Chapter 23

868 31 0
                                    

Ella POV

"magpahinga ka ng mabuti ah, para makalabas kana agad."

"opo Nurse Ella salamat po."

"Your welcome." medyo napagod ako sa araw na ito dahil sa  dami ng pasyente na sinugod dito.

napatingin naman ako sa phone ko at nakita ko ang message ni Theo.

Theo

Nasa labas na ako ng Hospital, off work muna ba?

"hala 7:00 pm na pala off work ko na." agad naman akong tumakbo para makapag-palit na ng uniform at makapagpaalam kay Doctor Lany.

"bes off work muna kanina pa ah." nakasalubong ko naman si Patrice.

"Oo nga eh, sige bye bukas nalang mwahhh." niyakap ko siya at saka tumakbo sa office ni Doctor Lany.

nagpaalam lang ako kay Doc na uuwi na at pagkatapos nun ay hinanap ko sa labas ang kotse ni Theo. nakita ko naman agad ito at lumapit.

"Sorry nagpaalam pa..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makita si Agatha na nasa tabi ni Theo.

"Hi Ella." nakangiting bati niya sakin.

"Hello Agatha." bati ko rin sakanya.

"Pasok kana." pagkasabi niya nun ay pumasok na ako sa kotse, nasa likod ako mag-isa lang, silang dalawa naman ay nasa harapan. si Theo ang nagmamaneho at habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa bintana.

"Theo nagugutom ulit ako pwede bang bilihan mo ako ng pagkain?" napatingin naman ako kay Agatha, grabe utusan ba niya si Theo.

"Sure." inihinto ni Theo ang kotse at nagpaalam na bibili may nadaanan kasi kaming Jollibee.

"ikaw Ella ano sayo?" tanong sakin ni Theo.

"ah, hindi na okay lang ako di naman ako gutom."  tugon ko.

"sigurado ka?" tumango lang ako sakanya at saka siya lumabas. naiwan kami ni Agatha sa loob ng kotse.

"Ella are you happy?" napatingin naman ako sakanya.

"anong sinasabi mo?" takang tanong ko.

"alam kong hindi ka masaya sa sitwasyon niyo ni Theo."

"Agatha."

"Ella, pwede ka namang sumuko na. ang kasal niyo ni Theo ay walang kwenta kung di niyo mahal ang isa't-isa mga ilang araw narin naman kayong magkasama at di na yun papakialaman ng media kung makikipag divorced ka." biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

"wala kang pakialaman Agatha sa desisyon ko sa buhay, hindi porket ex girlfriend ka ni Theo, dapat sundin ko ang pinapayo mo." inis kong wika.

"Ex Girlfriend nga ako pero ako parin ang mahal niya at hindi ikaw, wag mong pahirapan ang sarili mo Ella." hindi na ako nakasagot ng biglang pumasok si Theo.

"ang bilis mo naman ata Theo." wika ni Agatha.

"di naman kasi gaano kahaba ang pila." nakangiting wika nito at saka iniaabot ang pagkain kay Agatha.

"Oh." napatingin naman ako kay Theo ng may iniabot itong hamburger,fries and coke.

"sakin yan?" takang tanong ko.

"Oo, kunin muna at nangangawit nako." inaabot ko naman ito at tiningnan si Agatha. at nakita ko na ang sama ng tingin niya sakin, hinayaan ko nalang siya at kumain.

habang nasa byahe ay napaisip ako sa sinabi ni Agatha, tama siya walang kwenta talaga ang kasal namin ni Theo dahil pilit lang ito at walang pagmamahal, pero ngayon hindi ko na alam kong dapat ba akong makipagdivorced. sa sitwayon pa na to kung saan sa tingin ko ay nagugustuhan ko na si Theo.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon