Chapter 37

920 28 0
                                    

Pauwi na kami ni Theo at nasa biyahe na kami ngayon. habang magkahawak ang mga kamay namin ni Theo ay masaya kaming nagkwekwentuhan, nagkapatawaran narin kami sa nangyari at nagkaunawaan, ganun naman dapat diba pag mahal mo ang isang tao dapat pakinggan mo siya wag mong hahayaan na mag-away kayo ng matagal dahil sa isang hindi pagkakaunawaan, ewan ko ba ngayon ko lang din narealize na mali rin ako sa ginawa ko sakanya at sobrang pinagsisihan ko ang mga nagawa ko kay Theo.

"We're here." sigaw ni Theo.

"Ma'am Ella narito na po kayo." masayang-masaya na tugon nang mga maids.

"Opo, namiss ko po kayo." ika ko at niyakap sila, namiss ko ang mansion at lahat ng nandito.

"Anak." napatingin naman ako sa tumawag sakin. at mas lumawak pa ang ngiti ko ng makita si Papa.

"Papa, namiss po kita." yumakap naman ako ng mahigpit dito.

"Namiss rin kita anak, okay kalang ba?"

"Oo naman Papa okay na okay po ako."

"Ija." nakita ko naman din si Lolo.

"Lolo, mano po." sobrang galak ang nararamdaman ko ngayon dahil narito na ulit ako sa bahay kasama ang mga taong mahal na mahal ko.

Sabay-sabay ulit kaming kumain nila Papa at after kumain ay tumulong ako sa paghuhugas tapos ito si Theo nagvolunteer din na tutulong in the end kaming dalawa ang naghugas at pinagpahinga na namin sila manang, napakagulo nga ni Theo first time ata maghugas napaka arte kala mo gwapo, ay gwapo nga pala siya hehe.

"Love mauna kana sa kwarto, pinatatawag kasi ako ni Lolo." natawa naman ako sa tinawag niya sakin.

"love? HAHAHAHA ano to hello love goodbye." laughtrip naman. lumapit siya sakin at niyakap ako.

"HAHAHAHA ano ba gusto mo Babe?" tiningnan ko naman siya.

"Dear."

"HAHAHAHAHA Dear ano ka arabo?" wow grabe tumawa wala ng bukas.

"Joke lang, grabe tumawa baka atakihin ka diyan kakatawa mo." sambit ko.

"Babe nalang." tugon nito sakin, ngumiti naman ako at tumango.

"Babe."

"Ehem, Ehem." naitulak ko naman si Theo ng makita si Papa.

"Ouch."

"Hala, Sorry." lumapit agad ako kay Theo, hindi ko naman sinasadya na mapalakas ang tulak ko HAHAHA at tatama yung ano niya basta yung ano niya sa upuan.

"Masakit yun ah."

"Sorry hehehe."

"It's okay maiwan ko muna kayo ni Papa." wika niya at hinalikan ako sa noo.

Theo POV

Kumatok ako sa kwarto ni Lolo at saka ako pumasok. naabutan ko si Lolo na nakaupo sa sofa niya at nagbabasa ng news article.

"Ijo, maupo ka." ginawa ko naman ang sinabi niya at tumabi sakanya.

"Lolo bakit mo ako pinatatawag?" seryosong tanong ko.

"Alam kong maayos na kayo ni Ella at gusto ko lang na tumulong sa pagmamahalan niyo, bakit hindi kayo mag bakasyon sa Palawan." napaisip naman ako sa sinabi ni Lolo.

"Pero Lolo paano ang Company?" tanong ko.

"It's okay Apo kaya na namin ni Alex yun." nakangiting wika ni Lolo at saka may inabot na 2 plane tickets.

"Thank you Lolo." wika ko.

lumabas na ako sa kwarto ni Lolo at agad na pumunta sa kwarto namin ni Ella at naabutan siyang nagsusuklay,

"Ella, I have good news." nakita ko namang lumiwanag ang mukha niya.

"Good news ano naman yun?" pagtatakang tanong niya sakin. inabot ko ang 2 plane tickets papuntang Palawan sakanya.

"Manila to Palawan." basa niya at tumingin sakin.

"Pupunta tayo sa Palawan?" tanong nito at saka ako ngumiti.

"WOW TALAGA BAAA FIRST TIME KO MAKAKAPUNTA SA PALAWAN IM SO EXCITED." wika niya at saka ako niyakap.

"Thank youu Theo."

"Oh kalma si Lolo ang nagbigay niyan sakin kaya sakanya ka magpasalamat." sambit ko.

"Talaga, super saya ko talaga naririnig ko kasing maganda talaga sa palawan at natutuwa ako dahil kasama ka pa HAHA exciting, kailan ba tayo pupunta dun." pinakita ko ang ticket sakanya

"BUKAS AGAD, SERYOSO." tumango naman ako, nagulat ako ng tumakbo si Ella papuntang cabinet niya at kinuha ang maleta at inilagay sa kama.

"Babe masyado ka naman atang excited HAHAHA." sambit ko at tumabi sakanya.

"Haler this is my first time diba kaya excited na excited ako para bukas hehe PALAWAN ANTAYIN MOKOO." natawa ako sa ginawa niyang pag aksiyon  habang sinasabi ang Palawan antayin moko para siyang bata HAHAHA. pumunta ako sa likod niya at niyakap siya sa bewang at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Oh bakit?" tanong niya.

"Wala lang masaya lang ako na okay na tayo." wika ko at hinalikan siya sa pisngi.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon