For the Boys

46 2 0
                                    

Joaquin's Place

"Huh?! ikaw Joaquin Espinosa mag-aasawa na?!" Humalakhak si Mico. "Are you kidding us bro? I don't think so..."

Sleep-over ng mga boys sa condo ni Joaquin. Parehong ayaw maniwala ng dalawang kaibigan nito na nagbabalak siyang magpakasal.

"Bro alam mo I am giving you the most... mga one month. Iba na naman ang ihip ng hangin nyan." Sabat ni Jacob habang inaabutan ng beer ang dalawang kasama.

"Wow pare ha ang tindi ng pagiging judgmental nyo sa akin. Thank you ha? May I remind you guys kaibigan niyo ako." Sagot ni Joaquin.

"Pero alam nyo boys iba ito. Tinamaan ako. Dito." Sabay turo sa dibdib nya."

"Baka dito, sa ilalim ng pantalon. Dyan tumama." Si Mico.

Binato ni Joaquin ng throw pillow ang nakasalampak na si Mico.

"Alam mo ikaw Mico, sobra ka bro. Grabe!"

"Oh eh bakit? Hindi ba? Wala ka namang babaeng pinalampas basta nakapalda... shoot!" Nagtawanan sila.

"Gago." sagot ni Joaquin.

"Pero Joaquin, seryoso pare I don't think magagawa mo yan kasi kami ni Mico from the start alam naman namin kung sino ang nasa puso mo diyan sa dibdib mo nakaukit sa pagkatao mo." Seryosong sabi ni Jacob.

"What do you mean? Ang lalim nun ha." Tanong ni Joaquin dito.

Binato ni Mico pabalik ang throw pillow kay Joaquin.

"Ikaw kasi pare yung malinaw ginagawa mong malabo...spell Kristina all caps."

Umiling-iling si Joaquin at lumagok ng beer.

"Si Kristina? Kristina Ruiz? Ha! wala mataas ang standards nun. Ganun ang level nun." Itinaas ang kamay sa hangin. "Hindi ako papasa dun hanggang best friends lang kami BEST friends."

"Sinabi nya?" Tanong ni Jacob.

"Hindi. Pero ganun din yun."

"Nagsabi ka ba?" Si Mico

"Ng ano?" Si Joaquin.

"Ng feelings. Na gusto mo siya. Na mahal mo siya?" Si Jacob.

Ibinaba ni Joaquin ang beer sa mesa.

"Hindi...mahal ko siya. Oo pero best friend lang talaga kami. Kayo ba di niyo sya mahal? Si Aya, si Nica...basta..magkaiba yun."

"Alam mo pare...bakit di pa kasi ninyo aminin sa isa't-isa?" Si Jacob.

"May Troy Ramirez na yun..." sabay lagok ng beer.

Tumahimik ang dalawa Nagkatinginan na lang.

AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon