Chapter 12

919 32 0
                                    

pagkatapos namin kumain ay nag-aya ako na pumunta sa Grocery para mamili ng magiging laman ng refrigerator namin. at himala dahil pumayag si kumag na mamili.

"hoy, bilisan mo nga bumaba diyan." ika ko sakanya.

"mauna ka na ipapark ko lang tong kotse." tugon naman nito.

"Sige, bahala ka." nauna na nga akong pumasok sa Grocery para mamili at inuna ko nga na bilhin ang mga ingredients sa pagluluto. ang mamahal  naman pala pag sa Grocery mamimili, kung sa palengke siguro bibilhin ang mga to sigurado mura lang.

"what's that?" napatingin naman ako sa likod ko ng makita si Theo.

"Ingredients para sa pagluluto." tumango naman siya. ibinigay ko sa kanya yung Cart at saka naunang naglakad.

"bakit mo iniwan sakin to?"

"para may matulong ka." pagtapos ko sa Seasoning Section napunta naman kami sa Vegetables Section.

"Hey wait wag mong sabihin bibili ka rin ng gulay."

"Correct, masarap kaya kumain ng gulay. pampalakas ng katawan." masayang sabi ko at itinaas ko pa ang dalawa kong braso.

"No, I don't like vegetables. hindi ako kumakain niyan." pagrereklamo nito sakin.

"Ano? hindi ka kumakain ng gulay?" tumango naman siya. kung di siya kumakain ng gulay eh bakit ang ganda ng katawan nito at mukhang healthy.

"Hoy sabi kong wag kana bumili niyan."

"manahimik ka nga diyan." inis kong sambit sakanya. kahit anong ayaw niya diyan, papakain ko siya ng gulay. puro gulay ang pinagkukuha ko. kaya lang napansin kong lahat ng gulay na pinagkukuha ko ay ibinabalik ni kumag.

"ANO BA YANG GINAGAWA MO?" sigaw ko rito, kaya pinagtinginan kami ng mga taong namimili rin sa Grocery.

"I told you I don't like vegetables." sagot naman nito sa sinabi ko. nagtitigan kaming dalawa ng masama. at hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naibato ko sakanya ang pack ng magic sarap at tumama naman Ito sa noo niya.

"What the fuck, are you crazy, bakit mo ginawa Yun." inis niyang tanong habang hawak-hawak ang noo niya.

"ikaw nga diyan ang baliw eh, pinagbabalik mo lahat ng kinukuha ko, kung gusto mo kumuha ka ng sarili mong cart at lahat ng gusto mo kunin mo." tugon ko rito at saka tinulak ang Cart ko paalis. nakakagigil siya.

After kong makabayad sa counter ay agad ko namang hinanap si kumag, nako baka iniwan na ako nun dito. ang sama ko ba. paano siya naman ang may kasalanan eh. lumabas nalang ako sa Grocery Store at saka dumiretso sa parking lot. hinanap ko ang kotse ni Theo and tenen nakita ko siyang nakapark sa dulo.

nagulat ako ng makita Ito sa gilid ng kotse na nakasandal.

"ano ginagawa mo?"

"inaantay ka, bakit ang tagal mo?" Ito nanaman po ang supladong kumag.

"mahaba pila sa counter eh, ikaw bakit nandito ka na agad ? diba mag Grogrocery ka ng SAYO." diniinan ko talaga yung sayo dahil naiirita ako sa lalaking to.

"I'm so tired, so shut up." wika nito at saka pumasok sa loob ng kotse.

anong problema nun, tired daw napagod saan? sa kakaasar sakin. ang weird niya talaga.

Theo POV

I'll buy some food sana sa Grocery, yung pagkain na hindi sana gulay kaya lang biglang tumawag si Agatha. at sinabi niyang hindi nanaman siya makakauwi ng Pilipinas, napapagod na ako gusto ko siyang umuwi sa Pilipinas para hindi matuloy ang kasal, pero ang tadhana ayaw umayon saming dalawa.

I love Agatha, at siya ang gusto kong pakasalan simula palang. Agatha is my childhood bestfriend and she is the only girl I want. She's kind, pretty or we can say Ideal girl for me we are 5 years in relationship pero secret on kumbaga kami, hindi alam ng Family niya at ng Lolo ko na kami dahil nga sa ayaw niya pang ipaalam ito. ilang beses ko na siyang niyaya na magpakilala kay Lolo pero ayaw niya, ni minsan nga hindi ko narinig sakanya na gusto niya na akong i-legal sa Family niya. Oo kilala ako nila tita at tito pero kilala nila ako as bestfriend ng anak nila.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon