Chapter 35

926 26 0
                                    

naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko, sa mga sinabi na Agatha napatunayan ko kung gaano niya kamahal si Theo, naaawa ako sakanya mas masakit pa pala ang nararamdaman niya kaysa sakin.

"Ella." tumalikod ako at tiningnan si Alvin.

"Wag kang mag-alala kay Agatha kilala ko ang kapatid ko alam kong makakaya niya ang lahat, makakamove on rin siya dahil babalik na siya sa Switzerland." nakangiting unsad ni Alvin sakin.

"Babalik, kailan?" takang tanong ko.

"Ngayon kaya nga siya nakipagusap sayo."

"Alam ba to ni Theo?"

"Oo, nagkausap na sila Ella kaya wag ka ng mag-alala ang gawin mo ngayon, mag-usap kayo ni Theo habang hindi pa huli ang lahat." tugon sakin ni Alvin. 

Mag-uusap kami. pero paano? hindi ko kayang harapin ngayon si Theo hindi ko pa kaya makausap siya.

"Bes are you okay?" bumalik naman ako sa katinuan ng kalabitin ako ni Patrice.

"Ah, oo naman okay lang ako hehe." pagsisinungaling ko, ayoko nang idamay si Patrice sa sitwasyon ko noh, buhay ko to at dapat ako ang umayos dito.

Theo POV

Nasa Airport ako ngayon kasama si Agatha, this is the last time na magkikita kami ni Agatha dahil babalik na siya sa Switzerland.

"Theo sabi ko sayo wag kana sumama eh!! naiiyak tuloy ako." tugon nito sakin. hinawakan ko siya braso.

"Agatha wag ka ng umiyak, nandito parin naman ako as your childhood friend dun naman tayo nagsimula diba bilang isang magkababata." nakangiting sambit ko rito at pinunasan ang tumulong luha sa mukha niya.

"Theo I want you to be happy, narealize ko kasing mas sasaya ka sakanya." ngumiti siya sakin at niyakap ako.

"But don't forget me kahit kaibigan na lang ako sayo." hinaplos ang likod niya.

"Agatha don't worry hindi kita makakalimutan you are my first love at ang babaeng minahal ako at tinanggap kung sino ako." bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at saka pinunasan ang luha niya.

"Tama na nga, ang drama na natin eh. sige I have to go, see you again Theo." sambit nito at naglakad papasok ng eroplano. kumaway siya sakin at ganun din ang ginawa ko.

masaya ako dahil bago manlang umalis si Agatha nakita ko ulit ang totoong siya, yung dating siya na minahal ko ng sobra. nagkausap  na kami ng maayos ni Agatha at ng Kuya niya na si Alvin humingi narin ako ng tawad sa ginawa ko at nagkaayos na kaming dalawa, ngayon magkikita kami para mag-isip kung anong gagawin para maayos ko naman ang problema sa pagitan namin ni Ella. malapit sa Hospital kami magkikita, kaya umalis na agad ako para byumahe. gagawin ko ang lahat para maayos lang problema namin ni Ella.

*Peep*Peep*

Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela ng may nag counter flow na isang kotse pero di ko namalayan na may malaking poste pala ang nalikuan ko.

"Sir, Sir ayos lang kayo diyan." shit nahihilo ako. hinawakan ko ang noo ko at nabigla ng makita ang kamay ko na may dugo.

"Sir ayos lang po kayo?" tanong ng isang lalaki sakin.

"Oo ayos lang ako." inalalayan niya ako palabas ng kotse ko, nakita ko ang kotse na nagcounter flow na nakabangga pa sa isang kotse, nakita ko ang duguang driver ng mga ito, mabuti nalang at naiwasan ko ang kotseng yun kundi ganyan din kalala ang mangyayari sakin.

"Sir dadalhin na po namin kayo sa Hospital para  magamot." tumango naman ako at saka pumasok sa ambulance. habang nasa byahe ay ginagamot na ng isang Nurse ang noo ko kaya nung dumating kami sa Hospital ay pinahiga nalang ako at chineck.

"Mr, Greigo tatawagan ko na ang Lolo niyo." sambit ng Nurse.

"No, Don't call him, Give me my phone." wika ko na agad namang sinunod ng Nurse, tinext ko si Alvin na pumunta sa Hospital kung nasaan ako. mga ilang minuto rin ay dumating na si Alvin kasama si Patrice.

"What happen Theo, are you okay?" pagtatakang tanong sakin ni Alvin.

"Don't worry I'm okay, kunting galos lang ito at di naman masyadong malala." sagot ko sakanya at ngumiti.

"Jusqq naman kala namin kung napaano kana." saad naman ni Patrice.

"Patrice nasaan si Ella? alam niya ba ang nangyari sakin?" tanong ko.

"Nasa Hospital, hindi niya pa alam dahil nung nagtext ka kay Alvin nasa Coffee Shop na kami kung saan dapat kayo magkikita."

"Ah ganun ba."

"Sigurado ka bang okay ka lang Theo."

"Oo, Patrice I'm Good thank you for your Concern." nakangiting wika ko.

"Kaya,  kayo ang una kong tinext dahil gusto ko na kayo makausap para matulungan niyo ako kay Ella." napansin ko naman na ngumiti si Patrice.

"Kahit muntikan ka ng mawala sa Earth si Ella parin ang bukang bibig mo, HAHAHA tama nga si Alvin you are also inlove."

"So, alam muna rin pala?"

"Yes, ipinaliwanag na sakin ni Alvin ang lahat."

"So, tutulungan mo rin ako?" ngumiti ito sakin at tumango.

"Ayoko narin makita na nahihirapan si Ella kaya gusto ko na magkaayos kayo for the sake of your Loveteam HAHAHA."

"Thank you Patrice and also to you Bro."

"No Problem Bro, gagawin ko ang lahat para kay Ella, wag mo lang ulit siyang sasaktan dahil kung hindi, di ko alam kung anong magagawa ko sayo."

"Hindi ko na siya sasaktan Bro I promise, but wait anong gagawin natin?" pagtatakang tanong ko. ilang minutong tumahimik kaming tatlo ng biglang ngumiti si Patrice.

"Alam ko na!!"

"Ano?" tanong naming sabay ni Alvin.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon