundan ko naman siya.

"Ella anak, ang init niya."

"tumawag na ba kayo ng Doctor?" tanong ni Lolo kay Secretary Ursua.

"Oo Don Carlos."

ano ba ang nangyayari kay Ella, kanina palang ay sobrang sigla niya.

"nandito na po si Doc." ika ng maids.
pumasok ang Doctor at tinignan si Ella. after niyang icheck si Ella humarap siya samin.

"sobrang napagod ang katawanan niya, ano ba ang ginawa niya buong araw?" tanong ni Doc.

"Nasa hospital siya buong araw Doc, kakabalik lang kasi niya sa hospital." paliwanag ko.

"kaya pala, matagal na pala siyang nagpahinga siguro nasobrahan siya sa trabaho kaya nagkasinat siya. ito yung mga vitamins na dapat  inumin niya at gamot pang pawala ng sinat niya." iniabot naman sakin ni Doc ang mga gamot.

"salamat Doc."

"Observe niyo nalang si Mrs. Greigo" ika nito at saka lumabas.

"Lolo,Papa ako na pong bahala kay Ella."

"Sige Theo, alagaan mo ang anak ko." tinapik lang ako sa balikat ni Papa at saka lumabas kasama si Lolo.

nagpakuha ako ng maliit na planggana at bimpo sa maids at saka pinahiran sa mukha sa braso at leeg si Ella. inalagaan ko siya buong magdamag, panay check rin ako sa temperature nito kung bumababa o hindi.

Ella POV

nagising ako ng bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. pagmulat ng aking mata ay bumungad agad si Theo na nakaupo at nakapatong ang ulo sa kama katabi ko.

"Theo." inalog-alog ko siya para magising.

"Ella." nabigla ako ng bigla niya akong yakapin.

"Theo." sambit ko.

"Ella, okay ka na ba? may masakit ba sayo." pag-aalala niyang tanong.

"okay lang Theo, salamat sa pag-aalala." nakangiti kong wika.

"anong gusto mo?"

"Nauuhaw lang ako." agad naman siyang nalagay sa baso ng tubig.

"Salamat Theo." binigay niya sakin ang mga gamot na dapat ko daw inumin.

"Ella, wag ka na kaya magtrabaho?" wika nito.

"Pero Theo hindi pwede."

"Ella, alam ko pero mahirap na, nakakapagod ang maging Nurse." hinawakan ko ang kamay niya.

"Oo nakakapagod pero ito ang tungkuling sinumpaan ko, gaano man kahirap kakayanin ko dahil gusto ko ito at gusto kong makatulong sa kapwa ko. pasensya na kung dahil sakin ay nag-alala kayo nila Papa at Lolo."napatingin naman kami sa pinto ng may kumatok, binuksan ito ni Theo.

"Anak." lumapit sakin si Papa at hinawakan ang dalawang balikat ko.

"Papa, Don't worry, maayos na po ang pakiramdam ko."

"sigurado ka ba, anak?" tumango naman ako sakanya.

"Papasok ka pa ba bukas Anak?" tanong nito.

"Opo Papa kailangan eh."

"Papa ako na pong bahala kay Ella bukas, hindi ko po siya papayagan kung sakaling may sinat parin po siya." unsad ni Theo kay Papa.

"Sige, Anak magpahinga kana ah, para bukas okay kana."

"Papa ikaw po ang magpahinga, alam ko pong pagod rin po kayo sa kompanya."

"Anak wag mong alalahanin si Papa, malakas na ako." niyakap ko naman ito.

"Alam ko po Papa kaya nga po mag-iingat ka." tugon ko. pagkatapos nun ay bumalik na si Papa sa kwarto niya, maaga pa kasi sila ni Lolo sa kompanya, si Papa kasi ay empleyado na sa Celestial kaya busy na siya, After wedding ay nagtrabaho na siya doon.

"Ella mahiga kana at magpahinga."

"Ikaw din Theo, humiga kana." ngumiti lang siya sakin at tumabi na sakin sa kama.

"Goodnight Ella."

"Goodnight Theo."

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon