Friends

54 2 0
                                    

----
Kristina

"Ay naku isa ka din naman kasing malaking pakialamera...talaga namang magagalit yung tao eh pinagmukha nyong tanga. Hindi sa kinakampihan ko si Joaquin dito ha."

"Aya I only did what I thought was right. Kung pinabayaan ko siya hindi nya makukuha yung deal at malamang malaking issue sa kanilang mag-ama yun. I just wanted to help. Masama ba yun?" Tanong ko kay Aya.

"Oo naman nakakagago kaya yun. Alam mo yung akala mong nagawa mo yung trabaho mo with flying colors tapos iba pala ang talagang gumawa ng paraan para sa yo."

"I don't know para bang ang laki-laki ng kasalanan ko."

"Malaki talaga...ay naku kumain na lang tayo. Pero alam mo ang weird dyan sa istorya nyo eh yung maisip nyang may relasyon kayo ni Troy."

"Haay! He did not even give me a chance to explain."

----
Joaquin

"Get out of my office Joaquin! Get out! Ako pa ang pinaalis eh siya itong may kasalanan sa akin."

" Bro, palalayasin ka talaga. Opisina niya yun at nagiiskandalo ka. May kliyente siya. Sinira mo ang meeting niya." Sagot ni Mico sa akin.

"Si Troy ang kasama niya sa conference room malay ko ba kung ano ang nangyayari doon."

"Ikaw ang halay ng utak mo. I don't believe. It's just pure business I guess. At saka dapat nga thankful ka pa kay Kristina dahil na-close mo ang deal na yan."

"Ewan ko bro. Basta she still lied to me."

"Ewan mo. Ewan ko sa'yo. Alam mo hindi ka naman talaga galit nagseselos ka lang kay Troy aminin mo na. Kung ako sa'yo aamin na ako kay Kristina habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat." Mico's advise.

"Sa tingin mo?"

"Oo at mag-sorry ka na din...gago ka eh. Ayusin mo buhay mo."

AlwaysWhere stories live. Discover now