Joaquin Espinosa

71 3 0
                                    

Silent Jealousy

Maaga pa akong inutusan ng mommy na pumunta sa bahay nina Kristina. May ipinadala siyang pasalubong para kay tita Lena. Nang dumating ako doon nakita ko ang isang pulang Mazda paalis ng bahay nila.

"Kuya Bogs, kilala mo yun?" Tanong ko sa guard na nakasalubong ko pag baba ko ng kotse.

"Hindi Joaqs. Baka kamag-anak."

Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi makita ang tao sa loob.

Nag buzzer ako. Lumabas si Tita Lena.

"O Joaqs, kakaalis lang ni Kristina."

"Siya po ba yung nasa pulang kotse? Sinong kasama? Saan po ang punta? Bakit umalis?" sunod-sunod na tanong ko.

"Wait. Joaqs isa-isa lang okay? May book reading daw sila. Hindi ba nabanggit? Kasama si Nica at Aya."

"Book reading? Ah yung project ng Book Club sa school..." Inabot ko ang paper bag na padala ni mommy. "Pinabibigay po pala ni mommy."

"Salamat. Tatawagan ko na lang ang mommy mo.  Oo nga pala bakit di kayo kasama puro girls lang?"

"May barbecue party po sa bahay mamaya kaming mga boys ang nakatoka ngayon. Oo nga po pala susunduin ko si Kristina mamaya."

"Sige walang problema." Sagot ni Tita Lena.

"Ah, tita... S-si Troy po ba yung kasama ni Kristina?" tanong ko.

"Oo bakit?"

"W-wala po. Sige tita alis na po ako."

Aaminin ko medyo nainis ako ng marinig ko ang pangalan ni Troy.

AlwaysWhere stories live. Discover now