Kristina Ruiz

54 2 0
                                    

St. Benedict's Church.

Lord, nakakatuwang malaman that Joaquin has closed the deal. Salamat po at least hindi na magagalit ang Tito Julio sa kanya and at least he has proven something to the board. Masyado kasing happy-go-lucky ang taong ito palibhasa nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga Espinosa. Kailan kaya ito tunay na magiging seryoso sa buhay?

----

Joaquin

Lord, salamat at dininig mo ang mga prayers ko regarding sa property ni Mr. Ramirez. Salamat din at ibinigay mo sa akin itong si Kristina para maging sandalan at kaibigan ko may tanong lang ako Lord, alam ko magkaibigan lang kami pero bakit naiinis ako sa nakita ko kanina? Iba ang pakiramdam ko talaga Lord, manliligaw ba dito si Troy?

----
Kristina

After the mass, dinala ako ni Joaquin sa isang bagong restaurant na nadaanan nya this morning from Laguna.

"O bakit mo ako tinititigan ng ganyan?" Tanong ni Joaquin sa akin. "Nai-in love ka sa akin ano? Mahal mo ako ano?" After naming mag-order ng food.

"Ay naku, Joaquin Espinosa tumigil ka nga! natutuwa lang ako kasi nag bunga yung lahat efforts mo with Mr. Ramirez." sagot ko. "Hindi na magagalit sa iyo ang Tito Julio."

"Naku, ang Papa naman laging galit yun. Akala nya kasi hindi ako seryoso sa buhay."

"Seryoso ka nga ba? saan banda?" Tanong ko.

"Naman.. maiba ako kanina sa golf course, may nakilala akong babae. Ang ganda. Isabelle Vercelles. Model. I am thinking of pursuing her."

"Here we go again. Ay naku Joaquin idadagdag mo na naman sa listahan mo yan ng mga babaeng kung hindi ikaw ang niloko, eh ikaw ng nanloko. Wala hopeless case ka na pagdating sa mga babae." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo? Ikaw... grabe ka talaga sa akin. Tandaan mo hihintayin ko talaga na dumating ang araw na mai-in love ka sa akin."

"You wish... kumain ka na nga lang."

"Bakit? Hindi ba pwede? baka isang araw pag gising mo hanap-hanapin mo ako and by that time wala na ako dahil pagmamayari na ako ng iba."

"Sabi mo nga Joaquin, may standards ako. Huwag mo na ako isama sa mga kalokohan mo. Okay na tayong ganito...at kung maiin-love naman ako or gigising isang umaga...yes hahanapin kita kasi best friend kita. Yun lang yon."

"Ouch! Ang sakit... dito. Sapul na sapul." Sabay turo sa puso nya.

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon