Chapter 15

912 30 0
                                    

"anak handa ka na ba?" tanong ni papa sakin.

"Papa nandito na to eh." tugon ko sakanya at saka napaluha.

"anak, shh tahan na ang ganda ganda mo umiiyak ka diyan."

"Papa." niyakap ko nalang si papa ng sobrang higpit.

"tahan na anak, tara na inaantay ka na nila dun." ika ni papa sakin habang hinahaplos ang likod ko. napansin ko rin na may mga luhang pumatak sa mata ni papa.

Theo POV

nandito na kami sa loob ng chapel at lahat kami inaantay na ang pagdating ni Ella. maraming reporters ang nandito para subaybayan ang kasal namin, siguradong headline tong wedding namin ni Ella dahil ang Apo ng pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas ay ikakasal na.  alam kong makikita ni Agatha Ito, pero wala na akong magagawa hindi ko kayang kontrolin ang balita.

napatingin kaming lahat sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Ella kasama si papa. napatulala ako sa ganda ni Ella, may tinatago palang ganda ang katulad niyang napakabayolente. bagay na bagay sakanya ang suot niya, nang makalapit na siya ay agad kong inilapit ang braso ko sakanya. ngumiti ako kay papa at ganun rin ang ginawa niya. nakita ko ang mga kaibigan ko na si Zach at Andrew na nakatulala rin kay Ella, Yes, she's beautiful at hindi na ako mag di-disagree sa bagay nayun.

nagsimula na ang wedding ceremony, habang nagsasalita si Father ay nakikita ko sa peripheral vision ko si Ella na medyo kinakabahan na ewan.

"Ella and Theo.. today you not only marry the right person, you also commit to being the right partner, the one with whom the other can stand and face the world. It's finally time to seal this chapter with questions that will lead us into the next chapter." ika ni Father. at naghudyat na siya para sa wedding vows namin ni Ella.

"I love you Theo unconditionally and without any hesitation. I vow to love you and respect you as a lover." wika ni Ella na siyang unang nagsalita.

"I promise to be your ever faithful, honest and loving husband. I vow to hold your hand in my hand, to hold your head in my hands, and to hold your heart in mine." nakangiting wika ko. at saka hinawakan ang kamay ni Ella.

"For your ring exchange Theo, place the ring on Ella's finger and repeat after me." inilagay ko naman ang singsing sa daliri ni Ella.

"Ella I, give you this ring as a symbol of my love with the pledge, to love you today, tomorrow, always and forever." ni-rereapet ko lahat ng sinasabi ni Father at saka ngumiti, kahit arrange marriage lang to at para samin hindi totoo ay kailangan parin naming ipakita na masaya kaming dalawa.

sumunod naman na nagsalita si Ella.

"Theo I, give you this ring as a symbol of my love with the pledge, to love you today, tomorrow, always and forever."

"Now I pronounce you Husband and Wife." nagsipalakpakan naman ang mga tao at yung iba nga ay masayang-masaya pa.

Humarap kami sa lahat ng tao at reporters at saka ngumiti. inalalayan kong bumaba si Ella at saka naglakad palabas.

"Sobrang saya nila habang tayo hindi." rinig kong sabi ni Ella. ngumiti ako sakanya at bumulong.

"Wala nandito na tayo, ngayon ka pa ba magrereklamo eh kasal na tayo." inirapan lang niya ako.

"Mga Apo, Congratulations." masayang bati ni Lolo samin.

"Salamat po Lolo." nakangiting wika ni Ella.

"Bigyan niyo na ako ng Apo ah." napaubo naman si Ella sa sinabi ni Lolo, habang ako ay natatawa sa reaksyon niya.

"Sige po Lolo." bigla naman akong tiningnan ni Ella, kinindatan ko lang siya at sinabing, ihagis na ang bulaklak.

"Patrice, humanda kana HAHAHA."

"Oo bes ako ang makakakuha niyan." magkaibigan nga talaga tong dalawang to.

Inihagis na ni Ella ang bulaklak at aba't si Patrice nga ang nakakuha, pero muntikan na itong matumba mabuti at naalalayan siya ni Zach.

"ehem, bro baka si Patrice na ang makakasal sayo." pang-aasar ko kay Zack. Sinuntok naman niya ako ng mahina sa balikat at saka tumawa.

"umalis na nga kayong dalawa at saka gumawa ng Bata." tumawa naman silang lahat sa sinabi ni Zach.

"Siraulo." pumasok na kami sa kotse at saka umalis sa simbahan.

"Aishh natapos narin, sobrang init ng gown na to." reklamo ni Ella.

"Bagay nga sayo eh." sabi ko sakanya kaya bigla siyang napatingin sakin.

"ANO? bagay sayo kasi mukha kang white lady na ewan HAHAHA." pang-aasar ko sakanya. na ikinagalit niya kaya pinaghahampas ako sa braso.

"Joke lang tumigil ka na at baka maaksidente tayo." tumatawa kong sabi.

"Letche ka talagang kumag ka." sambit nito.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon