Chapter 18

863 26 0
                                    

Grabe ang ganda pala niya at yung mukha niya para bang model o artista sa Hollywood.

"Theo Gusto kong sumakay sa Carousel, let's go." sambit ni Agatha kay Theo at saka hinila si Theo papunta dun.

"Ella tara sumama ka samin." pag-yaya ni Zach sakin.

"ah sige kayo nalang, okay lang ako dito." wika ko at saka umupo sa may bench.

"sigurado ka ba?" tanong ni Zach. tumango lang ako.

"dito nalang din ako bro, samahan ko nalang si Ella." wika ni Andrew. akala ko pa naman magiging masaya tong pagpunta namin dito pero mas lalo pa ata akong nabored.

"Ang saya nilang dalawa oh." napatingin naman ako sa Carousel kung nasaan sila Theo.

"Oo nga." wika ko.

"Bagay na bagay talaga silang dalawa." di na ako sumagot kay Andrew, nakatingin lang ako kay Theo at Agatha na sobrang saya. bagay naman talaga sila.

"Andrew bibili lang ako ah." pagpapaalam ko rito, tumango naman ito. ano ba ang nangyayari sakin, bakit sumisikip ang dibdib ko. hindi ko napansin na may tao sa harapan ko kaya nabunggo ko ito.

"Hala pasensya po, pasensya na po." paghingi ko ng tawad habang paulit-ulit na yumuyuko.

"Ella, Ella Silvestre." napaangat ako ng marinig ang pangalan ko.

"Dr. Alvin." nakangiti kong sabi.

"Long time no see Nurse Ella." nakangiting sambit nito.

"Oo nga po Doctor Alvin, kailan ka po ba nakabalik?" tanong ko sakanya.

"nung nakaraang araw pa, nasa William Hospital na nga ako ngayon, hinanap nga kita eh pero sabi ni Patrice kasal kana."

"Oo Doctor Alvin HAHAHA, anyway bakit nandito ka?"

"ah yung pamangkin ko kasi nagpasama kaya sinamahan ko dito." bigla naman may lumapit na bata samin, ang cute niya medyo girl version nga siya ni Doctor Alvin.

"Nathalie, My friend Nurse Ella."

"Hi Nurse Ella, ate I am Nathlie." masiglang sabi niya.

"Hello Nathalie."

"ikaw bakit ka nandito?" tanong niya sakin.

"For Fun." biro ko sakanya.

"HAHAHA sabi ko nga, so saan ka pupunta?"

"kakain sana nagugutom na ako eh."

"Gusto mo bang sumama samin kumain Nurse Ella?" tanong ni Doctor Alvin.

"Sure, gutom narin naman ako eh." wika ko.

meron din dito sa loob ng Joy Wonderland ng isang mini stall ng mga pagkain, lumapit kami dun at saka nagorder si Alvin ng makakain kaya naiwan kami.

kung nagtataka kayo kung bakit kami close ni Doctor Alvin, simple lang ang sagot ko, kasi nga si Doctor Alvin ay friendly kaya nga siguro isa sa nakakahanga sakanya ang ganoong ugali.

"Ate Ella matagal ka na po bang Nurse?" tanong sakin ni Nathalie.

"Oo, bakit?"

"Gusto ko rin po kasi ang maging Nurse o kaya po Doctor kagaya ni tito." masiglang sabi nito sakin.

"maganda yan Nathalie alam mo bang ang tito mo ay isang napakagaling na Doctor." nahinto lang kami sa paguusap ni Nathalie ng dumating si Doctor Alvin.

"oh ano yang pinag-uusapan niyong dalawa?" nakangiting tanong nito saamin.

"Wala naman Doctor Alvin." nakangiting sambit ko sakanya.

"Sige kumain na tayo." unsad niya at saka inilapag ang pagkain at umupo sa tabi ni Nathalie. habang kumakain kami ay napag-usapan namin ang mga nangyari kay Doctor Alvin sa Switzerland, natatawa nga ako eh kasi may mga times na nakakatawa yung sinasabi ni Alvin.

"Talaga ba Doctor Alvin yun ang nangyari HAHAHA."

"Oo HAHAHA nakakatawa nga eh, anyway call me Alvin nalang pag nasa labas tayo." tumango naman ako, after namin kumain ay nag-rides kami nila Alvin at Nathalie. yung nararamdaman ko kaninang pag kaboring ay napalitan ng saya ng makita ko sila. lahat na ata ng games dito ay nasubukan na namin ngayon nga ay naglalaro si Alvin at ang prize ay isang malaking teddybear.

"Go Tito, Go Alvin." cheer namin kay Alvin. malapit na at matatamaan na niya yung target para sa malaking teddybear. last shot nalang niya ng Dart kaya lang hindi yung malaking teddybear ang nakuha niya, kundi yung 3 small teddybear.

"Aisshhh sayang." wika ko.

"Here's your prize Sir." wika nung nagbabantay sa game. kahit na di niya nakuha ang teddybear na malaki ay natuwa parin kami ni Nathalie Kasi meron kaming tag-iisang maliliit na teddybear.

"Salamat tito."

"Your welcome Nathalie."

"Ella." napatingin ako sa likod ng may biglang humatak sakin ng napakalakas.

"Theo." gulat kong sambit ng makita si Theo.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon