Chapter 17

875 31 0
                                    

"Ma'am Ella." napamulat naman ako ng marinig ang mga katok ng mga maids namin.

"Ma'am Ella handa na po ang breakfast." tumagilid ako at nagulat ng sobrang lawak pa pala ng espasyo sa kama. wala ba akong katabi dito sa kama kagabi.

Ang pagkakaalam ko kagabi after namin kumain ni Papa ay umakyat na ako para matulog pero hindi ko naman nakita si Theo dito sa kwarto.

"Nasaan kaya siya?" pagtataka kong tanong. biglang bumukas ang pinto ng kwarto at saka iniluwa si Theo.

"Theo."

"bakit ba ang tagal mo buksan ha." umagang-umaga napaka suplado.

"saan ka natulog kagabi?" tanong ko sakanya.

"sa kotse ko." tugon niya sa tanong ko after nun ay pumasok siya sa C.R nakakapagtaka lang bakit dun siya natulog. alam ko malikot ako matulog pero minsan lang naman yun.

bumaba nalang ako para kumain dahil mukhang matatagalan pa si kumag. naabutan ko si Lolo at papa na kumakain.

"Good morning Lolo, Papa." masiglang bati ko.

"Oh, ija Good morning kamusta ang gabi niyo ng apo ko.?"  nakangiting tanong ni Lolo.

"Ah masaya Lolo, malambot kama, mahimbing naman ang pagtulog ko." masayang sabi ko at saka umupo sa tabi ni papa.

"Kamusta si Theo? ayos ba?" bigla Naman nag Grin ako sa sinabi ni Lolo.

"Lolo natulog lang po kami." ika ko rito.

"Wala akong sinasabi apo." tugon niya at saka sila tumawa ni papa. walang nangyari kasi wala naman si Theo kagabi sa kwarto. Aishh, Ella so gusto mo may mangyari, umayos ka Ella Erase Erase

nagkwentuhan lang kami nila Lolo ng biglang dumating si Theo at tumabi sakin.

"Oh Apo mukhang napagod ka ah." Ito nanaman po tayo, si Lolo talaga.

"medyo lang po Lolo." habang kumakain ay nagkwe-kwentuhan kami nila Lolo napag-usapan namin ang pagpapatuloy na ni Theo sa kompanya. ika ni Lolo tapos na naman na ang kasal at saka nakapag umpisa na si Theo ay ituloy-tuloy na niya ang pagtra-trabaho. at saka ako magiging Nurse parin ako, sobrang saya ko nga eh dahil makakapasok ulit ako sa Hospital. excited a little bit nervous kasi syempre matagal din akong nawala sa hospital, para I prepare kami at maiwas sa reporters.

nang matapos kami sa pagkain ay dumiretso na kami sa kwarto.

"bukas na ang start ko sa hospital." ika ko.

"Goodluck." ang cold naman nitong kumag na to. bakit kaya?, pero sabagay ganyan naman talaga siya sakin.

Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito, nakita namin si Lolo na kasama si Papa.

"Oh bihis na bihis ka ata Apo, saan ka pupunta?" pagtatakang tanong ni Lolo.

"Diyan lang po Lolo." wika ni Theo.

"Isama mo si Ella ijo dahil alam kong boring na siya dito." totoo po yan Lolo. pilitin mo yang kumag nayan Lolo na isama ako.

"pero mukhang ayaw naman ni Ella Lolo."

"Sinong nagsabing ayaw ko gustong-gusto ko kaya, please sama mo ako." masigla kong sabi at saka hinawakan ang braso ni Theo.

"Sige." nang sabihin niya yun ay agad akong pumasok sa banyo at saka nagpalit.

"HAHAHA ikaw talagang bata ka." rinig ko pang sabi ni Papa.

White Shirt and Black Jeans ang suot ko ngayon with Fila shoes. Whaaaa I'm so excited sabi kasi sakin ni Theo sa Joy Wonderland kami pupunta at sa pagkakarinig ko maganda dun parang Enchanted Kingdom pero iba lang yung style at marami din siyang rides at games, kakaexcite.

pagdating namin sa Joy Wonderland ay namangha ako. sobrang lawak nito at pinalilibutan ng rides like Roller Coaster, Ferris Wheel at iba pa.

"Wow, sobrang ganda naman pala dito Theo." masayang sabi ko. ngayon lang ako ulit nakapunta dito kasi nga medyo busy ako at saka sayang entrance fee pang kain nalang namin ni Papa yun. at medyo malayo-layo rin kasi itong lugar na ito samin.

"Yow, Dude." napatingin ako sa likod at nakita ko si Zach, Andrew at isang napakagandang babae.

"Hii." nakangiting sabi ko sakanila.

"Oh, Ella kasama ka pala." nakangiting sabi ni Zach sakin.

"sumama talaga ako kasi nabobored na ako sa bahay."

"Hi Theo." napatingin naman ako dun sa babae na kasama nila Zach.

"magkakilala kayo?" tanong ko kay Theo.

"Di mo ba kilala si Agatha. Ella siya ang girlfriend ni Theo bago kayo ikasal." sambit ni Andrew na ikinatahimik ko.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon