Joaquin Espinosa

50 2 0
                                    

🌻

Bihira na rin akong umuwi sa mansyon. When I decided to live on my own nagalit si president gusto ko lang daw kumawala sa kanya para hindi nya makita  ang mga kalokohan ko. Nakakatawa ang Papa kasi after that siya pa ang nagbigay ng susi sa condo unit na regalo nya sa akin. Mahal din ako ng tatay ko.

This is one of those days dahil weekend and wala naman akong gagawin. Tinawagan ko si Kristina meron daw siyang meeting. Malamang si Troy na naman ang kasama. Si Isabelle naman may photoshoot and mamayang gabi pa kami magkikita.

"Good morning sir Joaquin." Bungad ni Manang Elena.

"Ang Papa?" tanong ko dito.

"Nasa loob po may bisita. Dito po ba kayo magla-lunch?"

"Oo."

Tumuloy ako sa may garden area naulinigan ko ang boses ng daddy. Hindi muna ako lumapit agad nakilala ko ang bisita. Si Don Ramon Ramirez.

"Compadre, this is a very unexpected visit." Ang daddy.

"Nabalitaan ko kasi na nailatag na ng team mo ang plano para sa gagawin niyong bagong subdivision. Gusto ko lang mauna sana sa prime location."

"Bibili ka ng lupa sa dati mong property?" Tanong ng Papa.

"Bakit hindi? Alam mo naman ayaw ko na sana pero  magaling lang talaga si Kristina at nakumbinsi akong ituloy ang bentahan... at kausapin si Joaquin."

"Nagpapasalamat naman ako diyan compadre mabuti nga at hindi nalaman ni Joaquin na si Kristina ang dahilan kung bakit ka pumayag na ituloy ang bentahan  maliban sa pag kunsidera sa pagkakaibigan natin."

Napako ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang buong katawan ko nagulat ako sa narinig ko. Si Kristina ang dahilan kung bakit ko na-close ang deal. Ibig sabihin hindi talaga produkto ng effort ko ang pagpayag ni Don Ramon Ramirez. Niloko ako ni Kristina. Hindi niya pinaalam sa akin.

"Nagpa-plano na nga pala si Troy na magpakasal na at siyempre dito na rin nila gustong manirahan ng magiging asawa niya matapos ang kasal kaya gusto kong kumuha ng isang lugar para iregalo sa kanila."

Alwaysحيث تعيش القصص. اكتشف الآن