Joaquin Espinosa

312 9 0
                                    

1:45 AM.

Makikita ang isang high-end na Audi SUV in blue metallic color na humaharurot sa Edsa. Nag menor lamang ito pagdating sa malaking gate ng isang subdivision, ibinaba ng driver ang salamin ng bintana.

"Boss, kay Kristina Ruiz."

Tumango ang guard at saka pinatuloy ito. Kilala na siya ng mga ito sa dalas ng pagpunta at pagtambay sa bahay nito.

After a few turns narating nito ang sadya. Isang puti at asul na bahay. Country style ang subdivision kaya hindi uso ang mga gate dito. Bumusina ito at bumaba ng kotse. Nag buzzer at ng walang sumagot.

"Kristina... Kristina!." Kinatok nito ang pintuan at mas lumakas ang boses.

"Kristiiiiina...."

Sumindi ang ilaw sa loob ng bahay. Nang buksan ni Kristina ang pinto yumakap si Joaquin dito.

"Kristiiina..." lasing ito... "Ang nag-iisang taong never ako iiwaaan... ang pinakamabait kong best friend." Niyakap pa ito ng mahigpit. "I love you my best best friend... I love... I love you..."

Kumalas si Kristina sa pagkakayakap nito.

"Joaquin..teka nga... ano ba... you're drunk."

"Hind ako lash-eeng Kristihhna. I reached your place safe and sound." (smiles) "See..."

Inalalayan niya ito papunta sa sofa at iniupo pero napahiga ito kasama siya. Pinilit niyang kumalas dito. Tumayo siya. Sanay na siya sa mga ganitong eksena ni Joaquin.

"Haay naku Joaquin Espinosa! Let me guess...brokenhearted ka na naman sa girlfriend mo of three weeks. Ano nga ba ang pangalan nun? Jamie? yes. Jamie. The reason that you are drunk is because mahal na mahal mo? hindi mo kayang iwan. Sandali, igagawa kita ng kape para mahimasmasan ka."

"Mahal ko siya Kristihhna...pero niloko nya ako... two-timer... Jamie... I am gonna sleep now..."

"Lahat naman ng babae mo minahal mo eh....three weeks pa lang mahal... haay! you never learn. Tumayo ka nga dyan at dun ka sa guest room matulog."

Sumunod si Joaquin tumayo ito at dumiretso sa guest room. "Yesh my love...to the guesht rooom. Good night."

AlwaysWhere stories live. Discover now